Chapter 37: Why? O______O

3.3K 65 36
                                    

A/N: Dedicated kay @KaoruHitachiinRaelao :)) Natawa ako sa comment mo doon sa "Fryingpan' xD Hahaha! Ang babaw ko lang eh?

 

***

POV> JENNY CIENNE ANDERS

 


Lumayo na ako mula sa kanila, tinext ko na lang si Klein na magkita kami sa McDo. Ayoko muna silang makausap lalo na ganun yung nangyari sa amin ni Renee.

Nagcommute na lang ako papunta sa McDo malapit lang naman dito sa school yung McDo.

Naghanap ako ng mauupuan, umorder na lang din ako ng sundae para hindi naman nakakahiya sa ibang customer. 

Hindi naman ako pinaghintay ng matagal ni Klein at dumating na din siya. Malamang kasunod lang ng bus namin yung bus nila at medyo nahuli lang.

"Klein!" binababa ko yung sundae na kinakain ko at tinawag siya ng masulyapan siya.

Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Sorry ah. Pinaghintay ata kita" nakangiting sabi ni Klein.

"Ano ka ba ! 5 minutes nga lang ata akong naghintay dito eh" pabirong sabi ko sa kanya at tinuloy yung pagkain ng sundae.

"Bakit ba ikaw lang? Nakita ko sina Rene--" di ko siya pinatapos at nagsalita na ulit ako.

"Huh? Nakita mo sila? Pabayaan mo na lang yun. May sari-sarili silang lakad ngayon kaya naman ako lang mag-isa" nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumitig siya sa akin at ngumiti.

"Pero nakau--" hindi ko na siya ulit pinatapos at nilapag ko na yung sundae at hinila siya papalabas ng McDo.

"Tara na.. Kung ano man yung sinabi nila sa'yo. Huwag mo na yung intindihin. Okay? Arraseo?" nag-ok sign ako sa kanya.

"O'sige po" tinap niya ako sa ulo at ngumiti.

Sumakay na kami ng taxi at nagpahatid sa Mall.

Nang makarating naman kami sa Mall, agad naman kaming pumunta sa Resto kung saan kami kakaing dalawa.

*Beep Beep*

Napatingin ako doon sa ibabaw ng lamesa kung saan nakapatong yung cellphone ko. Ayan nanaman sila, nagtetext nanaman.

I Love You, Ms.Panget (:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon