Chapter 62 Partner in crime

10.8K 259 29
                                    

Pierce POV -

"Nagkaroon lang ng after shock. Hindi pa masyadong nakaka recover ang isip nya, kaya mentally block pa sya. She needs now is to rest for a while. Don't make her stress at mas mapapabilis ang recovery nya."

"Thank you po Doc." Pina uwi ko na muna sila Mama sabe ko ako muna ang titingin dun sa dalawa ni Kuya at Leaf.

Bumalik na ako sa room ni Leaf at gaya ng tingin nya kanina, ganun pa rin ang salubong nya.

"Bakit ka ganyan makatingin? Kilala mo na ako?"

"Hindi. Kaya huwag kang lalapit sa akin hah? Lagot ka sa akin." Itinutok nya sa akin yung tinidor ga gamit nya sa pagkain.

Kinuha ko yung tinidor, "Ako nga sabe si Pierce, Pierce Viel Clotton."

"Eh sino ka ba?"

"Asa-- hays! Wala ka ng pakelam dun, kumain ka na lang tapos magpahinga ka na."

"Oo na. Basta pag nagpapahinga ako, lalabas ka na hah? Hindi ako sanay ng may lalake sa tabi ko habang nagpapahinga ako."

"Oo na! Nga pala, sino si Raf? Bakit mo sya tinatawag kanina?" Sa ngayon siguro naalala na nya si Raf. Dati kasi hindi nya maalala.

"Raf? Sino yun? Hindi ko 'yun kilala." Jusko po! Si Leaf na ba sya ngayon? Yung totoong Leaf? "Wala akong maalala na may sinabe akong Raf kanina."

"Leaf naman eh!"

"Sinabe ko na sayo, wala nga akong kilalang Raf kulit! Kapag sinabe kong wala, wala tala--- teka-- Leaf? Hays, bakit mo 'ko kilala? Stalker kita noh? Hmp!" Nagtalukbong na sya ng kumot.

Woo! Mas malala pa pala sya kaysa sa ngayong Leaf. Urgh! Naguguluhan na ako.

Maagang nakatulog si Leaf kaya hindi ko na sya kinulit. Pinuntahan ko muna si Kuya, nandito na naman sila Yaya para bantayan muna si Leaf.

Bawal pa rin kami pumasok sa loob para mabisita si Kuya, sa ngayon pa tingin tingin muna kami sa kanya. Ang daming mga nakasaksak sa kanya, may vandage pa sya sa ulo. Napasama talaga ang pagkaka aksidente nila ni Leaf.

Biglang may babang lumapit sa akin at umiiyak habang nakatingin kay Kuya.

"Raf?" Raf? Hindi ko sya makita ng maayos dahil may nakaharang sa mukha nya.

"Miss sino po sila?" Pero hindi sya nagsasalita. "Miss? Paano nyo po nakilala ang Kuya ko at sino po kayo?" Hinawakan ko sya sa kamay kaso tinanggal nya yun at dali dali syang tumakbo. "Sino kaya yun?"

Sarah's POV -

"Ano? Hindi mo pa rin ba matawagan si Leaf?"

"Yes, kanina ko pa sya tinatawagan pero walang sumasagot. Hindi ko naman alam kung saan ang bahay nila Lola Elizabeth para mapuntahan natin sya."

Nasan ka ba Leaf? Bakit hindi mo man lang sinasagot yung tawag? Kaylangan ka na namin maka usap.

"Mabuti pa pupunta ako sa opisina itatanong ko kung saan ang bahay ni Leaf, ikaw na muna ang bahala dyan. May darating akong client. Tell her i'm busy." At tuluyan na syang umalis.

Nagkita na sila? Hindi naayon sa plano ang mga gusto ko. Bakit ba kasi bumalik pa sya dito? Ayos na sana ang lahat.

"Sarah?" Yung boses na yun, kahit hindi ko pa sya nakikita may kakaiba na akong kutob.

"What are you doing here?" Naglakad sya malapit sa pwesto ko at umupo sa may upuan sa harapan ko.

"Kaylan ka pa bumalik?"

"None of your bussiness. Diba matagal na tayo tapos, wala na akong pakelam sayo kaya huwag mo rin akong pakelaman sa mga gusto ko."

"Do you think sa ginagawa mo makukuha mo si Raf? No! Mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon."

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now