Chapter 42 Painful

10.4K 244 6
                                    

Leaf's POV

Pag kagising ko sinalubong agad ako ng malaking ngiti sa aking mga labi.

"This is the day! My day!" Nagdrawing ako ng cake dun sa kalendaryo, "My 24th birthday. Grabe! Patanda na ako ng patanda, pero okay lang."

Wala kanina sa kama si Pierce pag kagising ko, "Ma'am good morning po!" Anong ginagawa nila dito?

"Good morning, si Pierce po?"

"Wala po si Sir. Maaga po syang umalis, nagmamadali nga po eh." Saan naman kaya yun pupunta? Wala na naman akong makakasama pagkain ng breakfast. Hay nako!

"Yaya!"

"Bakit po?"

"Huwag na po kayong mag 'po' sa akin at huwag nyo na rin po ako tawaging 'Maam' okay? Just call me Leaf."

"Pero Ma'am magagalit po si Sir Pierce."

"Tsk! Huwag nyo na pong problemahin yun ako pong bahala. Tsaka mas ma edad po kayo sa akin kaya dapat kayo po ang ginagalang. Halika po kayo! Sabayan nyo po akong pagkain."

"Pero ma'am..."

"Ayan na naman po kayo! Sige po, birthday ko pa naman ngayon tapos hindi nyo pa po ako pagbibigyan." Nabigla naman silang lahat sa sinabe ko.

"Ay! Happy birthday ma'a... este Leaf!"

"Thank you Yaya!" Dapat goodvibes lang araw ko ngayon eh. ^_____^ Sinaluhan lang nila ako ngayon kumain.

Pagkatapos kumain balak ko ngayon na pumunta sa mall. Balak kong mag decor ng mga pang birthday party, para naman ma feel ko na birthday ko ngayon. Bibili na rin ako ng cake at regalo para sa sarili ko.

Every birthday routine ko na yung ganito. Sila Sarah at Athan lang ang nakakasama ko, busy kasi lagi si Lola Elizabeth at Daddy.

Nakakalungkot naman pag mag-isa.

Calling Athan....

Ring lang ng ring.

"Hello! Busy? Ang tagal sumagot ah!"

"Sorry but i'm busy!"

"Busy naman saan?"

"Mimiya ka na tumawag."

"Eh nasan ka ba? Samahan mo naman ako...." Pinatay na nya. "Aish! Bastos! Hindi ba nya natatandaan na birthday ko ngayon!"

Calling Sarah....

Isa pa 'to ang tagal din sumagot.

"Hello! Nasan ka?"

"I can't hear you!! Hello? Hello!?"

"Hello Sarah! Na-san-ka-ba!?"

"What!? What did you say!? I can't hear you Sabrina, call me later!"

"Hello? Hello!? Geezz! Bakit ba lahat kayo busy?" Dati rati naman pag birthday ko isang tawag ko lang darating na agad sila at sila pa yung unang bumabati sa akin.

@SarahU posted on instagram.

"Bonding with my girls."

"Kaya pala. Kasama nya pala ngayon yung mga elementary classmates nya." Matawagan nga si Pierce maaga daw 'tong umalis sa bahay eh.

Calling Pierce.....

The subscriber is cannot be reach please try your call later. The subscriber cannot be reach....

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now