Chapter Thirty-three

35K 1.1K 473
                                    

Outward beauty is fleeting. It is inconstant. Hindi permanente.

Napatingin ako sa hitsura ko sa salamin. Matagal-tagal na rin simula no'ng huli kong tinitigan ang sarili ko nang mabuti. Naalala ko noon na iiwasan ko pa ang mga salamin dahil sa tuwing nakikita ko 'yong reflection ko, nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi ayaw ko sa sarili. Nasasaktan ako dahil ang laki ng galit ko sa sarili ko.

Pero ngayon... I smiled as I stared at my reflection in the mirror.

I am beautiful.

"Ang taba-taba mo! Sa hitsura mong 'yan, walang magkakagusto sa'yo!"

"Pangit ka! Tingnan mo 'yong mukha mo, walang kagandahan. Puro taba lang. 'Wag kang masyadong ngumiti, ha? Nakikita ang double chin."

"Sa tingin mo ba may magkakagusto sa'yo? Ang taba mo na nga, ang pangit mo pa. Asa ka namang may papatol sa isang baboy na katulad mo. Sorry ha, pero 'yong type kasi ng mga lalaki, e mga sexy, at hindi ka qualified."

Maganda ako. Sobrang ganda ko. Kahit ano pang hitsura ko. Mataba man o payat. Matangkad man o maliit. Maputi man o maitim. Maganda pa rin ako.

"Hindi ka magan..."

"Hindi ka ma..."

"Hindi..."

"Hi..."

Minsan, aaminin ko, nand'yan pa rin 'yong negative thoughts. Minsan bubulong pa rin sila sa'yo at pilit kang hihilahin pababa. Dahil kahit may mga bullies o mga taong nang-aasar sa'yo, mare-realize mo at the end of the day na sarili mo pa rin ang totoo mong kalaban. Minsan bubulong sa'yo 'yong mga boses na nasa ulo mo. Sasabihing hindi ka enough. Gagawa ng mga insecurities. Pero, dahil sa maganda ka, kaya mo silang lamangan. Kaya mo silang labanan at talunin.

Dahil sa mas malakas mong boses, papatahimikin mo sila gamit ang mga katagang: "Maganda ako!"

Oo. I am truly beautiful.

***

"Oh, nandito na pala si Tabby. Kanina ka pa namin hinihintay, e," sabi ni Dad when he saw me na papalapit na sa kanila.

Inayos ko nang kaunti 'yong buhok ko. "Opo. Saan si Kei?"

Biglang may humawak sa balikat ko at humalik sa pisngi ko. "Ikaw talaga ha, lagi akong hinahanap-hanap."

Binatukan ko naman siya. "E sino ba kasing bigla na lang mag-a-appear sa harapan ng bahay naming nang hindi sinasabi sa'kin? Napaligo tuloy ako when supposedly today's my day off."

He chuckled. "Oo na po. Sorry na po." Nginitian niya pa ako pagkatapos ay naupo ro'n sa may sofa sa salas. "E na-miss kasi kita. Masyado ka nang occupied sa work mo. Hindi mo na ako nabibigyan ng time. Kaya no'ng sinabi mong day off mo ngayon, maaga agad akong nagpunta rito para umaga pa lang, makasama na kita."

Natawa naman si Dad. "Uy, ang sweet. Gagawa na 'yan. Gagawa na 'yan. Magkaka-sampung apo na ako."

"Talaga po? Okay lang kahit ngayon na?" tanong naman ni Kei.

Tumango si Dad. "Oo naman. Tingnan mo, kung mabubuntis si Tabby, magkakaroon siya ng maternity leave. E 'di mas makakasama mo pa siya. 'Di ba? It's a win-win situation."

"Ahem, ahem," Napatingin kami lahat sa direksyon na pinanggalingan ng boses. It was Mom who cleared her throat. "Sino'ng mabubuntis?"

Tumayo naman si Mommy sa tabi ko. Napaturo ako kina Dad. "Ayan o, sina Daddy saka si Kei. Nang-aasar." Pagsusumbong ko naman.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon