Chapter Thirty-four

3.3K 71 14
                                    

General POV

May pasurprise monthsary ang prinsesa natin. Kayo ba pano kayo nagcelebrate ng first month nyo? O pano nyo gusto icelebrate yung first month nyo? Pagibig nga naman, lahat gagawin natin para sa mga mahal natin eh. At isa lang napatunayan natin, sweet din pala si Joyce. Hahaha! Di pala sya puro sungit lang at di pala sya manhid. Si Alex naman ayun napakaiyakin talaga, may pagiyak pang nalalaman. Hahaha!

Bukas na yung kasal ni Marian at Mark, ano kaya mangyayari pag nakita ni Joyce ang parents nya? Pero ang tanong dadalo ba sila? Eto na kaya yung magkakaayos sila? O mas lalala lang ang sitwasyon? Tara na at tingnan natin sila. Sa kasalukuyan ay bumibyahe sila Joyce at Alex papuntang hotel na tutuluyan ng mga guests,since ito ay beach wedding nirentahan nila Marian ang isang buong hotel para sa mga guests nila.

Alex's POV

Papunta kami ngayon sa hotel kung saan kami tutuloy para sa kasal ng best friend ni Joyce. Invited din ang pamilya ni Leila kaya panigurado magkikita kami doon. Nung una ay ayaw ko sumama dahil hindi naman ako imbitado, pero sabi ni Joyce sya ang bahala sakin at nakasulat naman sa invitation na pwede magsama ng isa ang bawat bisita.

Nandito na kami sa hotel, napakahigpit ng seguridad. Parang isang prinsesa ang ikakasal, napakaraming guards, lahat ng pumapasok ay hinahanapan ng valid ID at chinecheck ang sasakyan at mga gamit.

Halata kay Joyce na may hinahanap sya. Palinga linga ito at di mapakali.

"Mahal, kalma lang OK?" sabi ko habang hawak ko ang kamay nya. Ngumiti naman sya at pinisil ang kamay ko.

Pagkatapos icheck ang sasakyan ko eh pinapunta kami sa front door ng hotel, may vallet service sila kaya pinababa na kami pati mga dala namin. Konti lang naman ang dala namin, yung gown kasi ni Joyce nasa kwarto na tutulugan namin, ako naman may dress din na dala para sa okasyon.

Magalang kaming binati ng mga crew sa hotel at halata na busy ang lahat para ientertain yung mga guest. Nagdadatingan na kasi ang karamihan.

Pumunta kami sa front desk upang kunin na ang access card sa room namin, ihahatid kami ng crew nila sa room namin.

"Miss andito na ba sila Mr. & Mrs. Montenegro?" tanong ni Joyce sa nagaassist samin papuntang room

"Ah ma'am sorry po pero di ko po sila napansin" sabi nung babae

"Ah ganun ba, salamat" tahimik lang si Joyce hanggang sa makarating na kami sa kwarto namin.

Pagpasok namin sa loob ay mamamangha ka talaga. Di basta basta ang hotel na tinutuluyan namin, isa ito sa mga 4star hotels sa bansa. Halos lahat ng kwarto dito ay parang suite na sa sobrang laki. Ang banyo may jacuzzi, at may veranda pa kung saan kitang kita mo ang dagat.

Inayos ko na ang mga gamit namin sa cabinet. May vault din sa loob kung saan pwede mo ilagay ang mga mahahalagang gamit mo.

Sa table naman sa loob andun ang program ng kasal, sa tabi nito ay may isang manequin kung saan nakalagay ang gown ni Joyce, napaka elegante ng pagkakagawa ng gown nya.

"Mahal grabe ang ganda ng gown mo, baka naman matalbugan mo nyan si Marian" pagbibiro ko

"Sira ka, syempre mas maganda yung kanya" sabi nya

Niyakap ko naman sya mula sa likod.

"Mahal kahit ano pa isuot mo, ikaw lang ang pinakamaganda para sa akin" sabi ko habang yakap yakap ko pa rin sya mula sa likod

"Binola na naman ako ng prinsipe ko" sabi nya at humarap sakin, ang mga kamay ko ay nasa bewang nya at yung mga kamay nya nakapulupot sa batok ko. Parang sasayaw kami sa posisyon namin.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now