Chapter Twenty

4K 107 1
                                    

Alex's POV

Nagaalmusal ako ng biglang tumunog ang cellphone ko

*bzzz *bzzz *bzzz

Nagtext si Leila.

From: Leila
Alex! Good morning! May good news ako sayo! I'll see you later! Magtaxi ka na lang muna may pinapadaanan si mama. Ciao!

Di na ako nagmadali kasi wala naman susundo sakin. Walang pasok ang mga bata ngayon, kaya wala gagamit ng sasakyan. Naisip ko gamitin pero nanghihinayang ako sa gasolina. Nagpresinta naman ang pinsan ko na ihahatid daw ako sa opisina para komportable ako. Hindi naman ako makatanggi at kaharap ko si mama.

Makaraan ang ilang minuto ay umalis na kami, sa harapan ako umupo para di mailang ang pinsan ko sa pagmamaneho. Tahimik kami hanggang sa nagtanong si kuya

"Alex kamusta ka na? Yung check up mo kamusta?" Tanong nya

"Ayos naman kuya, sumasakit sakit pa rin pero sabi nila ipahinga ko lang at uminom ng pain killers, tsaka migraine lang daw ito" pageexplain ko, pero kumunot ang noo nya, alam nya na hindi lang basta sakit ng ulo ang nararamdaman ko

"Kelan mo balak sabihin kay auntie yan?"

Natigilan ako sa sinabi ni kuya, napaisip ako ng malalim. Kaya ko nga ba sabihin kay mama yung nararamdaman ng katawan ko. Nginitian ko na lang si kuya at di na nagsalita, maya maya pa ay andito na kami sa harap ng opisina ko. Nagpaalam na ako sa pinsan ko at nagpasalamat sa paghatid sa akin.

At the office...

"Good morning Angela, what's my schedule for today?"

"Good morning miss Sandoval, for this morning there's no schedule, there are papers on your desk for your approval, you have lunch meeting with the board, and on the afternoon you are free to go home early" aniya

"Thank you Angela, pagdating ni Miss Lincoln tell her to go to my office"

"Noted po ma'am"

Pumasok na ako sa opisina ko at nagsimula ng magtrabaho. Ang daming paperworks, ang daming for approval na di ko mapirmahan, di kasi ako basta basta pumipirma without me knowing the real story behind the proposals. And to be honest halos lahat ay "dummy" proposals. Iba iba ng pangalan pero iisa lang ang concept. After reading all of them nagpatawag ako ng meeting with the persons who submitted the "dummy" proposals. Tinawagan ko si Angela na nasa labas lang ng opisina ko. At pinapunta ko isa isa sa opisina yung mga taong nanghihingi ng approval. May proposal na humihingi na dagdagan ang budget para sa projects nila, meron naman mga bagong proposal na ang laki laki ng hinihinging budget, which is not clear why. There was no breakdowns ng mga possible expenses at possible income ng project. And most of them ay iisa lang ang concept. Nakakastress.

Makalipas ang ilang oras...

*tok tok tok

"Come in"

"Alex, sorry si mama kasi ang daming pinagawa" si Leila pala yung pumasok, tumango lang ako at binabasa pa rin ang isa sa mga proposals nila.

"Alex marami ka bang ginagawa?"tanong nya. At tinuro ko ang patong patong na folders sa desk ko. Nang makita nya ang dami ng pendings ko hindi na sya nangulit at umupo sa sofa. Makalipas ang halos isang oras tapos na ako bigyan ng feedback ang mga proposals nila. Nakakapagod. Sumandal ako sa upuan ko at pumikit.

Biglang nagsalita si Leila "Alex tapos ka na ba? Tara maglunch tayo, gutom na ako eh"

"Sagot mo ha?" Tanong ko sakanya na may halong pangaasar, ang seryoso kasi masyado ng mukha nya.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now