Chapter 16 Stuck on you

13.8K 294 3
                                    

October 1, 20** : Mark "X" sa kalendaryo.

"What was that for?" Nandito na naman sya nagsusungit, "Check up mo sa psychiatrist?"

"Hindi nga sabi ako baliw!" Nagpatuloy na lang ako sa pagdedesign nung kalendaryo, "First day of the month, first day na magliliwaliw tayong dalawa at first day ko ulit makakapag travel." He smirked.


"Akala ko binibilang mo na yung mga nalalabing araw mo dito sa mundo at babalik ka na sa planetang pinanggalingan mo."


"Tsk! Basta kahit ano pang sabihin mo ngayon---- hindi ako magpapadaig sa mga sinasabi mo!"

"Malala ka na."

Sumandal naman ako sa may lamesa kung saan sya nag gagawa ng trabaho nya sa opisina sa laptop nya, "Hindi ka 'man lang ba na eexcite? Kasi pansin ko nakakapagod yung mga trabaho mo, hindi ka naman nakakapag pahinga ng maayos. At ngayong binigyan na tayo ng bakasyon, pero bakit hindi ka masaya?"

"Mag bakasyon ng kasama ka? Psh, sa tingin mo mas makakapag pahinga pa ako? Eh kapag nga kasama kita, hindi ako makapag pahinga ng maayos." =_=


Sa inis ko ay nasipa ko yung binti nya dahilan para matigil nya yung ginagawa nya at napahawak dito.


"As if naman gusto kitang kasama." Kung may choice nga lang ba ako, hindi ko talaga 'to isasama. Napaka daming reklamo.


"Pasalamat ka may konting respeto pa ako sayo dahil babae ka! Dahil kung wala, siguro ngayon matagal ka ng inaamag sa preso o sa sementeryo? Huwag mong hahayaang maubos ang pasensya ko sayo Leaf, try to act base on your age. Matanda ka na pero asal bata ka pa rin!"


Tumalikod na sya sa 'kin pero ako naman itong humarap sa kanya? "Alam mo Pierce---- try mong maging masaya para sa 'kin kahit minsan lang. Try mo rin maging masaya at huwag ng susungitan ang lahat ng bagay. Try mong maging masaya para sa ikaliligaya ng iba and last, try mong ngumiti kahit minsan lang. Hindi naman kasalanan sa Diyos 'yun." ^______^


"Alam mo, try mo rin na huwag sirain ang araw ko kahit isang araw lang, okay?" Sunod ay lumabas na sya ng pintuan ng kwarto. "Hindi na talaga ako magtataka kung sa sama talaga sya ng loob pinaglihi. Diba? Pasalamat pa nga sya kasi kahit inis na inis na ako sa kanya, pinagtitiisan ko pa rin yung halimaw na ugali nya hays tsk, tsk, tsk, Pierce Pierce how can I change you?"

3 days ago ng makalabas na rin ako sa hospital. Ayaw pa nga sana ng doctor at nila Lola na payagan na agad ako sa mga gusto ko, dahil hindi pa daw ako fully recovered pero wala na silang nagawa pa. Sadyang mapilit ako, isa pa nakakabagot na sa hospital. Parang hindi ko na kayang manatili pa dun ng  kahit na isang segundo. Palaging si Pierce ang nakakasama ko. Bukod sa mahiga at kumain, panonood lang ng tv ang tanging ginagawang libangan ko.


"Leaf bilisan mo! We're getting late." Pagrereklamo pa nya.


"Pierce naman oh! Tulungan mo naman ako dito, ang dami ko kayang dala oh!"

"Ginusto mo 'yan, pwes! Magdusa ka!" Sumakay na sya ng kotse habang ako, eto taga buhat pa rin ng mga gamit namin. Napaka ungentleman naman talaga ng mapapangasawa ko. Bakit pa kasi ako pumayag sa bagong plano nya? T___T "Are you done?" Pagtatanong nya habang nakasandal sa sasakyan while playing those key sa daliri nyang kanina ko pa gustong putulin dahil hindi naman nakatulong.


"Kung tinutulungan mo kaya ako dito, edi sana kanina pa tayo naka alis."

"Tsk! Bird brain! Bakit mo pa kasi dinala dala lahat ng gamit mo huh? Pwede namang bumili tayo dun ng ibang gamit ng hindi tayo nahihirapan." Ay oo nga noh! Ngayon ko lang naisip 'yun, engot ka talaga Leaf, "Bring those important things only, like undies, hindi yung mga puro pagkain para namang hindi kita papakainin."

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now