Chapter 48 Runaway groom

9.9K 254 14
                                    

Leaf's POV -

10am na at kanina pa ako tinatawagan nila Lola Elizabeth pati na rin ni Tita, at kanina pa rin kami naghahanap dito.

"Lagot ako! Lagot ako! Nasan ba kasi yun? Dala dala ko na yun kagabi eh." Tumingin na ako sa ilalim ng kama pero wala talaga eh.

"Ma'am! Ma'am? Please lang po, hayaan nyo na po kami ang maghanap. Magugulo lang po kasi ang ayos nyo."

Wala akong pakelam sa kung ano na ang itsura ko ngayon. Ang mas mahalaga dun, ay yung sapatos na binili pa ni Lola na gusto nyang isuot ko sa araw na 'to. Sa pinakamahalagang araw sa buhay ni Lola, ang ikasal na ang apo nya.

"Nasan ba kasi yun?" Napa upo na ako sa sobrang pagka dismaya, "Tatanga tanga kasi ako eh! Hindi ko kasi inaayos kung saan ko inilagay ih." Napapa iyak na talaga ako.

"Ma'am? Please huwag na po kayo umiyak, maayos din po ang lahat. Mahahanap din po yun."

"Per--pero magagalit sa akin si Lola." Miya miya lang may pumasok sa pinto.

"What's going on here?" Sya yung bestfriend ni Pierce ah!

"Nawawala po kasi yung sapatos ni Ma'am Leaf."

"Wait," Lumabas sya at sa pagpasok nya may dala na syang sapatos. "Gamitin mo muna 'to. Mas magagalit sayo si Tita kung hindi ka makakarating, mas mahalaga ka dun sa kasal kaysa sa sapatos." Nginitian nya lang ako at lumabas na.

Wala na akong nagawa pa, tama naman sya. Kaya sinuot ko na yung sapatos, inayos lang yung make-up ko, sinuot yung gown. Sa pagmamadali ko hindi ko na nakita pa sa salamin ang itsura ko.

Nagsimula ng paandarin yung kotse papunta dun sa simbahan. May halong kaba akong nararamdaman, hindi ako mapalagay. Hindi ko alam kung excited ba ako o ano.

Pag dating namin sa simbahan, napaka raming tao ang nasa labas pero nagsipasukan din sila ng dumating na ang sasakyan namin.

Inalalayan ako ni Tito palabas ng sasakyan kasama si Tita, mga magulang ni Pierce.

"Are you ready ija?" Tanong ni Tito, "Huwag kang kabahan okay?"

Okay, okay, inhale! Exhale! Inhale! Exhale!

Miya miya lang dahan dahan dahang bumukas yung pintuan ng simbahan. Ang daming tao ang nasa loob.

Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan na kaming naglakad papasok ng simbahan.

(A/N: Play the music video above.)

Nanlalamig ang mga kamay ko pero pinapalakas nila Tita at Tito ang loob ko.

Ang daming reporters, nagpipicture sa amin.

Nasa kalagitnaan na kami at natatanaw ko na si Cliff, Roice at Soney mga nakangiti silang lahat lalo na si Lola. Palapit na kami ng palapit at si Pi-- Woaahhh! Si Pierce ba talaga 'tong nasa harapan ko?

Ibinigay na ni Tito ang kamay ko kay Pierce, at naglakad na kami papuntang altar. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanya, ang gwapo nya ngayon. Grabe!

Nakarating na kami sa altar, hindi pa nagsisimula si Pader. Tiningnan nya lang ako hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko at dahan dahan itong binitawan.

Napatingin ako ng seryoso sa kanya, hindi nya ako tinitingnan ng diretso at tsaka sya tumakbo palabas ng simbahan.

Gulat na gulat yung mga tao sa paligid namin, lahat sila nagbubulungan, naka focus ako kay Pierce na naglalakad palabas.

Hindi ko alam pero bigla na lang may pumatak na mga luha mula sa mga mata ko. Parang nawalan ako ng lakas inalalayan naman ako ni Cliff, pati sya hindi makatingin sa akin ng diretso.

Wanted Babymaker (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon