Chapter Twenty-four

3.7K 99 1
                                    

Alex's POV

Andito ako sa opisina, nakatitig lang ako sa phone ko. Tinitingnan ko yung contact list, hininto ko ito sa pangalang Joyce. Ilang araw na din na meron na akong personal number nya. I never intended na that way ko kukunin ang number nya, napakachildish. Pero nangyari na eh, nakita namin ni Leila yung phone ko sa ilalim ng driver seat. Nalaglag pala ito doon kaya di namin makita at nagriring lang. Good thing at nahanap namin.

"Alex busy ka?" tanong ni Leila, di ko namalayan na pumasok na sya sa opisina ko.

Di ako sumasagot, tulala lang ako. Hanggang sa tapikin nya ako sa braso ko, na syang naging dahilan ng pagkakagising ko.

"Alex kanina pa ako dito di mo man lang ako pansinin" pagmamaktol nya.

"Ano ba yang ginagawa mo?" Kinuha nya yung phone ko,pilit kong inaagaw pabalik pero wala eh nakuha na nya.

"So, sinave mo yung number ni Joyce?" nakangiting tanong nya.

"Yeah, anything wrong with it?" sagot ko

"Wala naman, ang mali lang eh kanina mo pa tinititigan yung pangalan nya, mukha kang baliw"

Sumandal ako sa upuan ko, huminga ng malalim.

"I don't know how to start a conversation with her Lei, natotorpe ako"

"Ikaw natotorpe? You can nail any client meeting with an ease, tapos sa isang babae natotorpe ka? Oh c'mon, Alex hindi ikaw yan"

Napailing na lang ako, di ko talaga alam kung pano ko sya kakausapin. Ewan ko pagdating sakanya parang napakahina ko.

Umalis na si Lei, tumawag daw si tita at nagpapasama sakanya. Kaya ako eto naiwan na naman magisa dito sa opisina, natambakan na ako ng gawain. Magfofocus na muna ako dito sa work ko para di ko maisip si Joyce.

After 8hours of non stop work...

Hay natapos din ako. Sunod sunod na meeting. Gusto ko na umuwi, tumingin ako sa bintaba sa opisina ko. Ang lakas ng ulan. Wala pa man din akong dalang sasakyan. Hay magGrab na lang ako.

Bzzz...

From Leila:
Alex di kita masusundo, kasama ko pa si mama eh, sorry ingat ka sa paguwi mo malakas ang ulan

To Leila:
Ayos lang, magGrab na lang ako pauwi, ingat din kayo ni tita

Nagbobook na ako ng Grab pero walang available sa area ko, badtrip. Lahat halos ng staff ko ay umuwi na. Tinanong ko yung guard kung may driver pa kami na nasa opisina pero sabi nya umuwi na daw lahat. Kainis to, pano kaya ako uuwi. Sinubukan ko ulit magbook pero wala talaga. Magpapatila na lang ako ng ulan dito sa opisina para makauwi.

Lumipas ang dalawang oras at di pa rin tumitila ang ulan. Tiningnan ko sa internet ang lagay ng panahon, may bagyo daw at baka bukas pa ito huminto. Tumingin ako sa bintana, napakalakas ng buhos ng ulan, zero visibility talaga. Pagtingin ko sa baba may kotseng nakahinto malapit sa opisina, bumaba yung babae, mukhang may problema syabsa sasakyan nya, wala syang payong kaya ayun basang basa sya sa ulan.

Dali dali akong bumaba para tingnan kung ano magagawa namin, sa sobrang lakas ng ulan medyo bumabaha na sa harap ng opisina namin, agad kong kinuha yung malaking payong sa guard at sinugod ko ang ulan upang tulungan yung babae.

"Miss are you OK?" tanong ko, sa lakas ng ulan halos walang kwenta yung payong na dala ko. Di nya ako pinansin. Tinapik ko sya sa braso. Nagulat ako.

Si Joyce. Agad akong lumapit at pinayungan sya kahit basang basa na sya.

"Joyce ano nangyari?" tanong ko

"Biglang tumirik eh, di ko alam gagawin ko. Lobat phone ko di ko matawagan si mama, o kahit sinong makakatulong sakin"pageexplain nya

"Buti malapit ka dito sa opisina ko nasiraan, tara dun tayo sa loob" binaba ko na yung hood ng kotse nya, at kinuha nya yung bag nya at nilock namin yung kotse. Naglakad kami sa baha na abot hanggang bukong bukong namin. Nakaalalay ako sakanya hanggang sa makarating kami sa pinto ng building namin.

"Ma'am ayos lang kayo? Dapat ako na lang sumugod eh, kita nyo nabasa pa kayo" sabi nung guard sakin

"Tay ano ka ba, ayos lang ako, tsaka di ako magkakasakit. Mamaya kung mapano kayo sa ulan eh" matanda na kasi si manong guard kaya ako na yung sumugod sa ulan

"Ah tay si Joyce, kaibigan ko. Sya yung nasiraan dyan sa may tapat natin, pakitingnan na lang po yung sasakyan nya, iaakyat ko lang sya sa opisina para matuyo sya"

Umalis na kami at umakyat sa opisina ko. Awkward kasi walang nagsasalita samin. Pagdating sa 8th floor bumaba na kami, pinapasok ko sya sa opisina ko at pinaupo sa couch doon. Hininaan ko yung aircon para di sya lalong lamigin, wala pa rin nagsasalita samin. Naghanap ako ng jacket na pwede ko ipahiram sakanya, mabuti at meron akong dala kanina. Inabot ko sakanya yung jacket at ipinatong naman nya agad sa katawan nya. Halatang halata na ginaw na ginaw sya.

Lumabas ako para magtimpla ng kape, may pantry naman kami dito kaya mapapainom ko sya ng kape. Pumunta din ako sa stock room namin, alam ko may mga tshirt doon na para sa promotion ng products and services namin, sana meron pang natira para makapagpalit si Joyce. Dinala ko ang kape sakanya at dinahlan ko rin sya ng pamalit na damit, sabi ko magbihis na sya at tawagin na lang ako pagkatapos nya. Nagbihis na rin ako ng tshirt dahil basang basa din ako.

After ng mga ilang minuto ay tinawag na nya ako, upumo ako sa tabi nya at nagkape.

"Joyce, kamusta? Giniginaw ka pa ba?" tanong ko

"Hindi na masyado, thank you" nakangiti nyang sagot sakin

"Nasan na yung phone mo? Charge na natin, kung kailangan mo ng telepono para makatawag sa inyo pwede mo gamitin yung nasa lamesa ko"

Maya maya pa ay tumayo sya at sinabi na tatawag lang sya sa bahay nila upang masabi na safe sya.

Tinext at tinawagan ko na rin si mama, nagpaalam ako na di muna ako makakauwi dahil sobrang lakas ng ulan. Si Leila naman alalang alala, gusto nya ako puntahan para dalhan ng mga damit na pamalit kaso sabi ko baha na sa labas ng opisina kaya delikado. Sinigurado ko naman sakanya na ayos lang ako.

Umupo na ulit si Joyce sa tabi ko.

"Ang ganda ng opisina mo" puri nya

"Namana ko lang to sa dating may ari ng kompanya, sakin nya pinagkatiwala ang paghandle nito kaya ayan walang nabago kundi yung pangalan sa table. Kamusta na pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Pasensya ka na yan lang ang meron ako na mapapasuot sayo eh" nahihiya kong sabi sakanya

"Ano ka ba, this is too much. Kung di mo nga ako nakita siguro until now nasa ulanan pa rin ako at baka sa kotse ako nagpalipas ng gabi" magiliw na sambit nya

Nginitian ko naman sya bilang tugon. Napansin ko na nanginginig pa rin sya. Lumapit ako sakanya, hinawakan ko ang kamay nya at hinaplos ito upang mawala ang lamig. Sumandal sya sa balikat ko at bumulong ng thank you.

Maya maya naramdaman ko na nakatulog na sya, dahan dahan ko syang inihiga sa couch at naghanap ako ng towel na merchandise namin at di naman ako nabigo, meron nga at malaki ito, pwedeng gawing kumot. Kinumutan ko sya at sinigurado na di na sya giginawin. Hinawakan nya kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung mga butterfly nagwawala na sa tyan ko.

"Alex please dito ka lang" umusog sya sa couch at pinahiga ako sa tabi nya.

Humiga ako sa tabi nya, yumakap sya sakin, lalong nagwala ang mga butterfly sa tyan ko. Di ko alam kung ano ang gagawin ko o ireresponse ko sakanya, nahihirapan sya sa pwesto namin, pinaunan ko sya sa braso ko. Di naman sya humindi at niyakap ako. Ang bango bango ng buhok nya, amoy rosas. Yung paghinga nya nararamdaman ko sa leeg ko, mainit. Lalo akong di mapakali, yung dibdib ko sasabog na sa kaba. Kinuha nya ang isang kamay ko at iniyakap sakanya. Magkayakap kaming dalawa. Yakap yakap ko yung babaeng mahal ko. Lalo akong kinabahan, sana di nya naririnig yung bilis ng tibok ng puso ko. Sa di ko malaman na rason, hinalikan ko sya sa noo at pumikit. Lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin. Pinilit ko na rin na pumikit at matulog.

Sana masabi ko na sayo Joyce ang nararamdaman ko. Sana magkalakas na ako ng loob na sabihin sayo na mahal kita.

--------
Hi guys! Sorry for the super duper late update. Busy lang ako, pero ngayon hindi na. So expect another update later this day. Stay tuned.

Thank you!!

MsSky

100 days with the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon