Chapter Five

91.7K 1.9K 526
                                    

Normal na Sunday morning lang naman 'yun. Jogging sa buong village. Itong village kasi namin, ito lang naman 'yung village sa buong Makati na parang set sa The Walking Dead ang peg. Tahimik sa umaga. Tahimik sa hapon. Tahimik sa gabi. Well, pang-mayaman kasi 'tong village na 'to kaya ganoon. Parang deserted kasi walang lumalabas ng bahay except 'yung mga maid or security guards. As in sobrang dalang mo lang makikita 'yung mga tao, and, halos mga foreigner pa ang nakatira rito. Hindi ko rin alam kung bakit sa buong story, ngayon ko lang naisipang i-describe ang village namin kahit na since book one e ito naman 'yung setting ng story.

Hanggang sa napunta ako sa may Amorsolo street, kung saan nandoon 'yung bahay ng mga Dela Vega.

Wala ngang duda. Nandito na nga sila. May naka-park na kasing kotse sa loob, tapos nakabukas lahat ng ilaw ng bahay. Ilang beses lang akong nakapasok sa bahay na 'yan, ni hindi ko pa nga nakikita 'yung kwarto ni Kei. Ew, did I just mention Kei's name? Yuck. Stop it, Tabby. Wala na siya. Wala na si Kei sa puso mo. Ugh, sinabi ko na naman 'yung pangalan ni Kei. Tang ina. Ayoko na nga, may kung ano ata sa bahay na 'yun kaya naiisip ko na naman siya.

But... Palagi naman siyang nasa isip ko e. Sa loob ng dalawang taon, araw-araw siyang nasa utak ko. Araw-araw ko siyang pinapatay sa utak ko, tapos nag-iisip kung ano na lang ang gagawin ko once na magkita kami. Naisip ko na 'yun lahat... Na once na makita niya ako at nakita niyang pumayat na ako, mapapanganga siya at masasabi ko lang na: "AquOh l4Ng NamAn Un6 Szc1nayAnG mOuH." Para sosyal, in British accent. Tapos, with matching background music pa, slowly ko siyang tatalikuran pero hahabulin niya naman ako. Hahawakan niya 'yung braso ko at slowly akong mapapaharap sa kanya. Tapos lalakas 'yung BG music, then may facial expression pa ako at sasabihing: "Bitawan mo nga ako, Kei. Nasasaktan ako." Pero syempre, hindi ako bibitawan ni Kei kasi love niya pa rin ako at sising-sisi siya na nag-sinungaling siya sa'kin. Tapos luluhod siya at hihingi ng patawad, at ako naman, dahil mahal ko pa siya... Ay hindi, dahil pusong mamon ako, sasabihin ko na: "Tumayo ka nga. 'Wag kang lumuhod d'yan." Pero nakaluhod pa rin siya at iiyak. Tapos, biglang dadating 'yung Abby na 'yun at masasampal ko siya at sisigaw ng: "Masarap ba? Masarap ba magmahal ang boyfriend ko, Abby?" Tapos sasabunutan ko rin siya for more dramatic effect, at 'yung BG Music mas magiging intense kasi intense na 'yung eksena. Tapos lalaban si Abby, sasabihin niyang: "Akin siya! Akin si Kei! Akin! Akin!" Then sampal here, sampal there, sampal everywhere, at sasabihin ko 'yung famous line na: "Walang sa'yo, Abby! Akin lang ang..." Charot lang 'yun, kasi hindi ko na mahal si Kei, kaya tataasan ko lang siya ng kilay. "E'di sa'yo. Ingat ka lang, baka hindi mo na lang alam gagapang na siya pabalik sa'kin." Then si Kei, magso-sorry ulit at sasabihin ko 'yung nga katagang: "Huli na para humingi ng patawad, Kei. Huli na. Pero hindi pa huli para makapaghiganti ako." Tapos ayun, iiwanan ko sila roon at slow BG Music na, then mag-stop at maglalagay na ng "Abangan Bukas..."

"Hoy Bitha."

Bigla akong nagulat. Nasa harap ko na pala si Alexis, and like me, nagjo-jogging din siya. Dito rin kasi sa village na ito nakatira ang mokong. As in, bagong lipat lang siya rito.

"Alexis. What the... Kanina ka pa r'yan."

He nodded and laughed. "Yeah, kanina pa rin kita tinititigan habang nakangiti ka na parang may masamang balak. Sometimes you scare the hell out of me, Tabby."

"Wow, ako pa ang nakakatakot ha? E ikaw nga 'yung sumusulpot na lang kung saan-saan." Nagsimula na lang ulit akong mag-jog. Perfect. Na-visualize ko na lahat, at iniisip ko pa lang 'yung eksena na 'yun, naeexcite na ako. Ganoon kaya 'yung mga napapanood ko sa teleserye. Kaylangan nang bonggang-bongga na makeover para lang magawa na ang pinakaaasam at pinakagasgas na storyline na "paghihiganti". At dahil walang originality si author, for sure naman pagbibigyan niya ako sa revenge ko, diba?

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now