Chapter Twenty-four

50.7K 1.3K 274
                                    

Mapapa-asim kilig, kiligin ka sa sarap! Mapapa-asim kilig, nginginig ka sa sarap!

Umagang-umaga, may tumatawag na kaagad sa akin. Gumulong ako sa kabilang parte ng kama, palapit doon sa may desk sa tabi ng kama ko kung nasaan nakapatong 'yong cellphone. Gumulong pa ako nang gumulong, ayaw imulat ang mga mata dahil maganda ang nakikita ko sa panaginip ko, kahit na Asim Kilig 'yong background. Kumakain daw ako ng malaking cake. Bumuhos daw ang isang malaking chocolate at bumaha, kaya gumulong pa ako para buong katawan ko ay malagyan ng chocolate. Naliligo na ako sa chocolate nang biglang nakaramdam ako ng malakas na impact, dahil sa nahulog na pala ako mula sa kama ko.

"Aray... Sino ba naman kasi 'yong tumatawag..." sabi ko, now fully awake. Nakakainis, Sunday is my day off, pero may tumatawag na naman. Hapon na rin, kasi pagkatapos kong magsimba, umuwi na ako kaagad para matulog. Kapag linggo, lumalabas kami ni Alexis, pero dahil umuwi muna siya ng probinsya para sa libing ni Nay Erma, wala siya rito. Sabi ko nga na sasama na lang ako, pero ayaw niya na rin naman na abalahin ako.

Kinuha ko 'yong cellphone ko nang hindi man lang tinitingnan 'yong caller ID. "Oh hello, sino 'to?" tanong ko kaagad at napahikab pa.

"Grabe ka best, por que wala akong masyadong appearances sa previous chapters, nakalimutan mo na ako?"

"Ang OA mo, Allison. E kasi naman, natutulog ako tapos mang-iistorbo ka."

"FYI, Tabby, sinabi ko na kaya sa'yo 'to a few days ago. Remember? First monthsary namin ni Greggybear. Sabi mo tutulungan mo akong pumili ng regalo."

Napa-facepalm ako. "Oo nga pala. Sorry naman. Sige, saan ka na ba?"

"Nasa mall na," sagot niya naman.

"Bibilisan ko lang maligo, okay? Sorry ha." sabi ko ulit.

Natawa naman siya, narinig ko mula sa kabilang linya. "Okay lang, hindi naman ako nababagot dito. Kaya pa naman kitang hintayin. Kung ang true love nga nahihintay, ikaw pa kaya."

"What the heck? Saan mo hinugot 'yan?"

Natawa ulit siya. "Dito sa katabi ko ngayon."

"Sino bang katabi mo ngayon?" I asked.

Natahimik siya saglit at natawa na naman bago magsalita. Narinig ko pa sa background na maingay, at parang may narinig akong boses ng lalaki na nagsasalita. Sa sobrang pamilyar ng boses na iyon, nahulaan ko na kaagad kung sino ang katabi niya bago niya pa banggitin ang pangalan na 'Kei'.

***

"Tabby, grabe, ang tagal mo naman." sabi ni Allison n'ong nakalapit na ako sa kanila.

Napatingin ako sa kanya, pagkatapos kay Kei. "Sorry naman. Nawala kasi talaga sa isipan ko. Pero in fairness ha, nakapaghintay kayo rito. Lalo na 'yang pulubing unggoy na 'yan." sabi ko at nginitian si Kei na nang-aasar.

Tumango siya. "Syempre naman. True love weights e. As in timbang."

"Nasaan ang joke?" tanong ko naman.

Natawa siya. "I hate you."

Tumawa rin ako kahit na sa totoo lang naiinis na ako sa kanya. "Wow ha? E hindi naman kasi talaga nakakatawa 'yong banat mo."

"Hinahanap mo 'yong joke, 'di ba? Ayon, nand'on 'yong joke."

Napataas ako ng kilay. "Ano raw?"

"Slow. Grabe. Panira ng banat." sabi ni Kei.

Sasapakin ko na sana 'yong mokong nang biglang umubo nang malakas si Allison. Napatingin ako sa kanya at nakalimutan kong nandito nga pala siya, nakatayo sa tabi ko, at kasama namin. Natigilan ako at napatingin sa kanya. "Grabe, third wheel ako rito. Pero ang cute niyong dalawa, parang 'yong noon lang. I'm so glad you guys are together again. Mabuhay ang TaEi loveteam! Kahit na mabantot talaga ang ship name niyo."

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now