Chapter 42: Spin The Bottle.

3.5K 78 15
                                    

POV> JENNY CIENNE ANDERS

“Ano naman ang nakain mo at binalik mo yang... ‘eww’ style mo?” kinurot ako ng mahina ni Shyna sa may tagiliran kaya naman napaurong naman ako.

 

“Aray ah.” Sabi ko with bleh pa.

 

“Seriously babalik ka nga?” sabi naman ni Besh at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

“Yuuup!” tinulak ko ang noo ni Besh gamit ang hintuturo ko.

“No you can’t!” hindi kalakasang sigaw ni Athena.

“Why naman?” humarap ako sa kanya at sabay nagpout.

“Because syang effort namin! “ sigaw naman ni Athena.

Napaurong naman ako kasi nagtagolog siya.. Sapul sa buwan magtagalog yan eh.

“Hahaha! Baliw ka.” Sabi ni Shyna at hinampas pa ng marahan si Athena sa balikat.

“Ouch!” hinimas himas pa ni Athena yung balikat niya at tumngin ng masama kay Shyna.

“Wow ah! Hindi naman masakit yun! Buti ba kung si Renee ang humampas sa’yo.”  Sabay binaling ni Shyna kay Besh ang tingin niya.

“O ako nanaman nakita niyo..” iritadong sabi ni Besh sabay irap niya sa dalawa.

Habang naguusap at nagaasaran sila ay sinubukan kong pumasok ng palihim sa room, ibaba ko lang tong bag ko.

Naglakad ako ng marahan. Actually pa-tip toe yung lakad ko at busy pa naman sila sa pagbabangyan eh/. Ahihihihi!

“JENNNNNNY!”  narinig kong sigaw ng tatlo.

Humarap naman ako ng dahan dahan sa kanila.

Nakapameywang talaga silang tatlo at masama ang tingin sa akin.

“Ibaba ko lang sana yung bag ko..” mahinang sabi ko.

Hindi sila sumagot at nilapitan lang nila ako.

Hinawakan ako ni Besh sa balikat at tinulak papunta sa upuan. Inaayos ni Athena yung uupuan ko while si Shyna tinanggal yung bag ko.

“A-Ano bang ginagawa niyo?”  tumngin ako ng masama kay Besh.

I Love You, Ms.Panget (:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon