Chapter eleven

4.7K 126 0
                                    


Alex's POV

Naglalakad na ako palayo, palayo sa panaginip ko. Palayo sa tatlong araw na panaginip ko. Ngayon ay babalik na kami sa realidad, sa totoong buhay namin, sa mga pamilya namin. Sa kanya kanya naming mundo.

"Alex!"sigaw ni Leila nung makita nya ako at nagtatatakbo palapit sakin, aninag ko ang bawat luha na tumutulo sa mga pisngi nya. Pagkalapit nya bigla nya akong niyakap, yakap na mahigpit, mahigpit at ramdam mo ang pagaalala nya. Niyakap ko sya pabalik ngunit umiiyak pa rin sya.

"Oh Lei tama na yan, buhay pa ako oh"pagbibiro ko sakanya

"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka!"pinagsusuntok nya ako habang nakayakap pa rin ako sakanya, para syang bata na nawala sa mall at ngayon lang nakita ulit ang ate nya.

"Sssshhhh tahan na, andito na ako, buhay ko"sabay himas ng likod nya, at higpit ng yakap ko sakanya. Ngunit umiiyak pa rin sya. Di ko alam kung pano ko patatahanin ang best friend ko.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at hinalikan sya sa noo, "Lei tahan na andito na ako, di ako mawawala sa'yo"paniniguro ko sakanya at pinunasan ko ang mga luha sa pisngi nya.

"Tara na, gutom na ako"pagbibiro ko sakanya para gumaan na ang pakiramdam nya.

"Saan mo gusto kumain?"tanong ni Leila

"Dun na lang sa bahay, namiss ko sila mama at yumg mga kapatid ko"

"Ay oo nga pala tatawagan ko si tita--"

"Wag Lei, susurpresahin ko sila mama"

"Sure ka? Sobrang lungkot ni tita mula nung nabalitaan nya na nagcrash ang eroplanong sinasakyan mo"sabi ni Leila

"Oo sigurado ako, daan tayo sa fav restau ni mama, at bili tayo ng pagkain, sigurado ako na hindi pa kumakain yun ng ayos"

"Sige, tara na, sakay na"pagaya nya at sumakay na ako sa kotse at pinaandar na nya ito

"Kamusta pala ang kumpanya?"tanong ko habang nagmamaneho sya

"Ayun alalang alala sayo si mr.de Leon, laging nakikinig sa balita at tinatawagan lahat ng connections nya sa military"

"Nakakahiya naman kay sir de Leon"

"Ano ka ba ayos lang yun, tsaka ikaw ang CEO ng kumpanya, VIP ka kaya hello?! Wag mong sabihin na nakalimutan mo na yun?"pagpapaalala nya sakin ng mundong ginagalawan ko

"Hindi ko naman nakakalimutan yun Lei"sagot ko, at tumahimik na kami, iniisip ko pa rin si Joyce, kelan ko kaya sya ulit makikita? Makikita ko pa kaya sya?

Ilang sandali pa ay narating namin ang fav na restau ni mama at bumili na ng pagkain. Pagkabili namin ay dumiretso na kami sa bahay.

"Lei ikaw muna ang lumabas, dalhin mo na tong mga pagkain, at pakainin mo sila, bahala ka na magdahilan kung bakit ka may dalang mga pagkain, pagkapasok mo ako na bahala kung kelan ako magpapakita"paginstruct ko kay Lei ng gagawin. Pumasok na sya sa bahay, tinatanaw ko sila mama mula dito sa bintana ng kotse, ang lungkot ni mama. Kitang kita sa mga mata nya yung pagaalala, yung pagod, yung lungkot. Di ko na natiis si mama, bumaba ako ng kotse at dahan dahan pumasok sa bahay namin.

*tok tok tok*

"Anak tingnan mo nga kung sino yan"utos ni mama sa kapatid ko at pumunta naman ito agad sa pinto upang tingnan kung sino ang kumakatok. Pagkabukas nya ng pinto agad akong sumenyas na wag sasabihin kung sino, tumango naman sya at nagsimula na mamuo ang mga luha sa mata ko at mata nya.

"Anak sino yung kuma--"sabi ni mama ngunit di na nya natuloy kasi pumasok na ako sa bahay namin, natigilan si mama, yung mga luha nya di na matigil sa pagtulo. Agad kong niyakap ang nanay ko, yakap na mahigpit na mahigpit. Di ko napigilan umiyak na rin, lahat ng kapatid ko nakiyakap na rin sa amin ni mama.

"Anak akala ko di na kita makikitang muli"sambit ni mama habang naiyak pa.

"Akala ko din ma, pero mabait si God di nya ako pinabayaan"sagot ko at mas lalong humigpit ang yakap ni mama sakin.

Namiss ko silang lahat, lalo na si mama ko. Akala ko talaga di na ko makakabalik sa piling nila.

"Oh tama na ang iyak, ma kain na tayo gutom na ako, tska lalamig yung binili naming pagkain, paborito mo pa naman yun"pagyaya ko upang matigil na sa pagiyak ang mama ko. Tumango sya at dali daling naghain upang makakain na kami. Habang inaayos nila yung mga pagkain, kinausap ko si Leila.

"Lei thank you"nakangiti kong sabi

"For what?!"nagtataka sya

"Fot looking after my family habang wala ako"

"Ano ka ba naman ayos lang yun! Besides parang pamilya ko na rin sila"

"Thank you so much Lei"niyakap ko sya ng mahigpit

"Tama na pagdadrama, nakahain na oh, tara na at marami kang naiwan na trabaho"sabi ni Leila na pinipigilan umiyak. At bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at hinila na ako papuntang hapag kainan.

Habang kumakain kami ay panay ang tanong ng mga kapatid ko kung anong nangyari sakin, kung anong mga naranasan ko sa isla. Lahat ng naranasan ko kinuwento ko. Yung paggising ko nasa isla na ako, yung mga sugat ko, yung panghuhuli ng isda, yung paggawa ng silong, bonfire, at kung ano ano pang naranasan ko sa isla.

---------

Sorry for late update. Thanks for reading! :)

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now