Chapter Twenty-two

50.3K 1.2K 186
                                    

"Mapapa-asim kilig, kiligin ka sa sarap! Mapapa-asim kilig, nginginig ka sa lasap! Mapapa-asim kilig, kiligin ka talaga! Knorr ng nanay ko, Knorr sabaw ng sinigang mix. Asim kilig!"

Napatingin sa akin si Ate Daphne. Actually, kanina pa siya nakatingin sa akin. Binigyan ko lang siya ng ngiti at nagpatuloy sa pagluluto ng Sinigang habang kumakanta n'ong nakaka-LSS na jingle na iyon. Kita ko sa peripheral vision ko na hindi pa rin natatanggal ang tingin niya sa akin.

"Anyare?" tanong niya. "Ba't parang asim na kinikilig ka nga, Tabby?"

Napatingin ako sa kanya. "Anyare? Ba't parang ang asim din ng kili-kili mo?"

Bigla naman siyang napaamoy sa kili-kili niya tapos nabaling ulit ang tingin sa akin. "Hindi naman e! Pero 'yong totoo nga? Parang ang saya-saya mo. May nangyari, ano?"

Napangiti lang ako. "Wala namang something special. Na-LSS lang talaga ako sa kanta."

"Aysus. If I know, bati na kayo ni Kei."

Natigilan naman ako sa pagluluto at napatingin sa kanya. "Paano mo nalaman? Clairvoyant ka? May superpowers ka? Mind reading skills? Edward Cullen? Sabagay, mukha ka ngang Edward Cullen sa kapal ng foundation mo. Madam Auring, is that you? In fairness, hindi naman nagkakalayo."

Binatukan niya naman ako. "Gaga. E'di totoo nga? Bati na kayo ni Kei?"

Napahawak ako sa maganda kong batok. "Oo. Paano mo ba nalaman?"

"Duh, ano pa ba ang magpapasaya sa'yo nang ganyan? Si Kei lang naman e. Si Kei lang, sapat na." Tapos napangiti siya sa akin. "Actually, idagdag na rin pala natin si Pizza, Carbonara, Chocolate Cake, Fries, Burger..."

"Okay fine. Oo na. Okay na nga kami ni Kei, kagabi lang. Hindi ko pa nasasabi 'to kay Ally, sa'yo palang. Ganito kasi 'yon, nalasing ako tapos siya 'yong nagdala sa akin dito sa bahay, siya 'yong nagdala sa akin sa kwarto."

She gasped. "OMG. Don't tell me, Tabby..." Napatingin siya from head to toe sa akin. "May nangyari ba? Sabihin mo 'yong totoo!"

"Well, you can say that." sagot ko naman habang inaalala 'yong permanent marker na thankfully natanggal ko naman sa mukha ko after several kuskos. Namula nga lang 'yong mukha ko pagkatapos.

Hinawakan ako ni Ate Daphne sa magkabilaan kong balikat. "Isinuko mo na? Kumusta? Gentle ba siya? O wild? Knowing Kei, hindi naman siya 'yong wild type. I bet mas wild ka pa nga sa kanya. Baka ikaw pa ang dominant sa inyong dalawa, ha? Hala. BDSM bang ginawa niyo? Sa Red Room niyo ginawa? Minaltrato mo si Kei?"

This time, ako naman 'yong nangbatok sa kanya. "Baliw! Hindi gan'on. Masyado kang naiimpluwensiyahan ng Fifty Shades. Ang sinasabi ko lang namang nangyari is, nagka-usap kaming dalawa and he slept beside me, pero walang milagrong achuchuchung nangyari. Well, except sa n'ong nagising ako, ginawa na namang doodle book ng hinayupak ang mukha ko."

She laughed. Mukhang relieved siya na walang nangyari sa amin ni Kei. Alam niyo na, kahit hindi masyadong halata, conservative kami ni Ate Daphne. Pati si Ally. Naalala ko, bago grumaduate ng college, nangako kaming tatlo sa isa't isa. Na we will stay virgins until marriage. Na gagawin lang namin 'yon sa taong mapapakasalan namin. Naalala ko pa nga na nand'on si Kei n'on, tapos sinabi niya pang Excited na ako! at sinuntok ko ang unggoy. Sinabi ko pa na feeling niya naman siya 'yong lalaking papakasalan ko. Ang sabi niya naman, hindi niya lang daw feeling, alam niya na raw talaga kasi ako lang daw 'yong babaeng gusto niyang makasama pang-habangbuhay. Ang corny lang e.

"But anyway, I'm glad na okay na kayo. But, Tabby... I think you have to tell Alexis."

Si Alexis. Paano ko nagawang kalimutan? Of course. Si Alexis. Si Alexis na matagal na ring naghihintay sa akin, na masugid kong manliligaw. Si Alexis na mahal ako. Si Alexis na nariyan para sa akin n'ong mga panahong nalungkot ako dahil iniwan ako ni Kei.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now