Chapter 63 Sarah's Secret

11K 245 17
                                    

Pierce POV -

"Oh dahan dahan sa pagkain, baka naman mabulunan ka."

"Ang sharap kashi nung mga pagkain eh! Pati gutom na gutom talaga ako." Kahit namumuhulan na sya sa katakawan kain lang sya ng kain.

Balak ko talaga kanina ikain sya sa may japanese restuarant kasi sabe nya gusto daw nya ng masarap na pagkain kasi nga ayaw nya ng mga pagkain sa hospital. Kaso habang hinahanap namin yung restaurant, nakakita naman sya ng Tapsilugan at ayun dito na kami kumain.

"Bilisan mo na lang kumain ibabalik na kita sa hospital. Baka nandun na sila Lola, magagalit yun pag nalamang tumakas tayo."

"Kaylangan na ba talaga nating bumalik agad sa hospital?" Tumango ako, "Kaso gusto kong pumunta sa Star City para naman makapag libang libang ako."

Mukhang stress na sya sa trabaho, stress pa sya lalo ngayon dahil nga sa buntis sya. "Pero hindi ka pa pwede. Hindi ka rin makakapag enjoy sa pag gagala at pag sakay sa mga rides, kasi may mga sprain ka pa at may mga galos ka pa. Tingnan mo nga! Ang lampa mo kasi."

Nakakapanibago ang balat nya ngayon. Hindi ako sanay na may sugat sya, napaka maalaga nya kasi sa sarili.

"Aba! Kasalanan ko bang maaksidente kami? Ay.. oo nga pala ako ang may kasalanan." Nag sad face sya, kaya umorder ako ng halo halo at ayun bumalik agad yung sigla nya. Patay gutom! "Pag galing ko. Pwede na ba?" Tumango ulit ako, "Sige in two days promised! Magpapagaling agad ako, hindi na ako magiging pasaway, hindi na rin ako tatakas at iinumin ko na lahat ng mga gamot na ipainum sa akin. Basta hah? Huwag kang tokis?"

"Ano naman yung tokis hah?" Mayaman sya, mukhang sosyalin pero ang dami nyang alam na pang kalyeng salita.

"Tokis, salestalk. Paasa! Ganun, parang nung... nung birthday ko.. akala ko darating ka at akala ko may surprise ka para sa akin."

"Hindi tokis yun, assuming ka lang talaga." Bigla nyang diniinan yung pag tundos ng tinidor sa porkchop. "Hays! Umayos ka nga." Nakakatakot.

Ibinaba na nya yung tinidor at inilabas yung kamay nya at ipinakita sa akin yung hinliliit nya. "Promised?"

"Promised!" Ngumiti sya, "Bilisan mo."

"Eto na nga oh!"

"Hays, ang bagal mo kumain!"

"Puro buto naman itong..." Tinakpan ko yung bibig nya.

"Huwag ka ngang sumigaw baka marinig tayo nung may ari."

"Totoo naman kasi!" Sya yung tao na kahit may sakit na pasaway pa rin at nagagawa pa ring kumain ng malakas.

Pagkatapos naming kumain inalalayan ko ulit sya papunta sa hospital ng may nakita kaming mga bata nanghihingi ng pagkain/pera sa mga dumaraan. Naalala ko tuloy nung namigay kami ni Soney ng mga pagkain nun sa mga bata, kasi nagsinungaling ako kay Leaf at binabagabag naman ako ng konsensya ko nun.

"Pasalamat pa tayo kasi may maganda tayong bahay, nakakain tayo sa tamang oras, nakakabili tayo ng mga bagay na gusto natin.. pero sila? Kahit magandang at malinis na damit, wala." Napaka maawain nya lalo na pag dating sa mga bata. "Pierce balik tayo dito hah? Huwag na pala tayo pumunta sa star city, dito na lang."

"Oo babalik tayo dito pero sa ngayon magpagaling ka muna." Naglakad lakad na ako ng biglang nag ring yung phone ko.

Soney's calling....

"Wait." Itinabi ko muna sya, "Baket?

"Nasan ka? Kanina pa ako kinukulit ni Roice, pumunta ka daw dito sa may bar malapit sa opisina nyo. Ang daming chixx! Witwiw!" Dakilang manyakis.

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now