Chapter Ten

92.7K 2K 935
                                    

Tabby's POV

Napaka-boring ng araw ko. Nandoon lang ako sa salas, nanonood ng TV. Ngayong tapos na 'yong TVC, hindi ko alam kung may project pa ako. Sabi ni Miss Joyce titingnan niya pa raw, at baka depende raw kung magiging in demand ako after the premiere of the TVC. Tinatamad pa akong maghanap ng trabaho. Tumawag si Mommy kagabi, tinatanong ako sa kung ano ang plano ko. Sa may business namin dito? Sa company ng friend niya? Sa banko? I really don't know. Ayoko pa yatang harapin ang real life.

Anyway, bigla namang tumawag sa'kin si Shanize. Hindi ko sana sasagutin, kaso naka-sampung missed calls na e tumatawag pa rin. Tanga talaga. Hindi pa makuha 'yong message na either busy ako or ayokong makipag-usap sa kanya.

Dahil nakukulitan na ako, sinagot ko na lang din. Kawawa naman. Baka 'yong angelic voice ko ang magpapasaya sa kanya.

"O, bakit ba tumatawag ka?" Tanong ko. Langya kasi si Ate Daphne. Hinihingi sa'kin ni Shanize 'yong number ko 'nong isang araw pero hindi ko binigay. Si Ate Daphne na lang nagbigay, pampainis daw sa'kin.

"Besh! May kilala ka bang nagbebenta ng bahay?"

Naningkit ang mga mata ko. "Tigilan mo 'ko sa besh na 'yan. Pero oo, meron. Si Greg, 'yong friend ko. Bakit?"

"Bibili ako ng bahay r'yan sa San Lawrence Village! Para magkalapit na ang mga bahay natin."

"Payapa ang buhay namin dito. 'Wag mo kaming gambalain."

"Besh naman e! Ikaw talaga. Ayaw mo bang palagi mo na akong makikita?"

"Hindi mo ba talaga alam ang sagot sa tanong na 'yan o rhetorical question lang 'yan?"

Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya. "Ang mean mo talaga Besh Tavah! Pahingi na lang ng contact details 'nong friend mo, please?"

Binigay ko na lang sa kanya 'yong contact details ni Greg. Ibinaba ko na rin tapos dahil busy naman siya. Sayang, pampalibang din 'yong asarin siya. Bored na bored talaga ako rito sa bahay e.

Nanonood lang ako ng The Heirs, The Shoulder, The Hands nang nag-vibrate 'yong phone ko. May nagtext, pero unregistered number.

'hi eto bago kong roaming # loadan mo ko para mapadala ko na ung mga ipapadala q.'

Hindi ko na lang pinansin. Parang ewan lang e. Nagpatuloy lang ako sa panonood nang may nagtext ulit. Same unregistered number lang.

'DO NOT IGNORE THIS OR ELSE YOU'LL HAVE BAD LUCK FOR 20 YEARS. PASS THIS TO 10 PEOPLE INCLUDING ME AND MAKE A WISH'

Natawa na ako. For sure, kilala ko 'tong nag-text na ito. Kinukulit ako e, parang gustong mag-reply ako. Nantitrip siguro. Nag-reply na lang ako.

'Sino ba 'to? Kilala ba kita?'

Wala pang isang minuto, nag-reply siya kaagad.

'Hi Tabby! '

Sabi na nga ba kilala ako e. Kakaunti lang naman 'yong binigyan ko ng number ko. Either isa sa mga nakasama kong models or crew, college batchmate, o kaya naman si Ate Daphne o Greg na nantitrip.

'Sino ka nga?' Reply ko ulit.

Nag-text na naman siya. 'Hulaan mo. '

'Pakyu. Ayokong hulaan. Sino ka nga?'

Totoo naman kasi. Tinatamad talaga akong hulaan, at mamaya mali pa 'yong hula ko 'no. Saka ang dami daming kakilala, ang hirap pang hulaan kung sino sa kanila. Maya-maya, nag-reply na naman siya.

'Hahaha. Si Ally 'to. '

Hay nako, sa dinami-rami pang sasabihin, 'yong pinaka-imposible pa. Paano naman kasi, nasira 'yong cellphone ni Ally last week. Bibili palang daw siya ng bagong phone bukas. Hihingin niya nga raw 'yong number ko, kasi nawala rin 'yong lahat ng contacts niya.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now