Chapter Fourty-four

2.4K 55 10
                                    

Alex's POV

Tatlong araw. Tatlong araw na akong andito sa ospital. Pakiramdam ko mas nanghihina ako dito sa ospital. Gusto ko na umuwi, pero sabi sakin ni Joyce aantayin lang namin yung resulta ng mga tests results at clearance ng doctor ay makakauwi na kami. Nabobored na ako dito.

Marahil nagtataka kayo kung pano ako nagkacancer. Sa totoo lang tanong ko rin yan sa sarili ko. Di ko alam kung bakit, lagi kong kinukwestyon si Lord bakit ako nagkaganito. Tinatanong ko sarili ko kung anong mali ang nagawa ko at nagkaganito ako.

Akala ko rin nung una ay normal na sakit ng ulo lang, hanggang sa nakakaramdam na ako ng kakaibang sakit ng ulo. Nung una akala nila ay migraine lang, pero nung lumala ng lumala nagpatingin ako sa espesyalista, dun nakita na may brain tumor ako. Binigyan ako ng pain killers para sa sakit ng ulo ko. Pero di nagtagal parang wala na syang epekto sakin.

Hanggang sa nagpacheck up ako ulit at dun nakumpirma na yung tumor ko cancerous pala, at kung minamalas ka nga naman ayun stage4 malignant na ito. Ibig sabihin mabilis itong kumakalat sa utak ko at bilang na ang mga araw ko. Unti unti ko rin nararamdaman ang mga sintomas nito. Namamanhid ang mga kamay ko, madalas may nabibitawan ako o kaya naman ay nadadapa ako, may oras din na antok na antok ako at nagsusuka din.

Dumating na yung doctor, may mga dala syang papel. Kinamusta nya ako ngunit isang ngiti lang ang naisagot ko sakanya. Ewan ko pero nanghihina ako, wala akong lakas upang magsalita. Nagusap sila ni Joyce, mama at Lei.

"Makakalabas na kayo ngayong hapon. Pipirmahan nyo lamang misis ang mga ito at makakauwi na ang anak nyo" sabi ng doctor

Agad naman hinawakan ni Joyce yung kamay ko.

"Mahal makakauwi na tayo. Yehey!" magiliw na sabi nya. Ngunit isang ngiti lang ulit ang naisagot ko. Gusto kong magsalita ngunit di ko magawa. Inaantok na naman ako kahit na kakagising ko lang. Napansin ata ni Joyce na inaantok ako.

"Sige mahal sleep ka muna ha, gisingin kita pag naayos na namin lahat at pauwi na tayo" magiliw na sabi ni Joyce.

"Salamat" yan lang ang nasabi ko, di ko alam kung narinig nya kasi ako halos di ko mabuka ang bibig ko. Pero siguro naman narinig nya kasi nginitian nya ko at hinalikan sa noo ko.

Few more minutes ay naririnig ko na ginigising na ko ni Joyce. I tried opening my eyes, slowly. Pakiramdam ko pagod na pagod ako, I can barely see her and the persons beside me. All I can hear are just murmurs. I'm scared unti unti ng kinukuha ng sakit ko ang sarili ko. Inipon ko ang lakas ko upang mabanggit ang pangalan ni Joyce.

"Joy-ce" buong lakas kong sinabi ang pangalan nya.

"Bakit mahal, may masakit ba?" nginitian nya ako at hinawakan ang kamay ko. Umiling ako bilang sagot sa tanong nya.

"Pauwi na tayo mahal, uuwi na tayo sa bahay" magiliw at excited na sabi nya sakin.

Sinakay nila ako wheelchair kahit ayaw ko. May mga nurse na umaalalay sa amin. May van na nagaantay sa amin at yun daw ang maghahatid sa amin sa bahay. Buong byahe tahimik lang ako, si Joyce yakap yakap ako at hawak hawak ang kamay ko.

Nakauwi na kami sa bahay. At iba ang pakiramdam ko dito. I feel so safe at pakiramdam ko malakas ako.

First night at home with the love of my life is the best. Best place on earth. Its the place where I feel so strong that even cancer can't defeat me. Its the place where I can fearlessly say na malakas ako. Madalas kinakamusta ko ni Joyce sa nararamdaman ko pero pilit kong pinapakita sakanya na ayos lang ako.

Gumising ako ng maaga para ipagluto ang mahal ko. Pakiramdam ko normal ako, kahit na may oras na di ko na maramdaman yung nga hinahawakan ko pero pilit akong nagdarasal kay Lord na ibigay nya ang lakas na kailangan ko upang mapagsilbihan ang mahal ko.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now