Chapter 32: Mark or Klein? Choose Wisely.

3.7K 72 16
                                    

A/N: Halooooooo! Dedicated nga pala to kay @Roseeeee_21 :D Salamat sa pagsupport sa ILYMP :D Labyah!  xD

Mark or Klein ? (Picture------->) Alam kong ang gwapo ni Klein jan xD Haha!

***

POV> JENNY CIENNE ANDERS

 

Anong ginagawa nitong Mark na to?

Nanlaki yung mga mata ko ng bigla siyang pumasok at kasunod si Kuya. Hawak hawak ko parin yung brown na tuta.

“Maark!” narinig kong sigaw ni Mom at lumapit kay Mark at nagbeso-beso sila.

“Iho, kamusta ka na?” at si Dad naman ang lumapit kay Mark.

“Ayos lang po ako tito..” sabi ni Mark.

Naramdaman kong nasa likod ko na pala si Klein. Napatingin ako sa kanya at napailing.

Wala akong kinalaman dito. Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakangisi.

Aigoo! Sinundo niya pala talaga tong si Mark.

Kung dati natutuwa akong dito siya nagCChristmas ngayon HINDI na!

Lumapit si Mark sa akin at hinawakan yung tuta sa ulo.

“Anong papangalan mo sa kanya?” nakangiting sabi niya.

Wala naman akong imik.

“Sorry kung ngayon ko lang yan nabigay sa’yo..” napatigingin ako sa gwapo niyan--- wait! Sa mukha niya pala.

Dalawang taon ko na to hinihiling , tuwing Christmas lagi akong nagpaparinig sa kanya tungkol dito.

Hindi ko aakalaing matatandaan pa niya.

“Hindi mo sinabi na mahilig ka pala sa tuta..” bulong ni Klein.

Ngumiti ako sa kanya “Cute kasi..” sabay niyakap ko pa ng mahigpit yung tuta.

“Milo.. Milo ipangalan mo ah.” Ngumiti sa akin si Mark.

Milo? Naalala ko pa favorite niyang inumin yun. Naging favorite ko rin yun dahil sa kanya.

“Bagay! Kasi brown siya.” Natawa ako.

Tumngin si Mark sa akin. Yung tingin niya. . nakakamiss.

 

“Okay! Mamaya na tayo magkwentuhan ulit.. Kumpleto na tayo kaya kumain na tayo.” Yaya naman ni Mom at lahat kami pumunta na sa dining table.

I Love You, Ms.Panget (:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon