Prologue: Extra Tip - You Don't Know What You Got 'Til It's Gone

81.4K 1.1K 42
                                    

Sa konting panahon na nailagi ko dito, ang dami agad nangyari. May masasayang moments, may nakakaiyak, may nakakainis. Marami din akong nakilalang mga tao na nagkaroon agad ng space sa puso ko. May ilan din na nakadurog dito. Kung nanatili lang ako sa probinsya, hindi ko mararanasan ang alin man sa mga ito. Pero siguro, kung nanatili ako sa amin, ligtas ako at hindi ganito ang sitwasyon sa mga sandaling ito - nakahandusay sa sahig at nagsi-swimming sa sarili kong dugo.

Naalala ko tuloy yung mga nabasa ko sa libro noon tungkol sa mga near-death experiences. Sabi nila, magpa-flash daw sa paningin mo ang buo mong life story pag malapit ka na mamatay. Iba nga lang ang nangyayari sa akin dahil isang mukha lang ang lumalabas sa isip ko.

Gusto ko abutin ang phone ko, na hindi ko maalala kung saan ko nailagay, para matawagan sya, marinig manlang ang boses nya kahit isang minuto o kahit ilang seconds lang. Gusto ko masabi sa kanya kung gaano ako ka-thankful at kung gaano ako ka-sorry. Kung gaano ko din sya ka-love.

Ngayon pa na ganito ang sitwasyon ko saka ko na-realize na napaka-walang kwenta ng worries at hesitations ko noon. Kung naniwala lang ako ng todo, kung hindi lang ako natuto magduda, kung sinunod ko lang ang sinasabi ng puso ko at hindi ng utak ko, siguro iba ang mga bagay-bagay. Hindi ko sinasabi na siguro hindi ako nasaksak twice, ang ibig ko lang sabihin ay siguro hindi ako nagre-regret ng ganito.

Naging hindi na ako pala-simba simula ng dumating ako sa Maynila at parang nakakahiya yata na manalangin sa Diyos na mabigyan ako ng pagkakataon na mai-tama ang mga mali ko pero ipu-push ko pa rin.

Malagpasan ko lang ito, magkaroon lang ako ng isa pang chance, I swear, I'll do things differently. Hindi na ako magpapakatanga at I'll live my life fully. Please, please God, give me another chance.

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon