Chapter 24 Continuation...

11.5K 255 7
                                    

"Bakit ang hilig nyong mga babae isawsaw yung fries sa ice cream? Yung totoo, masarap ba?" Kanina pa nya ginagawa 'yun, sarap na sarap sya habang ako at iniimagine yung lasa ng kinakain nya, Maalat tapos matamis?



"Oo naman, akala nyo kasi abnormal ang lahat ng ginagawa ng mga babae. Pati mga panlasa namin, pero sige sabihin na nating oo tama kayo medyo weird nga ang mga ginagawa namin pero wala kaming magagawa eh. Nasasarapan kasi kami!"



"Obvious nga."





"Try mo!" Inabot naman nya sa akin yung fries na isinawsaw nya sa ice cream na ismo'y ako'y susubuan. "Huwag 'kang mag-alala, hindi kita balak lasunin." Kinagat ko na lang. "Oh diba masarap?"



Masarap? Ahmmm---- in between. Kind a weird but, okay na rin.



Pangiti ngiti pa sya sa akin habang nagkakain.



"Wait, don't move!" Kumuha ako ng tissue at lumapit sa kanya, magkatapat kami ng pwesto at dahil sa may kalakihan ang lamesa, kaylangan ko pang tumayo at bahagyan ibend ang katawan ko. Ang amos nya kasing kumain!



Dahan dahan kong pinunasan yung ice cream sa labi nya at sa bawat pag punas ko, pansin kong napaka pula ng labi nya at natural 'yun, kissable lips kung tawagin. "Ahh Pierce? Mukha namang wala na akong amos diba?"



Natauhan ako dun at bumalik na sa pwesto, "Sa susunod nga, ayusin mo ang pagkain mo. Baka kasi sa susunod, walang magpunas sa amos mo. Pagtatawanan ka lang ng mga makakakita sayo."



"Oo na po!" Pagsusungit pa nya.





Pansin kong ang bilis uminit ng ulo nya ngayon, sumpong na sumpong sya. Wala naman syang dalaw, kasi ang alam ko katatapos lang nya. Huwag nyo akong pag isipan ng masama dahil sinabi nya mismo sa akin 'yun at sa totoo lang. Ako yung tipo ng lalake na masuruin sa babae lalo na pag dating sa period nila, lalo na sya. Hindi ko pa lubos na alam ang buong pagkatao nya, baka may tinatago na syang sikreto sa amin.





Sa pagsasama namin ni Hayley, mas mabilis mag bago ang mood nya kaysa sa babaeng nasa harapan ko ngayon. I know Hayley kaya madalas umiinit ang ulo nya it's either pagod sya sa trabaho, maraming iniisip at sadyang sumpungin syang tao. Pero si Leaf mas madalas ko syang nakikitang tumawa, nakangiti malayong malayo sa ugaling meron si Hayley.



Si Hayley ilang araw mo pa kung susuyuin at mas gusto nyang bigyan ko sya ng oras para makapag isip pero sya----



Kinuha ko yung nasa loob ng bag ko, "Ano 'yan?"



"I let you to choose one. Hanapin mo kung nasan yung may laman." Pinapili ko sya sa dalawang kamay ko na ngayo'y naka lukot.



"Ayoko nga! Baka mimiya may bomba dyan eh!" Pinitik ko sya sa noo, "Aray!!"




"Malala na ba talaga ang tama mo sa ulo? Bakit naman ako hahawak ng bomba? Ano ako tanga? Papasabugin kita eh nandito ako. Minsan nga Leaf paganahin mo 'yang utak mo."



"Oo na! Pinapagana ko naman yung utak ko ah, hindi lang talaga ganun kabilis kagaya ng sayo." Tiningnan ko naman sya ng masama. "Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan, pipili na nga oh! Teka lang---- pero, kapag ba nagkamali ako? May punishment ba?"




"Nothing! Bakit naman kita bibigyan pa ng punishment, just choose one!"



"Ahmmmm, oh sige eto!"



"Sigurado ka?"



"Me---edyo pero pakiramdam ko, nandyan! Malakas ang pakiramdam ko."



Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now