Chapter Twenty-seven

48K 1.2K 457
                                    

"Kuya Rowell!" sigaw ko nang makita 'yong pamilyar na mukha sa gitna ng crowd.

Si Ate Daphne naman, biglang napatingin sa direksyon na tinitingnan ko. N'ong makita niya si Rowell, nag-tiptoe pa siya at sumigaw nang malakas, na tinatawag ang pangalan ni Kuya Rowell. Napatingin nga ang lahat sa kanya dahil sa lakas ng boses ng impaktang 'to.

Napatingin sa kinalalagyan namin si Kuya Rowell. Nang makita niya kami, kumaway siya at ngumiti, pagkatapos ay naglakad palapit sa amin. Siniko ko naman si Ate Daphne at binigyan siya ng mapang-asar na ngiti. Hinampas niya naman ako dahil sa kilig. Ang sakit, naka-ilang hampas din siya, kaya kinagat ko naman sa braso niya. Napasigaw na naman siya sa sakit.

"Aray ko naman, Tabby! Por que hindi ka na baboy, naging aso ka na?!" sabi niya. Gagantihan niya pa sana ako pero nand'on na si Kuya Rowell sa harapan namin kaya napahinto siya.

"Kuya Rowell!" Kumaway ako sa kanya.

Napatingin siya sa akin na mukhang nagulat. Napabukas ang kanyang bunganga at nanlaki ng mga mata. "Ikaw na ba talaga 'yan, Tabby? Ang laki ng iniba ng hitsura mo! Grabe."

Napameywang naman ako sa harapan niya. "Hindi naman masyado. Sexy naman ako noon, sexy pa rin ngayon!"

He laughed. Nakaka-miss din palang marinig 'yong tawag niya nang malapitan, in person. "Gan'on ka pa rin, you never really fail to make me laugh."

"Aba, hindi naman ako nagjo-joke! Saka uy, nandito si Ate Daphne oh, hi raw."

Nabaling ang tingin niya kay Ate Daphne. "Hello, long time no see, ha," sabi niya na mukhang nahihiya pa.

Si Ate Daphne naman na violente kanina, natameme. She tugged a loose strand behind her ear. "Oo nga e, pero gan'on ka pa rin..."

"Gan'on?"

"Gwapo."

"Ikaw rin, ang ganda mo pa rin sa mga mata ko, Daphne."

Nagkatitigan pa sila na para bang gustong-gusto nilang hawakan ang isa't isa, pero walang gumagawa ng paraan para magkadikit ang isa't isa. Dahil ayaw naman nila, tinulak ko na rin si Ate Daphne palapit kay Kuya Rowell dahil naiinis na ako sa katorpehan nila. Ang tatanda na, pa-tweetums pa, e. Halata namang in love pa rin sila, pero ewan ko ba't ayaw pang magkabalikan.

Sa kasamaang-palad, hindi nasalo ni Kuya Rowell si Ate Daphne at nahulog ito sa may paanan ni Kuya Rowell, face first on the ground. Nagulat naman si Kuya Rowell at tinulungan siyang tumayo.

"Oops, napalakas yata 'yong pagkakatulak ko sa'yo, ha..." Tumawa ako nang mahina, dahil nakakaramdam na ako ng masamang aura. "Ay, huwag kang mag-alala, kahit naman din matamaan 'yong mukha mo sa lupa, wala namang difference masyado. Kaya kung madisgrasya man ang mukha mo, wala namang makakapansin."

Sabi sa akin ni Kuya Austin noon, nakakatakot daw talagang magalit si Ate Daphne, to the point na ayaw niya na raw maulit 'yon kahit kaylan. Hindi na nga naulit kasi nawala na rin naman si Kuya Austin. Pero naalala ko noon, 'yong isang pagkakataong nakita ko ang hitsura ni Kuya Austin na mukhang takot na takot at parang traumatized, sinabi niya sa akin na may tatlong signs para maging aware kung nalalapit na ba ang pagkain sa'yo ng kadiliman.

Una, tititigan ka niya raw nang masama. Napatingin ako sa kanya. Check.

Pangalawa, makakaramdam ka raw ng lamig sa may batok mo. Nanindig ang aking mga balahibo. Check.

At pangatlo, tatawagin ka raw niya sa buong pangalan mo.

"Tabitha... Mary Jane..."

Prolonged pa raw 'yong sa apelyido. Kagaya raw n'ong kay Kuya, sinabi pang: Austin Michael Zaragosaaaaaaa.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now