Chapter Fourty-One

2.7K 59 7
                                    

General POV

Nagpapalakas na yung mama ni Joyce sakanila, at unti unti ay bumabalik na ito sa dati, yung papa naman nya ay di na rin nagiinom at mas madalas na sa bahay na lang daw para maalagaan nya yung asawa nya. May personal nurse naman silang kinuha pero mas gusto ng papa nya na sya mismo ang magalaga dito.

Everything looks perfect, legal na sila both sides, yung business ni Joyce palaki ng palaki, yung company na hawak ni Alex ay patuloy ang pamamayagpag sa Business Industry, and natanghal pa na one of the fastest growing company at nafeature pa sya sa isang magazine.

Is this the start of their forever? Di na nga ba sila magkakaproblema? Eto na ba yung perpektong relasyon na inaasam asam ng lahat?

Joyce's POV

Nagising ako ng magvibrate ang phone ko, hudyat na 6am na at dapat na akong bumangon upang ipagluto ng almusal ang mahal ko.

Pagmulat ko ng mata ko nakita ko ang buhay ko, ang mahal ko. Taimtim na natutulog, hay ang sarap mabuhay. Everything that I prayed for is here. I stared at her for a few more minutes, I won't get tired of staring at this beautiful woman in front of me.

Nagvibrate na ulit ang phone ko at kailangan ko na talaga bumangon. Dahan dahan akong bumangon upang di ko sya magising. Nagsipilyo na ako at naghilamos bago pumunta ng kusina.

Niluluto ko ang pabotiro ng mahal ko, corned beef na maraming sibuyas, fried rice at scrambled eggs with tomato and white onions.

Patapos na ako magluto ng bigla naman may yumakap sakin. Amoy pa lang nya alam ko na si Alex yun, syempre kami lang naman dalawa dito sa bahay so sino pa ba ang yayakap sakin di ba?

"Ang bango naman nyan mahal" sabi nya habang nakayakap sakin

"Alin ba yung mabango? Ako o yung niluluto ko?" paglilinaw ko kasi yung mukha nya nasa leeg ko at ramdam na ramdam ko ang init ng paghinga nya.

"Hmmmm pwede bang pareho?" paglalambing nya sabay halik sa leeg ko at nakiliti ako

"Ma--ha--l te--ka la--ng masu--sunog niluluto ko" sabi ko kaya medyo niluwagan nya yung pagkakayakap nya sakin. Hininaan ko naman yung apoy at humarap sakanya. Umatras naman sya ng konti, nilagay ko ang mga kamay ko sa balikat nya habang nakayakap pa rin sya sa bewang ko. Unti unti nilapit ko ang mukha ko sakanya, then we kissed. Passionate kiss to be exact. Kumalas naman ako agad at binalikan yung niluluto ko. Humalik sya ulit sa pisngi ko at inayos na yung lamesa.

Isa isa ko ng nilagay mga niluto ko sa lamesa at inihanda na rin ang hot chocolate na fav nya at coffee ko. Usual na pwesto namin ay nasa kanan ako, lagi nya akong inuuna, lalagyan nya muna yung pinggan ko bago nya lalagyan yung kanya. Lagi nya ginagawa yun kasi nga ako daw yung prinsesa nya at dapat lang na pagsilbihan nya ako.

Pagkatapos kumain ay naligo na sya at ako naman naghugas ng pinagkainan namin, ganyan lagi ang routine namin. Ako magluluto at maghuhugas tapos sya naman maghahanda sa pagpasok nya. Pero pagoff nya ako ang pinagsisilbihan nya, nung una ayaw ko kasi yun na nga lang yung pahinga nya pero wala eh, mapilit ang mahal ko kaya hinayaan ko na lang sya sa gusto nya.

"Mahal alis na ako" tawag nya sakin, andito pa kasi ako sa kusina at naghuhugas

Agad naman akong lumabas at hinalikan nya ako agad ng mabilis. Di pa ako nakakapagsalita ay nawala na sya. Hay siguro nakalimutan nya, ngayon kasi ang 2nd month namin, sabi nga nya today marks our 60th day as a couple. Hinayaan ko na lang kasi alam ko naman na busy sya sa work nya. Knowing na all eyes are on her dahil sa bilis ng growth ng company nila.

Bumalik na ako sa paghuhugas at naglinis ng bahay. Pagkatapos ay binuksan ko na yung laptop ko at nagsimula na akong tingnan ang business ko at yung company ni dad.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now