Chapter 39 Ayumi

10.3K 232 5
                                    

Pierce POV -

Pagkatapos ng araw na 'yun ay wala namang naging kakaiba sa aming dalawa ni Leaf dahil kung magagalit lang kami at iisipin ang mga nangyari tungkol sa mga bagay na ginawa namin ng hindi pinag isipan ng mabuti. Mas mabuti pa na huwag na lang, kasi wala na rin naman kaming magagawa pa. Nakapirma na, tapos na.

Ang tanging magagawa lang namin ay sundin ang nasa kontrata at mag-isip ng valid reason kay tanda, para payagan kaming mag divorce ng mas maaga.

Thursday ngayon, ako ang naka assign sa gawaing bahay. Wala rin si Leaf nasa shooting nila.

Ilang araw kaming nawala at naging busy. Kaya napansin kong, medyo mailakabok sa bahay. Hindi ko 'to kayang gawin mag-isa kaya...

"Pare, hindi pa ba malinis 'to?"

"Sige lang! Konti pa. Malilinis din yan!" Katulong ko si Cliff pag lilinis hindi ko kasi talaga malaman kung nasan na sila Roice at Soney. Wala na akong balita sa dalawang mokong na yun!

"Wala man lang bang break time?"

"Wala!"

"Aish! Ginugutom na ako, wala bang niluto dyan yung Misis mo!?"

"Wala! Hindi yun marunong magluto." Habang naglilinis ako ng mga furniture sa bahay. Sya naman ay abala pagpapalit ng mga kurtina sa bahay. "Huwag kang mag-alala. Isa na lang yung lalagyan mo, pwede ka ng kumain at mag shower."

"Wooo! Buti naman dahil kanina pa ako kating kati dito." Bigla namang may tumunog at may nag flash na camera kaya nagulat kami ni Cliff. "Ano yun!? Ang sakit nun ah."

"Ay sorry! Sorry pasensya na! Si Pierce lang naman kasi yung kukuhanan ko ng picture kaso nandyan ka pala, sorry nabigla kita."

"Okay lang Mis---." Hindi pa tapos magsalita si Cliff pero sumigaw agad si Leaf.

"Kyaaaaaaahhhhhhh!!!" Nagpunta sya sa likod ko at doon nagtago, "Diyos ko po, Lord! Patawad! Patawad!"

"Pst! What are you doing?" Tanong ko sa kanya, "Ano bang ginawa mo?" Tanong ko naman kay Cliff.

"Nothing!" Nakita lang nya si Cliff sumigaw na sya at nagtago na sa likod ko tapos kung ano ano pa mga pinagsasabe nya.

"Sabihin mo nga dyan sa kaybigan mo na mag damit sya! Nagkakasala ako sa Diyos sa ginagawa nya.."

Hays, akala ko naman kung ano na. Yun lang pala.

"Pst!" Itinuro ko yung damit nya as a sign na isuot nya, "Okay na." Dahan dahan syang sumilip mula sa likod ko.

"Sa susunod huwag kang maghuhubad. Okay?"

Napatingin lang sa akin si Cliff, "Ookaayy."

"Bakit nga pala ang aga mo ngayon?"

"Wala eh! Hindi sumipot si Athan kaya konti lang ang shots. Kaya maaga akong naka uwi." Iba yata ang aura nya ngayon. Mukhang ang saya saya nya! Nakakain na naman ba sya ng fries o binalikan nya yung cake na kanain nya kahapon? Yun lang kasi ang nagpapasaya sa kanya ng ganyan, mga pagkain. "Teka! Nakakain na ba kayong dalawa hah?"

"Hindi pa nga eh! Ginugutom na ako." Biglang sagot naman ni Cliff.

"Wait lang kayo dyan huh!? Papa deliver ako ng foods, my treat!" Tumakbo na sya pataas ng kwarto.

"Ibig sabihin hindi talaga marunong magluto yung aasawahin mo?" Bulong nya.

"Oo. Ako ang taga luto, sya ang taga ubos. Kapag hindi ko kasi sya pinagluto. Puro noodles na naman ang kakainin nya o kaya naman, susunugin na naman nya itong bahay."

"Pfffttt... Really?"

"Oo, huwag kang tumawa. Pag narinig ka nun kakainin ka nya ng buhay, sige ka!" Binibiro ko lang sya. Ang sarap din kasi nitong asarin, masyadong Funny! Funny-walain. Okay, waley!

Wanted Babymaker (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon