Chapter 9; First Date

18.4K 413 9
                                    

Leaf's POV -




Dumantay narin ako sa ulo nya at hinigpitan ko na ang pagkakahawak ko sa kamay nya, "Walang anuman 'yun, magpahinga ka na lang kaylangan mo 'yan dahil ilang araw na lang busy na ang schedule natin para sa kasal."




Alam kong hindi na namin mapipigilan pa ang kasal na magaganap, ang tanging magagawa na lang namin ay pumayag at gawin ang role namin bilang mag-asawa, kahit 'yun lang mapasaya ko ang Daddy ko at alam kong ganun din si Pierce. I don't want to end my life with him, hindi sa ayaw ko sa kanya pero alam ko namang hindi magiging madali ang lahat sa amin.



Tiningnan ko naman sya at himbing na himbing sa pag tulog, nahilik na nga eh. Siguro sobra syang napagod sa paghila ko sa kanya. Hahahahaha! Napaka pasaway nya kasi eh pero kahit ganun, masaya din pala siya kasama.



"Hmmp! Hindi ko tuloy lubos maisip na pumayag akong magpakasal sayo, hahaha---" biglang sapok, "Aray ko naman!"




"Huwag mong isiping ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan, dahil pati ako di ko rin alam kung paano mo 'ko napapayag magpakasal sayo!" Ngayon hindi na sya nakadantay sa 'kin, kung hindi nakatingin na sa akin.


"Hssshhh, teka gising ka?"



"Oo, masasapok ba kita kung tulog ako. Hays! Paganahin mo nga kahit minsan yang utak mo, lagi na lang tulog."



"Oo na! Oo na! Ikaw ng matalino. Aish sakit nun huh!"



"Tsk! Ayan tuloy nawala na yung pagka-antok ko, hindi tuloy ako makapag pahinga."



"So anong ibig mong sabihin? Na sinira ko ang pagpapahinga mo hah?"



"Oo ano pa ba? Eh ikaw lang naman ang laging sumisira sa pagpapahinga ko, itikom mo kaya minsan 'yang bibig mo lalo na't kapag nonsense naman yung mga sasabihin mo. Sinasayang mo ang laway na binigay sayo tsk!"



"OA mo naman, 3days pa lang tayong nagkakasama kaya huwag kang umasta dyan na parang matagal na tayong magkakilala."



"Diba sabe ko huwag ka ng uusap kapag wala namang ka kwenta kwenta ang mga sasabihin mo!"


"Oh anong gagawin mo?"



"Sasalakan ko ng bubuyog 'yang bunganga mo, makita mo!"



"Alam mo napaka initin nga po lagi ng ulo mo, buti't natitiis ka pa nila Tita no? Siguro yung mga naging girlfriend mo, hindi tumagal sa ugali mo kaya wala ka parin asawa hanggang ngayon."



Hindi na naman sya nakapag salita pa, bigla syang natahimik at naging seryoso ang mukha sa sinabe ko. Bakit may mali ba sa sinabe ko kaya sya nagkaganyan?



Bigla shang tumayo na para bang walang sakit, humiga sya sa kama at tsaka nagtalukbong ng kumot.




"Matutulog ka?" Ngunit wala itong tugon.




Hala! May nasabi yata akong hindi maganda, masyado na yatang personal ang mga sinabe ko kaya naman nagkaganyan sya. Hindi kaya, galit na sya sa 'kin? Hindi kaya nainis na sya at iniisip na puro nonsense ang mga sinasabe ko? Bakit tama naman ako ah, mukhang hindi sya magkaka-asawa dahil sa ugali nya.




Limang minuto na yata ang nakakalipas pero hindi parin sya nagsasalita, alam ko hindi sya tulog, may iniisip sya kaya di ko maiiwasang mag-isip na baka galit nga sya sa 'kin.




Eh bakit ba ako sobrang affected? Pakelam ko ba kung galit sya sa 'kin. I don't care! Pati sino sya para suyuin ko? Hindi ko pa sya asawa at kung magiging asawa ko 'man sya, 'yun ay sa papel lang.



Wanted Babymaker (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon