Chapter 64 You and I against the world

11.2K 263 27
                                    

Pierce POV -



"Ikaw kasi eh! Alam mo namang ayoko ng ganyan!"



"Eh sa ito ang gusto ko eh, tsaka tingnan mo nga! Para 'kang bata!"



"Hala! Sino kayang mas parang bata sa atin sa mga inaasta nya ngayon? Diba't ikaw?"



"Hoy! Ikaw kaya ang na una ano?"



"At ako pa talaga!?"



"Oo! Kapre!"

"Kaysa naman sayo, bird brain!" Babatuhin nya na sana ako ng unan ng biglang bumukas yung pintuan at pumasok na sila Lola kasama yung Doctor ni Leaf kaya parehas kaming natahimik.



"I heard everything." Nagkatinginan naman kaming dalawa, "Mag-asawa na kayo but the way you act, para pa rin kayong mga bata." Lola, nalaman nya na siguro yung nangyare kahapon. Ano pa 'bang aasahan namin eh marami syang matang nakapaligid sa amin dalawa ni Leaf.





"Sorry po Lola. Wala naman pong kasalanan dun si Pierce, ako po talaga yung nagpumilit na ilabas nya ako kaya sorry po." Leaf.



"Kahit na anong sabihin mo apo, kasalanan pa rin ni Pierce ang mga nangyare. Alam naman nyang may sakit ka pa pero kinunsinte ka pa nyang lumabas at tumakas." 



"Kasalanan ko rin po ba na pag bigyan ang kagustuhan ng asawa ko?" Bigla yung lumabas sa bibig ko kaya naman nabigla sila, "Hindi po ba't sinabi nyo na alagaan ko sya, na ibigay ko ang lahat ng gusto nya hangga't makakaya ko? Paano na lang po kung 'yun pala ang gusto nung baby, hindi ko pa po ba pagbibigyan eh anak at asawa ko na po ang pinag-uusapan?"



Hindi na nakaimik pa si Lola, bagkos ngumiti lang sya at tinapik ako sa balikat, "Mag pagaling ka na lang apo." Sunod na lumabas na sila.



Pansin ko naming kanina pa sya pasimpleng nakatingin sa akin, alam kong natuwa sya sa sinabi ko her eyes say it all.



"Ano 'yun? Arte mo lang? Galing mong magpanggap ah, pati ako napahanga mo." Pagbibiro pa nya pero alam kong kinikilig sya pinipigilan lang nyang ilabas dahil alam nyang babarahin ko lang sya.



"Magpahinga ka na lang napakadaldal mo." Inayos ko yung pagkaka kumot nya, pero bumangon na naman sya. "Ano na naman ba?"



"Eh teka, hindi pa tayo tapos maglaro nung pick-a-boo. Kita namang talo ka na kanina pa, nagdedeny ka pa. Ang daya mo --- aray!" Pinitik ko sya sa noo pasaway.



"Diba sabi mo, hindi ka na magiging pasaway? Pero anong ginagawa mo? Napaka pilyo mo talaga, kaya tumigil ka na hah! Dapat mimiya magaling ka na okay?"



"Oo na po!" Biglang bumukas na naman yung pintuan, pero hindi na sila Lola ang dumating. Nagkatinginan naman kami ni Leaf dahil miski ako ay hindi ko inaasahan ang pag dating nya. Inilapit naman nya yung mukha nya sa tainga ko at bumulong, "Diba sya yung bestfriend mo?"



"What brings you here?" Tumayo ako para harapin sya.



"Hello, sorry to bothered you but, can we talk?" Tiningnan ko muna si Leaf at nagsign sya na okay lang.



"Take a rest, I'll be back." Pero hindi pa kami nakakaalis ay panay ang pag silip nya kay Ally. Iniwan ko na muna sya dun at pumunta kami ni Allycole sa malapit na coffee shop sa may hospital. "What now?"



"Kamusta? Tagal na din nung huli pa tayong nagka-usap."



"Okay lang ako." Base sa expression ng mukha nya ay parang nababasa ko na kung anong sadya nya sa akin.



Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now