Chapter Twenty-nine

49.1K 1.1K 341
                                    

N'ong umuwi ako sa bahay ko noon, hindi ko na lang talaga alam ang gagawin ko.

Nagpunta ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Napatitig sa bubungan. Masyadng maraming mga bagay ang pumpasok sa isipan ko, at sa totoo lang, kahit ako ay nalilito pa rin sa mga pinagsasabi ni Alexis sa akin. 'Yong dapat magiging kapatid ko raw, namatay dahil nalaglag 'yong dinadala ni Mommy. So dahil sa sobrang kalungkutan, naisipan nilang ampunin 'yong isa sa kambal na anak ni Nay Erma, na siya namang kinilala ko bilang Kuya Austin, kahit hindi ko naman siya tunay na kapatid.

What kind of bullshit is that?

Pero... Ang hindi ko talaga matanggap ay 'yong sinabi ni Alexis. Kanina, habang nakangiti pa siya, he told me he killed my Kuya Austin.

What the fuck. Naiinggit siya kay Kuya Austin dahil si Kuya Austin 'yong nabuhay sa karangyaan, at siya pa 'yong kasama ni Nay Erma. Isang araw, nagpunta siya rito sa Maynila. Naimpluwensiyahan ng kasamaan daw dito. Nagbulakbol. Nag-inom at kung anu-ano pa. Kapag kulang ang pera, magnanakaw. Tapos nagnakaw pa raw siya ng kotse.

But it didn't make him happy. He was still empty. Hanggang sa naisipan niyang bisitahin si Nay Erma, at nakita niya kung gaano kasaya ang buhay ni Kuya Austin. Unfair daw dahil hindi ganoon ang nararanasan niya. Isang araw, dahil sa nabulag sa inggit at galit, at dahil sa kashungahan niya pang hindi pala siya marunong mag-drive, sinundan niya sina Ate Daphe at Kuya Austin. Hindi niya naman daw sinasadya. It was an accident. Mabubunggo niya na si Ate Daphne, pero humarang si Kuya Austin.

It was an accident... but it kinda made him happy for a moment.

Hindi ko alam, pero natatawa na lang talaga ako. Baka mukha na talaga akong baliw rito kakatawa. Nakakainis. Ang tanga mo kasi, Tabby. Bakit ang dali mong nauto? Bakit hindi sinasabi sa'yo ng mga tao ang totoo? Gan'on ka ba talaga katanga?

Fuck. Nakakatawa ka, Tabby. Sobrang katawa-tawa ka, kaya pinaglalaruan ka lang ng mga tao sa paligid mo. Kung totoo man 'yong sinabi ni Alexis, parents mo, pinagtataguan ka ng sikreto. Si Nay Erma na tinuring mong pangalawang nanay, gan'on din. Tapos... si Kuya Austin na pinakamamahal mong kapatid, hindi mo pala talaga kapatid? At 'yong lalaking sinasabing mahal ka, e kakambal pala ng tinuring mong kuya at siya pa ang nakapatay rito.

Bullshit talaga. Ano bang katarantaduhang plot twist ng buhay 'to? 'Di ba dapat sa movie lang 'to nangyayari? Bakit pati sa libro? Bullshit.

Narinig kong tumunog 'yong phone ko. Ewan ko, pero sinagot ko na rin kahit hindi ko naman tinitingan kung sinong tumatawag. "Oh, hello?"

"Tabby... teka, umiiyak ka?"

Doon ko na-realize na umiiyak nga ako. Pinunasan ko ang mga pisngi ko gamit ng braso ko at napabangon sa kama. "Oo. Nakakaiyak kasi 'tong tinitingnan ko ngayon, selfie ni Ate Daphne. Ba't ka napatawag, Kei?"

"Hoy, ayos ka lang ba talaga? Nandito ako sa labas ng bahay mo ngayon."

"Ahh, mago-overnight ka r'yan sa labas ng bahay namin? Naka-katol ka?"

"Tabby... ayos ka lang ba talaga? Ikaw yata ang naka-katol d'yan e. Malamang hindi. Nandito ako sa labas ng bahay mo ngayon, pakibuksan naman ng gate."

"Pakshet ka. Lumayas ka r'yan, wala akong balak bumaba ng kwarto. Matutulog na ako. Bye." Binaba ko na kaagad 'yong phone ko at bago pa ako maka-receive ng tawag mula sa kanya ay pinatay ko na 'yong cellphone. Ayokong makita ako ni Kei na ganito, na mukhang baliw. Okay na mag-isa muna ako ngayon.

Itutulog ko na lang 'to. Kahit man lang pansamantala mawala 'yong mga katanungan, mawala 'yong sakit, mawala ang lahat. At bukas, sana, sana... Sana okay na ako.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now