Chapter Thirty-two

49.8K 1.3K 466
                                    



Tabby's POV

I've been asked the same question all over again. Simula pa lang no'ng bata ako, tinatanong ko na yata ang sarili ko ng parehong katanungan. Ngayon, sa harap ng camera habang nakatingin sa akin ang maraming tao, parang ngayon ko lang naisip kung ano ba talagang totoong kasagutan sa tanong na iyon. Ano nga bang sagot ko? What is the definition of beauty for you?

Hindi ko alam na parang contestant na pala ako ng isang pageant ngayon. Last thing I know, modelling ang ginagawa ko. Hindi naman ako na-inform.

Pero... Ngayon, naiisip ko, ano nga ba?

Kailan ko nga ba nalaman ang totoong kahulugan no'n, at higit sa lahat, kailan ko nga ba nasabi ang mga katagang: "Maganda nga ako."

I smiled. Matagal na rin yata. Matagal na matagal na. 'Yon yata 'yong pinakaunang pagkakataon, pero ngayon ko lang na-realize na 'yon nga iyon.

***

Napatingin ako sa salamin kasabay nang pagkawala ng isang malalim na buntong-hininga. Naisip ko noon, paano kaya kung maganda ako? Siguro maraming magkakagusto sa akin. Siguro maraming gugustuhing maging kaibigan ako. Siguro mas magiging mabuti sila sa akin at tatratuhin nila ako nang maayos. Siguro kung maganda ako, hindi nila ako sasabihan ng masasakit na mga salita. Siguro kung maganda ako, espesyal ako sa paningin nila. Ang dami-daming mga bagay na kayang mapasa'yo basta ba may angkin kang ganda.

Ayon nga lang, wala ako no'n.

Inayos ko ang pagsuklay sa aking buhok pagkatapos ay napangiti sa harapan ng salamin habang tinititigan ang sarili. Bakit 'yong ibang babae sa klase ko, ang gaganda ng mga ngiti nila? Bakit ako, mukhang clown?

Pinahiran ko ang mga kolorete na nakalagay sa aking mukha at tinanggal ang kulay pink na headband na nakasuot sa aking ulo. Hindi bagay sa akin ang mga ito. Pakiramdam ko, hindi 'to si Tabby. Pakiramdam ko, hindi ko kayang maging maganda.

Bakit ba kasi ang pangit pangit ko?

Nararamdaman ko na ang pagbagsak ng aking mga luha nang biglang may kumatok nang malakas sa pinto ng kwarto ko. Ayoko sanang pagbuksan pero bago pa ako makapagsabi ay bumukas na ang pinto at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Kuya Austin.

"Tabby, tingnan mo 'to, o! Ang gaganda ng bracelets dito, sigurado kong ba-"

Naputol ang sasabihin niya sana dahil sa nahuli na ako. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Napahinto siya at napatitig sa akin. Nakita kong may hawak siyang isang fashion catalogue. Ipinatong niya ito sa may mesa at lumakad siya palapit sa akin; halatang-halata sa mga mata niya ang matinding pag-aalala.

"Bakit ka umiiyak?"

Ilang beses at ilang pagkakataon na rin ang kapareho nitong pangyayaring ito. Lagi na lang akong madadatnan ni Kuya Austin na umiiyak at mukhang malungkot. Palagi na lang siyang magtatanong kung bakit, at palagi ko lang siyang gagantihan ng isang pekeng ngiti. Kapag nakita niya 'yon, hindi na siya magsasalita. Hindi na siya magtatanong kung bakit. Hindi niya na ako kukulitin... Pero hindi niya rin ako iiwanan. Kahit may sabihin man ako o wala, palagi lang iyang naririyan para sa'kin.

Gusto ko naman talagang sabihin sa kanya ang lahat ng mga bagay na pumapasok sa isipan ko, pero hindi ko magawa. Hindi kayang lumabas mula sa aking mga labi. Naramdaman ko na lang na nanginginig na ako at patuloy na naman ang pagbagsak ng mga luha.

"Ang taba-taba mo! Sa hitsura mong 'yan, walang magkakagusto sa'yo!"

"Pangit ka! Tingnan mo 'yong mukha mo, walang kagandahan. Puro taba lang. 'Wag kang masyadong ngumiti, ha? Nakikita ang double chin."

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now