Chapter Eleven

84.5K 1.8K 416
                                    

Tatlong araw na akong kulang sa tulog. Habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin, napansin kong lumalalim yata ang eye bags ko. Mukha na akong zombie dahil ang putla ko pa. Paano ba naman kasi, tatlong beses na akong gumigising ng madaling araw at pagkagising ko, hindi na ako nakakatulog.

Kasi naman, tatlong gabi ko nang napapanaginipan si Abby.

'Nong unang gabi, napanaginipan ko na nasa isang jungle raw ako. Naglalakad ako mag-isa na may hawak-hawak na lampara. Madilim kasi, kaya 'yong lampara lang ang nagsisilbing ilaw para makita ko 'yong daanan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero lakad lang ako nang lakad. Bilog ang buwan kaya medyo maliwanag din. Malamig ang simoy ng hangin kaya nilalamig daw ang buo kong katawan. Biglang may narinig akong ingay tapos 'nong nakita ko, may mga unggoy raw na nakasabit sa puno. Hindi naman dapat ako titili at tatakbo kasi hindi naman ako takot sa unggoy, pero the thing is, 'yong mga mukha ng unggoy, e mukha ni Abby. Alam kong wala naman talagang difference, pero scary pa rin kaya. Tapos, may kwago pa, na kamukha rin ni Abby. May mga nakasalubong din akong usa na mukha rin ni Abby 'yong sa ulo nila. Takbo raw ako nang takbo hanggang sa napahinto ako kasi pagod na ako. Tapos, bigla raw may ingay sa harap ko. 'Nong inilawan ko, isang malaking anaconda raw, at syempre mukha pa rin ni Abby. Tatakbo na sana ako kaso nilamon daw ako nang buo 'nong Anacondang Abby na 'yon at sigaw ako nang sigaw pagkagising ko.

Hindi na talaga ako nakatulog after 'non. Pero in fairness ha, may reality 'ron sa dream ko. Talagang ahas si Abby roon sa dream, e ahas naman talaga siya sa reality. Baka tama nga na 'yong dreams daw nagmamanifest sa reality.

Second night. Akala ko peaceful akong makakatulog dahil nagkabati na kami ni Alexis at kumain kami sa labas. Pero 'nong pinikit ko ang mga mata ko, napunta ako sa isang masikip na bahay. Sobrang liit nga lang ng bahay, as in kasing-laki lang yata ng kwarto ko. Hindi nga bagay ang isang prinsesa na tulad ko roon. Tapos, nakahiga lang daw ako sa lapag. Nakahiga ako at nakatitig sa bubong, parang natutulog daw pero hindi makatulog kasi maingay sa paligid. Mga iyak daw ng mga bata ang naririnig ko. Doon ko lang narealize na marami pala akong katabi sa hinihigaan ko, tapos umupo ako para pagmasdan sila. Nakita ko si Alexis sa tabi ko na may yakap na batang umiiyak. Ang daming bata, at sinusubukan kong patahanin sila para hindi maingay pero hindi sila tumitigil. Ginising ko si Alexis pero hindi niya ako pinansin. Sa inis ko, tumayo na lang ako at aalis na sana pero tinawag ako ng mga bata. "Nay Tabby," sabay-sabay pa nga sila. Nagulat ako 'nong nagsitayuan sila, at doon ko lang napagtanto na magkakamukha sila... Na lahat sila, kamukha ni Abby. Iyak sila nang iyak at palapit sila sa akin. Tapos, may isang batang Abby doon sa gitna na biglang nagsabi nang "Inakup sabi niyo kami mahal niyo, arekup ba't 'di kayo nagplano?" Sobrang sakit sa tainga ng boses niya, tapos nakisabay na rin 'yong iba sa pagkanta. Tinatawag ko si Alexis pero natutulog lang siya roon. Tatakbo sana ako pero napalibutan na nila ako, tapos hinawakan nila ako at niyayakap. Patuloy lang sila sa pagkanta at nahihirapan na raw akong huminga. "Nay Tabby," sabi pa nila, pagkatapos nagising na ako.

Napaka-scary talaga ng dream na 'yon. Ew, imagine, si Abby tinatawag akong Nay. At hindi lang isa, kundi labing-dalawa silang mga Abby roon. Grabe talaga. Dapat yata talagang mag-family planning e.

Akala ko wala nang mas lalala sa dalawang panaginip na iyon, but the third one was the worst. Sobrang pagod ako dahil galing ako sa photoshoot para sa isang magazine, kaya nakatulog kaagad ako 'nong pagka-uwi. Sana pala nagdasal muna ako bago nakatulog, kasi nakaka-trauma talaga 'yong panaginip na iyon.

Nasa isang warehouse raw ako. Nakatali daw 'yong mga kamay ko sa may upuan. May isang TV at pinapalabas ang isang news flash sa harap ko. May pagsabog daw na naganap, at ang biktima raw ay nagngangalang Abigail Cuneta. Akala ko 'nong una sweet dream na iyon kasi ganon 'yong pambungad, pero biglang may nagpakita sa akin na babae. Hindi ko makita 'yong mukha niya kasi nakasuot siya ng maskara.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now