Chapter 40 Positive

12.5K 267 21
                                    

(A/N: Update na daw agad, update! Hahaha. :D Okay, edi update. Lol! Hindi pa ako kumakain ng dinner para lang makapag update ako. Ganyan ko kayo kamahal. Nuxx! :D Mimiya I will try to compose a new chapter. Just wait for the updates. :* For all of my supporters, thank you! Kayo yung inspiration ko para mas ganahan akong magsulat. :") Esp. mention: @yapimonica na walang sawang, nagbabasa, nagcocomment ng kanyang pagka interest sa story na 'to, nagmemessage kasi gusto nya akong maging friend. Hello! 👋 For my supporters, kung meron man. Free to message me para maging close ko kayo. Hindi naman ako snober hahaha! Chat tayo if you want. Iloveyouall :*)

Pierce POV -

Papunta ako ngayon sa opisina kasama si Cliff, may nakalimutan kasi akong mga papeles. Iniwan na muna namin si Leaf nakatulog kasi sya, pagod yata. Pagod kakakaen.

"Woo! Tatlo lang tayong kumain pero parang may okasyon sa dami ng inoder ng Misis mo." Sabe pa nya habang pahawak hawak pa sa tyan.

"She's not my Misis, thingy. Okay?"

"Ganun na rin yun! Ikakasal na kayo sa monday eh." Pasaway talaga. Sabe ng ayokong pinag-uusapan yung kasal kasal na yan. "Nga pala, paano mo nakilala si Leaf hah? Eh ang alam ko nasa Europe sya."

"Siguro nung binunggo nya yung sasakyan ko? Natulog sya sa kwarto ko dahil sa sobrang kalasingan o baka nung araw na ipinakilalang sya yung mapapangasawa ko." Sabay sarado ko sa pintuan ng sasakyan at naglakad na papasok ng opisina.

"Hah? Ang gulo!"

"First, hindi ko alam na sya pala yung Leaf na ipapakasal sa akin. Kaya hindi ko alam kung kaylan ko ba talaga sya nakilala. Okay?" Sumakay na kami ng elevator. "12 floor."

"Talaga!? Tsk! Inaasam asam ko lang sya dati pero ngayon, nabingwit mo na pala." Hindi ko naman sya biningwit tsk! "Nga pala akala ko ba may boyfriend sya!?"

"Boyfriend? Sino? Si Raf?" Teka, hindi nga pala nya kilala si Raf. Ewan ko ba dun kung bakit pero bukang bibig naman nya sa panaginip nya, baliw.

"Hindi! Hindi Raf yung pangalan," biglang bumukas yung elevator at pumasok si Mr. Choi. "Ayun! Athan ang pangalan, Athan!"

Aish! Ang daldal.

Tinakpan ko agad yung bibig ni Cliff, bawal nga palang malaman ng bestfriend ni Leaf ang tungkol sa amin.

Buti na lang at naka headset sya at hindi sya lumingon sa amin, hindi siguro kami narinig.

"Shhh! Quiet." Sabay turo ko dun sa nasa unahan namin.

"Sino sya?" Pabulong nyang tanong.

"Athan." Tinuro turo ko si Athan. Pwe! Ayoko ng Athan, kapangalan sya ng ex ni Hayley. Bestfriend na lang ni Leaf ang itatawag ko sa kanya.

Pag dating namin sa 12 floor pero hindi umalis si bestfriend ni Leaf. Sa ibang floor yata pupunta.

"Ang daldal mo! Ke lalaking tao."

"Sorry naman! Malay ko bang nandun s-- Wait!! Kung nandito yung boyfriend ng mapapangasawa mo? Nasa iisang lugar at kompanya lang kayo. Woah!!" Gulat na gulat naman sya, "Rayot 'to pare! Gulo 'to! Itigil nyo na yan pare!" Habang pinapalo palo pa yung pader.

"Tumigil ka nga dyan! Hindi sya boyfriend ni Leaf, mag bestfriend sila. Okay? BESTFRIEND!" Para mas maintindihan nya.

"Uh? Talaga? Eh sa tuwing nalalasing si Leaf dun sa bar na pinupuntahan ko, laging nandun yung Athan para sunduin si Leaf. Muntik na ngang mamatay yung binugbog nya, binastos kasi si Leaf." Ganun sya ka over protective kay Leaf? Kulang na lang pumatay sya para lang sa bestfriend nya, "Iba sya magalit pag dating kay Leaf. Kaya nga simula nun, wala ni sinuman ang nambastos kay Leaf. Natakot yata kay Athan."

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now