Chapter Thirteen

77.5K 1.6K 427
                                    

"Bakit tulala ka na naman, ha, Tabby?" Sabi sa akin ni Ate Daphne 'nong pumunta ako sa condo unit niya. Wala pa rin naman akong masyadong ongoing project kaya magaan lang ang workload ko. Si Ate Daphne naman, medyo busy kaya ngayon, nagta-type siya habang kausap ako. Dito muna ako matutulog dahil trip ko lang.

"Ano'ng na naman ka r'yan?" Tanong ko at nahiga sa sofa. Kinuha ko 'yong mga maliliit na unan at niyakap ito tapos napatingin lang ako sa bubong.

"Oo kaya. These past few days, sa tuwing nagkikita tayo, lagi ka na lang nakatulala at parang may malalim na iniisip. Sabi nga rin daw sa akin ni Allison hindi ka niya na raw makausap nang matino. Simula raw 'nong tinulungan mo siya para magka-ayos sila ni Greg at maging sila na, parang biglang may nagbago raw sa'yo. Ang sabi pa niya, magkasama raw kayo ni Kei that day."

Narinig ko na naman 'yang pangalan na 'yan. Nakakainis na. "Chismosa talaga 'yon si Ally." Nasabi ko na lang at tinakpan 'yong mukha ko ng unan. Sa totoo lang, kaya ako nagpunta rito ay para ma-distract sa kakaisip kay Kei. Sa bahay kasi, since ako nga lang mag-isa, mag-isa lang din ako kasama ang thoughts ko. Ilang gabi na rin akong hindi makatulog kakaisip sa kanya, lalo na sa sinabi niya 'nong araw na iyon. Napapatingin pa ako sa cellphone ko kung may text ba siya or tawag man lang, pero wala e. Hindi ko alam kung para saan pa't sinabi niya 'yon. Para lang ba guluhin na naman ako? Gulong-gulo na nga ako, lalo niya pa akong ginulo.

Si Ate Daphne naman, biglang pumalakpak. Napaupo tuloy ako at napatingin sa kanya. Nangiti siya sa akin. "Tabby, free ka naman bukas, 'di ba?"

Inisip ko kung ano'ng meron bukas. Linggo naman, wala naman akong ginagawa. "Oo. Ba't?"

"Kasi, may pupuntahan ako bukas ng hapon. Sa isang mall, meron silang speed dating event. Hey, don't get me wrong. Wala naman akong dine-date roon. Masaya lang talagang makipag-usap minsan sa malalanding tao."

Naningkit ang mga mata ko. "And so? Isasama mo ako sa kaharutan na 'yan?" Tanong ko sa kanya. "No thanks."

"It's just for fun. Wala namang masama roon. At isa pa, may libre silang food. Buffet. Ang sarap nga ng pagkain nila roon e."

"Sana sinabi mo kaagad 'yan, e'di napa-yes mo kaagad ako."

Natawa naman siya. "So, sasama ka?"

"Dahil may pagkain, tinatanong pa ba 'yan?" Sagot ko naman sa kanya.

***

Malaki 'yong place at maraming tao sa paligid. Hindi ko alam na ang dami pala talagang malalandi sa mundo. 350 pesos 'yong registration fee, ang mahal nga e, pero dahil si Ate Daphne naman nagyaya, siya na rin nagbayad para sa akin. Napatingin ako sa suot niya. Kulay red na mini dress, na akala ko 'nong una towel na ipinatong niya lang sa katawan niya. Actually, ganoon nga ang suot ng mga babae rito. Pinilit pa tuloy ako ni Ate Daphne na mag-dress, kahit hindi ko naman alam bakit kailangang ganoon. Pero sabagay, pang-malanding event nga e, kaya pang-malanding kasuotan na rin.

Binigyan kami ng number at name tag. Tapos pinaupo kami sa may isang upuan, 'yong table na for two. Napahiwalay sa akin si Ate Daphne. Sa stage, may nagsalitang babae, at ni-explain niya ang mechanics. Ganito raw 'yon, 'yong mga lalaki raw iikot at pipili ng babaeng gusto nilang makausap. Kapag rejected, lilipat na sila ng table. Kapag may nahanap na raw na kalandian, mag-stay lang sila roon sa table until lahat ng tables ay occupied na. Natatawa talaga ako. First time ko kasing makapunta sa ganito at parang nakakatuwa nga kahit na pang-malandi siya. Nag-signal na 'yong babae ng 'Go' at nagsi-lakad na 'yong mga lalaki.

Napatingin lang ako sa paligid ko nang biglang magulat ako na may lalaki na nakaupo sa harap ko. May hitsura naman siya, naka-brace at maganda 'yong ngiti.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now