Chapter 60 Missing feelings

10.5K 228 9
                                    

Pierce POV -

"Wait lang tatawagin ko si... Ohm, baket?" Pinigilan ko kasi sya.

"Umuwi na tayo biglang sumama ang pakiramdam ko."

"Ta--talaga? Seryoso ka ba?" Humawak ako sa may ulo ko.

"Nasakit na ang ulo ko. Ugh! Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay." At nag panic na agad sya.

"Hala! Sige na nga, tara na dali. Bilisan mo!" Inalalayan ako ni Leaf pero yung mga mata ko nakatingin pa rin kay Sarah na ngayo'y umiiyak. "Kaya mo ba? Gusto mo ako na ang mag drive?"

Pinatabi ko sya, ayoko ng mag drive sya ulet. May trauma pa ako. "Ako na, kaya ko pa."

"Sure ka?" Tumango ako at nagmaneho na pauwi ng bahay. "Natawag si Lola! Nakalimutan ko, ano ba yan! Hello po Lola... Opo! Opo! Pasensya na po kung hindi na po kami nakapag paalam, bigla po kasing sumama ang pakiramdam ni Pierce... Opo wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala sa kanya... Sige po... Opo... Ingat po kayo.."

"Ano nga pa lang ginagawa nyo ni Lola sa mall?"

"Mimiya ka na magsalita mas mapapagod ang katawan mo kapag may ginagawa ka tapos nagsasalita ka pa. Mag focus ka na lang sa pagdadrive mo." May silbi rin pala yung utak nya kahit minsan.

Pag dating sa bahay inalalayan nya akong pumasok hanggang sa makarating kami sa sala. "Wait ka lang dyan maghahanap ako ng gamot sa taas okay?" Tumaas na sya at ako naman ay pumunta sa kusina para kumuha ng beer sa ref. "Eto na yung... Woh!" Kinuha nya yung beer ko. "Masama ang pakiramdam mo pero umiinom ka pa ng alcohol."

Nginitian ko sya, "Magaling na ako oh!"

"Hays! Drama mo lang yata yung kanina. Tsk! Best actor."

"Hindi noh! Talagang sumama yung pakiramdam ko, promised!"

"Oo na! Sige na, dyan ka na tutal naman magaling ka na. Inaantok na ako eh. Goodnight!" Pahikab hikab pa sya.

Ang aga naman nun matulog 8pm pa lang ah.

Mga ilang minuto lang umalis na ako sa bahay at pumunta sa malapit na bar kasama ko yung tatlo.

"Sinong sumapi sayo at nagyaya kang uminom?" - Roice.

"Wala naman masama ba?"

"Sus! Para ka namang babae nyan, indenial! Alam ko may problema ka kaya sige lang. Go!" - Cliff na habang kumakain ng yelo. Mukhang namang matino silang kausap ngayon.

"Kilala nyo naman si Sarah diba? Yung ex ni Kuya Charles?"

Napa-isip muna sila. "Oohm, yung sexy na model!" - Soney. Manyakis talaga.

"Oh ano namang problema mo sa kanya?" - Cliff.

"Nakita namin ni Leaf kanina si Sarah at si Kuya tapos umiiyak sya si Sarah."

"Psh! Baka naman umaasa na naman yun sa Kuya mo." - Roice.

"Oo nga pati ano namang masama dun? Patay na naman yung asawa ng Kuya mo." - Soney.

"Oo nga pero basta may iba kasi kanina. Tinawag pati ni Sarah na Raf si Kuya."

"Raf? Big deal ba yun? Eh natural lang na tawagin nyang Raf si Charles kasi pangalan nya rin yun diba? Charles Rafael." - Cliff.

"Yes nandun na tayo. Pero bago yun, simula kasi nung magkakilala kami ni Leaf madalas syang may binabanggit na Raf sa panaginip nya. Pero hindi naman daw nya kilala si Raf."

"Hah? Ang gulo naman ng asawa mo bro!" - Soney.

"Shhh! You mean kaya pakiramdam mo may kakaiba kase, ang pangalan ng Kuya mo ay Raf kapangalan sya nung lalaking napapaginipan ni Leaf. Tapos etong si Leaf hindi nya maalala na may kilala syang Raf, tama ba?" Tumango ako. "Hindi kaya may amnesia si Leaf?"

Wanted Babymaker (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon