Chapter 38 The contract

11K 235 6
                                    

Pierce POV -

30 minutes.... 1 hour! Juskoporodes! Ayokong ayoko sa lahat yung pinaghihintay ako.



"We--we--wait! And where the hell are you going? Hindi ka pa ba papasok sa loob? Tita is waiting for you." Pag pigil ni Cliff.


Kanina pa kasi ako hindi pumapasok sa opisina ni Lola, nandito lang ako sa labas. Hinihintay ko si Leaf dahil ayoko namang magpakita sa kanya ng hindi ko kasama ang paborito nyang apu-apuhan.




"Hindi ako papasok dyan hangga't hindi ko kasama si Leaf."


"Wait, what? Leaf? Is that Leaf is... Leaf Greigo?"


"Oo, the one and only Leaf. Bird brain!"

Napapadyak naman sya ismo'y galak na galak sa nalaman nya, "geezzz! So she's your fiancee? Wala 'man lang akong kaalam alam dyan."



Parang kanina lang pinag-uusapan namin si Leaf, yung tungkol sa nangyare sa amin, 'yun pala wala syang ideya na yung mapapangasawa ko at yung babae sa bar ay iisa.

"Tsk, hindi naman sya importante para paglaanan mo pa ng atensyon."

"Okayyy-- but then, nice pick!" Tinapik tapik pa nya ako sa braso.


Nice pick? Tsk.


"Sakit sya sa ulo. Kanina ko pa sya tinatawagan pero-- nakapatay phone nya. Kakaladkarin ko talaga sya papunta dito kapag hindi pa sya sumama."


"Chill, she's still your fiancee."


"Fiancee my ass."


Umalis na ako ng opisina at nagmaneho papunta dun sa shooting nila ngayon pero hindi ko sya mahanap, I kept calling her but her phone is dead.


"You, bird brain."


Hindi kalayuan sa shooting area nila ay nalingat agad sya sa paningin ko, nandun sa isang cafe, mag-isang kumakain. Himala at hindi nakabuntot sa kanya yung BESTFRIEND nya.

Pag pasok ko sa cafe nagsalubong agad ang paningin namin pero umaasta syang parang hindi ako nakikita. Patuloy lang sya sa pagkain.


"Cakes? Donuts? Marunong ka 'bang mag compute kung ilang calories na ang nakukuha mo sa mga pagkaing 'yan."


Tumingin sya sa akin ng salubong ang kilay, "Huwag ngayon, kumakain ako, huwag mo ako kausapin."


"Psh!" Inihagis ko yung cellphone ko sa mesa, papalapit sa kanya. "Naka ilang tawag na ako sa'yo pero nakapatay ang phone mo."



"Alam mo na pa lang patay, bakit mo pa tinatawagan?" Sagot nya, "hindi ba na iprogram sa utak mo ang commonsense? Simpleng logic hindi mo 'man lang naisip, tsk! Tsk!"


"Now, you look down on me."

Tumingin muna sya sa akin bago iniikot ang paningin, "kasasabi ko lang na huwag mo ko kausapin. Kung tapos ka ng ipamukha sa akin ang kabobohan ko pwede 'bang umalis ka na? Can't you see, i'm busy eating. Dude!"



Bakit na kasi sya naging babae?!


"Ganyan ka ba talaga kaseryoso sa pagkain? Hindi mo ba alam na pwede kang manaba nyan, at pwede ka ring matanggal sa pagiging model." Hindi nya ako pinapansin tuloy tuloy pa rin sya sa pagkain kahit iisang slice na lang ng caramel cake at natitira.

"Woahhh! Bakit mo kinaen yung cake ko!?" \(;'□`)/

"Hindi naman masarap yung caramel cake mo, bakit yan pa yung pinili mo? Napaka weird talaga ng panlasa mo. Kasing weird mo mismo."

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now