Chapter eight

5.3K 130 1
                                    


Alex's POV

Kaya pala parang pamilyar sya, sya pala ang tagapagmana ng Montenegro Group of Companies. Di ako makapaniwala, ang alam ko mahirap magpasched ng appointment sakanya sa sobrang dami ng ginagawa nya, maraming reporters ang gusto syang mainterview, pero lahat sila nahihirapan kumuha ng sched, pero ako eto kasama ko sya, pinagsisilbihan ko, inaalagaan ko. Yung tipo nya ang masarap mahalin, masungit pero mabait naman pala.

"Alex?"

"Ha?"at bumalik ako sa realidad

"Tulala ka dyan? May nasabi ba ako? Sorry"malungkot nyang sabi

"Wala, wag mo na isipin yun. Namimiss ko lang sila mama"pagsisinungaling ko

"Ganun ba? Ako din namimiss ko na din ang pamilya ko, yung mga kaibigan ko, yung mga empleyado ko, lahat sila"sabi nya sabay tingin sa dagat

"Pwede magtanong?"sabi ko habang pinagmamasdan sya na nakatingin sya sa malayo

"Ano yun?"

"Pano maging CEO?"kamot batok kong sabi sakanya, ewan ko pero yun na lang ang lumbas sa bibig ko, ayaw ko matapos ang paguusap namin, gustong gusto kong naririnig ang boses nya, para itong musika sa aking tenga.

"Hahaha! Bakit mo naitanong?"natatawang sabi nya, sabi na eh dapat di ko na lang tinanong yun

"Ah--eh kasi di ko alam, at since ikaw ang tagapagmana baka alam mo"nahihiyang sagot ko

"Nakakatuwa ka naman, CEO ka pero tinatanong mo yan"pagkantyaw nya sakin "pano ka ba naging CEO?"Tanong nya

"Mahabang kwento eh"

"Pano ko sasagutin yung tanong mo kung di ko alam kung pano mo naabot yang position na yan"pagsusungit nya, lalo syang gumaganda pag nagsusungit hehe

"Ang high blood mo miss Montenegro"pangaasar ko

"What did you just say?!"naku nakataas na ang kilay nya at nakapamewang pa, ang cute nya pala

"Wala Joyce, sabi ko ikukwento ko na kung pano ako naging CEO"pambawi ko, ang ganda ganda nya

"Good, sige na magkwento ka, at makikinig ako"sabi nya sabay titig sakin, shet! Nalulusaw na ako Joyce wag ganyan

"Ah--eh--kasi ganito yun"nauutal ako, bakit ganito? Tsk! Di pa ako makatingin ng diretso sakanya

"Kasi?"sabi nya at di pa din inaalis ang tingin sakin, jusme Joyce yung puso ko kabog ng kabog

"Kasi naging intern ako sa Stars Communications, at yung mismong may ari nun ang kumuha sakin, di lang ako, pati yung best friend ko. Naging close kami ng may ari, nakitaan kami ng dedikasyon sa trabaho ng best friend ko, eh magreresign na yung may ari at walang magmamana kaya ayun ako ang ginawang CEO pero sya pa rin may ari, tapos yung best friend ko ginawa nyang President, kaya ayun kaming dalawa ang nagmamanage ngayon. Kakaassign lang sakin mga ilang linggo ng nakakalipas."pagkwento ko, at nakatitig pa rin sya sakin, manghang mangha sya sa pagkukwento ko.

"Ah yun pala, well kung gusto mo maging mmbuti g CEO tratuhin mo na pamilya mo ang mga empleyado mo, and keep you feet on the ground, maging down to earth ka, kung ano ugali mo nung wala ka pa dyan sa position na yan dapat ganun ka pa rin. Di ba mas masarap pumasok sa opisina na lahat ng empleyado ay babatiin ka sa tuwing makikita ka at di sila matatakot na iapproach ka"sagot nya, ngayon ako naman ang nakatitig sakanya. Ang sarap nya titigan, di nakakasawa ang ganda nya, yung pilik mata nya, yung mga mata nyang nangungusap, ilong nya, at yung lips nya, mapula, parang ang sarap hali--teka teka ano ba tong iniisip ko.

"Alex! Huy Alex!"sigaw nya sakin

"Ha?! Ano yun?"at natapos na naman ang day dream ko.

"Kanina ka pa tulala dyan ah. Nakikinig ka ba?"tanong nya sakin, kahit buong araw ko sya titigan hay... Joyce bakit ka ganyan, ang ganda ganda mo.

"Ah oo naman nakikinig ako, salamat sa payo mo ah, hayaan mo gagawin ko yan. Ganyan ka din ba sa mga empleyado mo?"pagdagdag ko sa usapan namin, ayaw ko matapos ang usapan. Gustong gusto ko ang himig ng boses nya.

"Good. Oo naman, tao sila at dapat nn ituring sila ng maayos"sagot nya sakin at tumango lang ako, wala na akong maisip na itanong sakanya. Nabalaot ulit kami ng katahimikan.

"Anong gagawin mo sa cebu?"bigla kong tanong

"Ha?!"

"Sabi ko anong gagawin mo sa cebu?"

"Ah, magbabakasyon kami ng mga kaibigan ko, gusto nila na magbreak ako sa work at ienjoy ko ang buhay, puro work na lang daw kasi ako"ah kaya pala, bakasyon ang gagawin nya.

"Ikaw?"tanong nya sakin.

"Ako? Dadalawin ko yung lola ko na may sakit"sagot ko

"Oh I'm sorry"sabi nya

"Ano ka ba wala ka naman kasalanan, di mo naman gusto na bumagsak ang airplane at mastock dito sa isla na ako ang kasama"sagot ko, patay ano yung sinabi ko

"Ha? Ano ka ba, maswerte nga ako at ikaw ang nakasama ko dito. Siguro kung iba ang nakasama ko baka pinabayaan na ako"sambit nya na nakapagpangiti sakin

"Thank you"

"Bakit?"

"Kasi nagtitiwala ka sakin"sagot ko

"Alam ko naman na mabuti kang tao, ramdam ko"sabay hawak sa kamay ko, jusme Joyce kinakabahan na ako ng sobra, at yung mukha namin halos 5inches na lang ang pagitan

"Wag ka na malungkot ha, paguwi natin sa Manila madadalaw mo na ang lola mo"dagdag pa nya, sabay ngiti sakin "magbihis na tayo tapos maglibot tayo dito sa isla"pagyaya nya sakin, at tumango at at tinulungan syang tumayo na magkahawak pa rin ang kamay namin.

---

Happy new year guys! :)

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now