Chapter 17 Don't cross the line

11.5K 265 0
                                    

Kung nagkita na daw ba kami noon? Sa mukha nya, mukhang--- hindi ko pa sya nakikita pero--- mukhang pamilyar nga ang mukha nya. Tsk! Siguro kasi may pagkakahawig din sya kay Pierce pero sigurado akong hindi ko pa sya nakikita, ngayon pa lang.



"Sig--- siguro."


Biglang namang nanlaki yung mga mata nya, "Re--really!? Did we?"


OA naman nito! Ngayon lang ba sya nakakita ng dyosa? "Ahhh siguro----- kung saan saan, baka nakita mo na ako sa mall o sa bar madalas akong nandun dati eh. Oh baka naman sa office nila Lola? Hindi lang siguro kita napapansin." Hindi ko kasi maisip ng mabuti kung nagkita na talaga kami o hindi pa? Siguro nung mga panahong  hindi pa ako nacocoma at nagka amnesia.


"Ahmm--- siguro nga." Biglang tumamlay yung mukha nya. Ano kayang nangyayare sa kanya?

"Okay ka lang ba?" Kanina ko kasi napapansin na hindi sya mapalagay unlike nung kausap ko pa lang sya sa telepono.


"Yes, I'm okay. Dala lang lang siguro 'to ng pagod. Dumaretso na kasi ako dito pagkatapos ng trabaho ko!" At nag smile na naman sya, woahhh mas lalo syang gumwapo sa pag ngiti nyang 'yun. Mabuti pa 'to marunong ngumiti! Parinig na naman sa isa. =_=


"Ay, nga pala! Nakalimutan ko tuloy, maghahain lang ako ng pagkain--- baka nagugutom ka na rin." Dali dali akong pumunta sa sala. Ang dami nyang dinala, may supot din dun na punong puno ng fries.



"Mahilig ka sa fries?" Nandito na pala sya ngayon sa tabi ko at yung mga tingin nya hanggang ngayon, ganun pa rin parang full of curiousity. Inaalala nya siguro kung saan kami nagkita!


"Oo sobra--- kanina pa nga ako nagcecrave dito eh." Pa shy type kong sabi. "Bakit nga pala nakapagdala ka ng fries?" Kasi parang nabili na nya ang mga pagkain na bibilhin nya tapos hinuli nya yung pagbili ng fries dahil nakahiwalay ito ng supot.


"Alam ko kasi mahilig ang ibang babae sa fries, nagdalawang isip pa nga ako kasi baka hindi mo sya magustuhan pero hindi pala sya sayang."



"Nako! Huwag mong sasabihing sayang! Uubusin nating lahat ang dinala mo, kahit busog na tayo kakainin ko pa rin para walang masayang." Nakakahiya kasi, dis oras na ng madaling araw pero dinalhan nya pa rin ako ng pagkain, baka nga pagod pa sya sa trabaho nya. "Kain na tayo!"



Ngumiti lang sya, paupo na sana ako pero hiniwakan nya yung bangko. Yung para 'bang gentleman sya na pauupuin ka muna bago sya. Nakaka inlove naman 'to, nagmumukha tuloy akong prinsesa. Kapag nandyan kasi si Pierce nagmumukha akong witch o katulong psh!




Umupo na sya dun sa tapat ko, pinaglingkuran ko sya bilang pasasalamat. Tahimik lang kaming kumakain masyadong awkward hindi ako sanay ng tahimik sa hapagkainan. At bilang nandito na sya at gusto ko naman talaga syang makilala noon pa, lulubos lubosin ko na.


"Nga pala--- salamat sa pag dala sa 'kin ng pagkain. Anong oras na at baka pagod ka pa sa trabaho pero nag abala ka pa."



"It's okay, dadaan din naman talaga ako dito. Dinala din ni Yaya yung mga pagkaing niluto nya sa office, idaan ko na lang dito. Sakto namang hindi ka pa pala kumakain." Ang swerte ko naman ngayon, kanina kasi malas. -___- "Hmm, pwede magtanong?"


"Oomm." Namumuhulan kong sabi. Wala eh, gutom na talaga ako.


"Matagal na ba kayong magkakilala ng kapatid ko?" Magsasalita na sana ako pero punong puno pa talaga bibig ko. "Take your time." Matawa tawa nyang sabe.


"Actually mag-iisang buwan pa lang."



"Isang buwan? Pero ikakasal na agad kayo?" Alam ko nakakabigla pero parang ganun na nga.


Wanted Babymaker (Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora