Chapter 53 Double Date

10.1K 253 28
                                    

(Bakit po ang dami sa inyo ang naiinis kay Charles sa first extra nya sa life nila Pierce at Leaf? Hahaha. Charles is handsome naman po guys and besides he is sweet than Pierce. He knows how to make Leaf feel comfortable with him, he knows what she feel. And admit it, naunang magka crush si Leaf sa kanya than Pierce and take note, mas ma effort sya kaysa kay Pierce. Right? Pero kahit ganun TEAM PIERCE pa rin ako. Hahaha.)

Leaf's POV -

Kain dito, kain doon. Lakad dito, lakad doon. Napaka lawak ng bansang ito pero hindi ako nakakaramdam ng pagod kasi sobrang ganda ng mga views, ang daming mga bagay na bago sa paningin ko.

"Sobra ka ba talagang nag eenjoy kaya hindi ka na nakakaramdam ng pagod? Habaol hininga niyang sabi habang nagsstretch. Nakalimutan kong may kasama nga pala ako.

"Sorry, nawili lang ako dun sa mga nadaanan natin." Inabutan ko siya nung inumin na binili namin kanina. "Hindi ka naman kasi nagsasalita, napagod tuloy kita."

"Hinahayaan lang kita na mag enjoy." Kahit pagod na siya ay panay lang ang pag ngiti niya habang tumutingin sa akin.

"Pwede ba na huwag mo akong tingnan ng ganyan. May dumi ba ako sa mukha?" Para kasing ang saya saya niya kapag titingnan ako, mas nakakakonsensya.

"Wala. Nagagandahan lang ako sa mukha mo." (⁠◔⁠‿⁠◔⁠) "siguro, marami namang nagkaka gusto sa'yo kaya bakit-- sa kapatid ko?

Alam ko hindi ko 'to pwedeng ipagsabi kahit kanino, nasabe ko na nga 'to sa isa nilang kapatid tapos sasabihin ko pa sa kanya.

"Hindi naman lahat ng bagay sa mundo ay kailangan ng dahilan di 'ba?"

Gusto ko sanang sabihin na dahil mahal ko si Pierce pero huwag na lang, jusko! Baka hanggang mimiya ay nililinis ko yung dila kong magiging makasalanan.

"May gusto sana akong puntahan bago tayo pumunta ng concert, pwede ba?" Sabay turo dun sa mga nagbabike.

"Ahh pwede naman ang kaso, hindi naman ako marunong mag bike."

"Akong bahala." Inoffer niya yung kamay ko kaya kinuha ko at naglakad kami papunta doon sa kabilang side.

"Pwede ba mag bike rito? Ang dami kasing dumadaan na sasakyan."

"Doon tayo pupwesto." Itinuro niya yung isang park na may beach sa tabi.

"Wow! Ang ganda!" Grabeng swerte ko ngayong araw, nakapunta ako sa mga magagandang lugar at nakapag enjoy.

"Let's go?"

"Ahh sige sige-- kaso hindi nga ako marunong mag bike."  Humarap naman siya sa akin at pinisil yung pisngi ko pero gentle lang naman pero-- bakit? Bakit parang mas nagiging komportable ako sa ginawa niya?

Naglakad lakad lang kami papunta doon sa tabi ng beach. Hindi ko alam kung 'yun 'bang mga babae ay nakatingin sa amin pero hindi ako komportable.

Pag dating namin doon sa nirentahan niyang bike, hindi ko maiwasan na tingnan yung mga babaeng nakatingin sa amin kaya hindi ko namalayan na naghihintay pala siya na ikabit sa akin yung helmet.

"Mag focus ka lang sa magagandang tanawin." Dinoble check pa niya yung helmet sunod na pinagpagan yung upuan sa likod. "Huwag ka mahihiyang yumakap sa akin at baka mahulog ka." Pagkasakay namin sa bika ay ipinulupit niya yung kamay ko sa waist niya at nagsimula na siyang pumidal.

Sa una ay kabadong kabado akong umangkas pero eventually ay na relax na rin ako dahil dahan dahan lang naman siya magpidal. Ang sarap din pagdampi nung hangin, ang ganda nung tanawin, nakakawala ng pagod tapos yung kanta-- yung kanta? Ano 'yun? Ano yung naririnig ko? May kanta?

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now