Chapter Eighteen

61.2K 1.3K 221
                                    

Puro hiyawan at tilian ng mga kinikilig na babae ang pumuno sa buong silid na iyon. Kung hindi pa sapat ang nakakabingi nilang boses, e sinimulan pa nila akong paghahampasin at paluin sa braso ko.

"Hep hep, ang sakit na. Ano ba, parang ganoon lang naman 'yon," sabi ko naman sa kanila at pinigilan na sila sa kaingayan at pananakit nila.

Nakangiti naman sa akin si Sarah. Well, lagi nga siyang nakangiti, pero this time mas malapad pa 'yong ngiti niya. "Kasi naman, Tabby! Kinikilig talaga ako sa inyo ni Kei. Bagay na bagay kayo."

Tanya nodded in agreement. "Oo nga! Ang lakas ng chemistry niyo, e. 'Yong titigan niyo pa lang at ngiti sa mga labi niyo n'ong magkatabi kayo, ay! Parang sinasabi ng mga mata niyo na in love na in love kayo sa isa't isa."

"Parang hindi umaarte. Parang may something talaga!" sabi naman ni Yza at humiyaw na naman silang tatlo roon.

Si Naara naman inikot lang ang mga mata. "Parang napaka-unfair nga e. 'Yang si Tabby, bago pa lang dito pero halos lahat na ng mga major projects sa kanya na ibinibigay, e samantalang tayong tatlo nga ang mga nauna rito."

Bigla tuloy nanahimik 'yong tatlo at lahat kami napatingin kay Naara.

"Naara, don't say that..." sabi sa kanya ni Tanya sa mahinang boses.

She hissed at her. "Bakit, hindi ba totoo? 'Di ba pare-pareho lang naman tayo rito na gustong maging sikat na model? Na magkaroon ng big break? It's been years na we're working hard, and there goes this girl na bigla na lang kukunin lahat ng opportunities from us." She threw a glare at me before leaving the room.

Nangiti naman sa akin si Sarah. "Pagpasensyahan mo na 'yon, Tabby. Medyo mainitin naman talaga ang ulo ni Naara."

"Okay lang, pero actually, may point nga naman siya." I said. Totoo naman kasi. Silang tatlo ang nauna kaysa sa akin pero ako 'yong binibigyan ng mga projects na dapat sa kanila. Para bang inagaw ko 'yong mga bagay na iyon. Kahit ako rin naman ang nasa posisyon nila, I would have felt like I was not treated fairly.

Hinawakan ako ni Yza sa braso ko. "Minsan naiisip ko na parang nakakainggit kasi ikaw 'yong binibigyan ng maraming projects, pero tinatanggal ko na lang sa isip ko 'yon. Tinatanggal na lang namin sa isip namin 'yon. Kasi kaibigan ka namin Tabby, kaya kung nasa taas ka, e'di masaya kami para sa'yo. Proud kami sa'yo. Kaya kalimutan mo na lang 'yong mga sinabi ni Naara. Siguro naiinis lang 'yon ngayon, pero sigurado naman kaming proud din siya para sa'yo."

Nangiti silang tatlo sa akin pagkatapos niyakap ako. "Okay na, hindi na ako makahinga!" Sabi ko. Paano ba naman kasi, tatlo silang niyayakap ako nang ubod ng higpit. Hindi pa naman ako sanay masyado sa mga yakapan na katulad nito. Bumitiw rin naman sila pero pinagtawanan lang ako ng tatlong loka. Kung hindi ko nga lang sila kaibigan, baka kanina ko pa sila pinagngunguya r'yan.

***

Napatingin ako sa cellphone ko. Kadalasan nagte-text si Kei ng mga 'Good day!' o simpleng 'Hello! :)' kahit minsan hindi ko naman siya nire-replyan. Dahil nga natapos na rin naman 'yong commercial na ginawa namin together, parang doon na rin natapos 'yong communication namin. Hindi niya na ako tinetext o tinatawagan. Alam kong ako 'yong nagsabing layuan niya na ako, pero bakit ako parang tanga rito kakahintay sa text niya? At ang malala pa, binabasa ko 'yong mga conversations namin sa text ngayon. Hindi ko nga alam bakit hindi ko ni-delete. Tapos, may sinulat pa akong 'Hi' pero hindi ko rin naman pinipindot 'yung Send. Nababaliw ka na nga talaga, Tabby. Ang labo mo naman kahit kaylan. 'Di ba gusto mo na nga siyang kalimutan? Hindi na pwede 'to. Tigilan mo na 'to. Pero bakit ganoon, kahit na ilang beses ko pang pigilan 'yong sarili ko, kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko na hindi na talaga pwede, mas lalo ko lang siyang nami-miss? Mas lalo ko lang siyang gustong makausap at makasama.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now