Chapter Twenty-two

3.9K 89 1
                                    

Alex's POV

Maaga ako pumasok, di na ako nakatulog mula nung nakausap ko si Lei sa phone kaninang madaling araw. Paano ko nga ba mailalapit ang sarili ko kay Joyce. Magdamag akong nagisip ng dapat gawin at pinaka best na gawin para mapalapit sakanya. Binuksan ko ang laptop ko at naghanap ng magandang gawin para mapalapit sa isang babae. Ang dami ko nang nabasa na tips, pero pakiramdam ko di ko pa rin kayang kausapin si Joyce ng kami lang. Feeling ko matutulala lang ako sa ganda nya o kaya naman kung di ako matulala, di na ako magsalita pa.

Tok! Tok! Tok!

"Come in" sambit ko habang nagtitingin pa rin kung pano ba ang mapalapit sa isang babae.

"Hi Alex, sorry di na kita nasundo nalate ako ng gising eh. Ang aga aga mo kasi nanggising kanina" sabi ni Lei

Tuloy lang ako sa ginagawa ko, umupo sya sa sofa sa opisina ko. At ininom ang kape na pinahanda ko.

"Lei, tapusin ko lang to" tumango naman sya.
After 30mins tumayo na ako at lumapit sakanya.

"OK miss Alexandra Sandoval, ano ang gusto mo?" tanong sakin ni Lei

"I don't know Lei, ang gusto ko lang maging malapit sakanya. Parang gusto ko na sya, parang mahal ko na sya"

"Mahal mo na sya? Agad agad?!" tumango ako

"Alright, lets go" sabi ni Lei, nagtataka ako

Tumayo na sya at lalabas na ng pinto ng mapansin nya na nakaupo pa rin ako at naguguluhan sa gusto nya.

"Alex come on, ayaw mo naman malate sa first date nyo?"

First date? Kanino? Sino? Napansin ni Lei ang pagtataka sa mukha ko.

"Hay naku Alexandra Sandoval, ang slow mo talaga! Tara na at may Lunch date kayo ni Joyce"

Tulala pa rin ako at pilit na dinidigest yung mga sinabi ni Lei. Lunch date. Joyce. First date.

"Ano? Papacancel ko na?" Natauhan ako at inayos agad ang gamit ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin kung OK ba ang suot ko.

Napaface palm na lang si Lei sa sobrang taranta ko.

"Tara na, ihahatid kita" umalis na kami at sya ang nagdrive. Dinala nya ako sa isang restaurant na di kalayuan sa opisina namin. Hindi ito yung paborito naming restau.

Bumaba na ako ng sasakyan at tinawag ako ni Lei. "Thank me later" sabay kindat sakin at umalis na.

Pagpasok ko ng restaurant tinanong ako kung may reservations ako, sinabi ko wala. Tinanong yung pangalan ko, at sabi sakin ng waiter may reservations ako, tinuro nya sakin yung upuan ko.

Walang tao sa restaurant, ako lang ang andito, may flowers. At maya maya tumunog ang wind chime na nakakabit sa pinto nila, hudyat na may pumasok.

May babaeng nakatayo sa gilid ko, at paglingon ko. Si Joyce ang nakita ko. Ang ganda nya, nakacorporate attire sya. Ang amoy nya na humahalimuyak. Natulala ako, pero nakangiti sya sakin.

"Alex OK ka lang?" tanong ni Joyce na nakapagpabalik sa akin sa realidad.

Tumayo ako at hinila ang upuan nya at pinaupo sya. Nakatingin lang sya sakin. Nakangiti.

"Hi Joyce" nauutal kong bati sakanya

"Hi Alex" sagot nya na nakangiti sakin at ang mga mata nya nangungusap

Maya maya dumating ang waiter at nagdala ng pagkain namin. Nagpasalamat sya at tumingin ulit sakin. Di ko alam kung pano magsisimula ng conversation sakanya. Nahihiya na ako sa kinikilos ko.

"How's the business Alex?" tanong nya

"Ah ayos naman, ikaw kamusta? Nabasa ko sa papers na palago ng palago yung business nyo, and its because of you" nginitian nya ako

"Its a team effort, kung wala ang mga staffs ko di namin magagawa yun" sagot nya

Ngumiti ako at nagsimula na kaming kumain.
We had a good conversation, after we have the dessert nagpaalam na sya. She needs to go back to the office kasi marami daw syang tatapusin.

Hinatid ko sya hanggang sa labas ng restaurant kung saan nagaantay ang isang itim na sasakyan.

Humarap sya sakin at nagpasalamat, ngumiti ako at nagpasalamat din. Magbebeso sana kami pero she gave me a kiss. A soft kiss on my lips. That makes me shiver and my heart skipped a beat. I close my eyes.

I heard my name, someone is calling me. When I opened my eyes, nasa opisina ako, si Lei ang yumuyugyog sakin. Damn! It was a dream!

"Huy Alex!"

"Sorry. Nakatulog pala ako" sambit ko habang ginigising ang sarili ko

Hinila ako ni Lei sa sofa, pinaupo at inasikaso ako.

"Ano ba kasi nangyayari sayo Alex, hindi ikaw yan"

"Sorry Lei, nanaginip ako, and it feels so real. Kung pano nya ako hawakan, kung pano sya tumitig at ngumiti sakin. Everything was real until I woke up"

Hanggang sa kinuwento ko kay Lei kung ano nangyari sakin. She told me na para akong tanga. Dreaming that the Famous Sexy Hot Chiq Joyce Anabelle Montenegro will be my girlfriend. But I insist, I want her, this is the first time that I felt this way for a girl, normally hanggang tingin lang ako. Pero si Joyce, she drives me crazy! Crazy to the point that I will do anything just to get her.

Joyce, what did you do to make me feel this way?

-------------------------------
Happy Reading!

Ciao!

100 days with the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon