Chapter Thirty-one

3.6K 88 10
                                    

General POV

Umuwi na muna si Alex sa bahay nya upang makapaghanda para sa 'meet the parents' nya. Este para pormal na magpakilala sa mga magulang ni Joyce at para na rin hingin ang basbas nila sa relasyon ng anak nila.

Mabilis ang mga pangyayari sa love life nila. Si Alex di na nakapagpigil at hinalikan na si Joyce, si Joyce naman di na rin nakapagpigil. Sinagot na nya agad si Alex, ngunit kahit ganun eh gusto pa rin ni Alex na makilala sya ng mga magulang nito bilang girl friend ng anak nila at hindi bilang isang business woman.

Pagkauwi ni Alex ay agad nyang kinausap ang nanay nya at sinabing girlfriend nya ang nagiisang anak ng pinakamayaman na business tycoon sa bansa. Nagulat naman ang nanay nya ngunit nagaalala kay Alex, primyadong pamilya ang pinasok nya, pero sinabi nya mamayang gabi ay haharap sya sa pamilya ni Joyce ng pormal upang magpakilala. Sinabi naman nya na wag itong magalala at alam nya ang ginagawa nya. Basta masaya ang anak nya, masaya na rin sya. Ganyan ka supportive ang nanay ni Alex.

Si Joyce, kamusta naman kaya? Mula nung umalis si Alex at umuwi ay hindi na ito mapakali. Tinawagan nya si Marian, at kinuwento ang buong pangyayari, nagulat sya na ang magpapatibok ng puso ng best friend nya ay isang babae. Nung una ay naiinis sya at di makapaniwala, pero di nya maiwan ang best friend nya kaya pumayag na rin sya. Kilala na rin naman nya si Alex, nakakasama naman na nila itong lumabas at di naman maikakaila na malaki ang pagkagusto ni Alex kay Joyce base sa mga kilos neto.

Kinagabihan...

Alex's POV

Andito ako sa bahay ko, nagaayos, nakapowder blue na blouse lang ako, jeans at sperry na shoes. Semi formal ang dating kumbaga. Di ako mapakali. Naiihi ako na ewan. Kinakausap ko ang sarili ko sa salamin. Panay ang buntong hininga ko. Binalita ko na rin kay Leila yung nangyari, ang sabi nya lang sakin eh 'break a leg' grabe ang kaba ko.

Tumingin ako sa relo ko at 5:30pm na, aalis na ako at susunduin ko pa si Joyce. Habang papalapit ng papalapit sa bahay ni Joyce ay kinakabahan ako. Daig ko pa ang magdedefend ng thesis para pumasa sa kolehiyo.

Pagdating ko doon, nagdoorbell ako at agad na lumabas si Joyce, she is wearing a peach dress and doll shoes, nakalugay at walang make up. Nastun ako sa ganda nya, nginitian ko sya at pinagbuksan ng pinto at nilagyan ng seat belt.

Habang nagmamaneho ako hinawakan ni Joyce ang kamay ko at pinisil ito. Lumingon naman ako ng mabilis sakanya at ngumiti, di ko sya maaaring titigan dahil ako ay nagmamaneho.

"Alex you don't have to do this" sabi nya

"No Joyce, I have to. I respect your parents as much as I respect you. They need to know about us. Don't worry magiging OK din to" sagot ko naman sakanya.

Maya maya pa ay andito na kami sa mansion nila. Kusang bumukas ang gate at pinarada ko ang sasakyan ko sa garahe nila. Harapan pa lang ng bahay nila ay alam mo na kung gano sila kayaman.

Inakay nya ako hanggang sa front door nila, pinagbuksan naman kami ng mayordoma nila at binati ng magandang gabi.

Maya maya ay nakita ko na ang papa at mama nya na nagaantay sa amin sa sala. Nagmano sya dito at humalik. Ako naman di ko alam kung kakamayan ko sila o makikipagbeso ako o magmamano ako sakanila.

Nagmano na lang ako sakanila at bumati ng magandang gabi. Kinamayan ako ng papa ni Joyce at kinamusta ang business. Pinagpapawisan ako ng malamig. Pakiramdam ko ay para akong deer na pumasok sa kulungan ng mga leon. Pero I kept my posture. I stand firm and controlled. After the small talk we head through the dinning table. Napakagarbo, kumpleto lahat ng kubyertos nila, ang lamesa ay napakaganda, kaya maupo ng sampung tao sa haba ng lamesa nila.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now