Chapter 27 Danger

11K 241 2
                                    

Pierce POV -


"A---anong tinitingin tingin mo dyan!?" Pagsusungit nya.




"Bakit ang sungit mo?" Sagot ko naman habang nakapatong yung baba ko sa palad ko, kanina pa kasi sya ganyan parang wala sa mood. Parang kawawang bata kung umasta, parang kanina lang ang hypher nya pero ngayon--- ewan ko ba. Ang hirap tantyahin ng mga babae!



"Tsk! Pake mo!?"




"Naiisip ko lang, bakit parang---- over protective ka sa akin kanina? I mean, hindi mo naman dapat gawin ang mga bagay na 'yun pero ginawa mo pa rin. Hindi ka naman ganun. Naisip ko lang!" Napatigil naman sya sa pagkain nung strawberry ice cream at fries nya.



"Para ka kasing sira! Maghuhubad hubad ka ng damit sa harap ng maraming tao, eh alam mo namang halos lahat sila laway na laway sayo! Nakakahiya kaya. Isipin pa nilang pumunta kang tayo dun para magpasikat." Sabay higop nya sa juice.




"Ahh ganun ba? Ibig sabihin---- 'yun lang yung dahilan mo? Wala ng iba? Kasi hindi ka naman aasta ng ganun kung wala lang diba?"




"O----om, 'yun lang! Ano pa ba? May ineexpect ka ba?"



"Wala na, kumain ka na lang. Mabulunan ka sana!" Pinagdiinan ko talaga 'yun pero patuloy lang sya sa pagkain.




"Psh, pinaglihi ka talaga sa sama ng loob ano?Nga pala, niyaya ko yung kapatid mo na kumain sa bahay mimiya."




Niyaya nya yung kapatid ko para kumain, ibig sabihin--- "Kaya ka namili para ipagluto sya ganun?" Tumango naman sya.




"Oo, eh ano namang kaso dun? Kapatid mo naman sya, isa pa para naman makabawi ako sa ginawa nya." Tumayo na lamang sya at naglakad palabas ng hindi na naman dinala ang mga pinamili nya. Ganito na ba talaga ang role ng mga lalake ngayon? Taga bibit? Anong ginagawa ng kamay nya? Taga subo ng pagkain, psh!



"Pag dating sa ibang tao, nag-iiba ang pag-uugali nya. Ibang iba sa pinapakita nya sa akin!" Pagka-usap ko sa sarili habang isa isang pinupulot yung mga binili nya.



Mabilis kaming nakarating sa bahay kasi wala na kaming ibang dinaanan at tahimik sya sa buong biyahe kaya naman wala rin kaming pinag-awayan, dahilan para tumigil pa kami at mag-away. (¬_¬)ノ



"Pierce ihanda mo na yung mga gagamitin, magbibihis lang ako ng pambahay! Hugasan mo na rin ng mabuti yung mga gulay hah?" Pag sigaw nya habang naglalakad pataas.




Hinugasahan, ginayat, ipinaghiwa hiwalay ko yung bawat rekados gaya ng ginagawa ko at nagsimula na syang magluto habang ako naka upo lang. Manood na lang daw ako pero minamanmanan ko pa rin ang mga ginagawa nya, wala pa rin akong tiwala sa kanya kapag nasa kusina. Bida bida!



"Marunong ka ba talaga nyan? Baka mimiya, masunog mo na naman yung buong kusina gaya ng ginawa mo noon!"





"Hindi noh! Tinuruan ako nila Yaya, kaya sigurado akong masarap 'to! Kaya chill ka lang dyan." Pa smooth pa.




"Okay, sabi mo eh." Pinanood ko na lang syang magluto. Base sa mga nakikita ko ay medyo marunong na nga sya. Hindi na sya nakaka sunog, hindi na rin sya gasinong nangangapa sa kusina. Maliban lang sa pagsasaing, hindi pa sya marunong. Tinatanong nya minu-minuto sa akin kung-----



"Okay na ba sya? Naparami ba tubig ko? Huy! Bakit nabula!? Supok ba? O naging lugaw na sya? Huy! May natalsik na mga bula, ba't ganun!? Anong nangyayare dito, bakit ganito!!?"




Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now