Chapter five

5.4K 127 2
                                    

Alex's POV

Nagsalita ang Captain ng eroplano, sabi nya mageemergency landing ang flight dahil may mechanical problem. Pero pakiramdam ko bumubulusok na yung eroplano pababa. Halos lahat ng pasahero nagpapanic na. Ang mga FAs di na magkanda ugaga sa pagpapakalma ng mga pasahero nila. Nagkakagulo na sa loob ng eroplano, ang mga FAs pilit na pinapakalma ang sitwasyon. Di ko maiwasan mapatingin sa kinauupuan ng babaeng nakita ko kanina. Gusto ko syang lapitan. Nagaalala ako sakanya, pero naisip ko, mukhang sanay na sya mageroplano kaya wala akong dapat ikabahala at dapat ang iniisip ko ay ang sarili ko. Ngunit halatang kinakabahan na rin sya sa nangyayari, ang sabi ng mga FAs 'fasten your seatbelts' Maya maya pa, naramdaman ko na sumalpok na ang eroplano sa tubig.

Agad kong hinanap yung babaeng nakita ko kanina, ngunit di ko na sya nakita, nawala sya bigla. Pero bago ko isipin ang ibang tao sarili ko muna. Kailangan ko makaalis dito. kailangan ko umahon, kailangan ko iligtas ang sarili ko. Di ako pwede mamatay, marami pa akong responsibilidad sa pamilya ko, pano na lang si mama, mga kapatid ko, at ang ama ko. Diyos ko iligtas mo po ako sa kapahamakan. Sambit ko habang nararamdaman ko na ang tubig sa kinauupuan ko. Mabilis ang mga pangyayari. Maya maya punong puno na ng tubig ang eroplano. Lumulutang na ang mga bagahe. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay. Hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari, asan na yung babaeng nakapukaw ng atensyon ko? Buhay pa ba sya? Nakaligtas ba sya? Eh ako kaya buhay pa?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ang init, nasisilaw ako, asan ba ako? Ang sakit ng katawan ko. Pagdilat ko, nakita ko ang dagat, malumanay, ang sarap pakinggan ng paghampas ng alon nito sa dalampasigan. Inikot ko ang mata ko sa paligid, parang nasa isla ako, may kagubatan sa likod ko. Napatayo akong bigla. Shit! Nasa langit na ba ako? Nagpanic ako, pero di ako nakatagal sa pagtayo dahil masakit ang tagiliran ko, pagtingin ko may pasa ako, malaking pasa. Nasasaktan ako, nakakaramdam ako ng kirot, at napaupo. Isa lang ibig sabihin nito, buhay pa ako. Buhay ako! "Buhay pa ako! Buhay ako! Buhay..." Sigaw ko, ngunit napatigil ako ng mapagtanto ko na nasa gitna ako ng kawalan. Kinapa ko ang bulsa ko, maswerte pa rin ako dahil andito ang cellphone ko, pero basang basa ito at may crack pa. Di na ako umasang magagamit ko pa iyon. Kaya kailangan ko maghanap ng makakain, masisilungan at kung may kasama ako dito sa isla na to. Sana naman may makakita sakin dito. Ayaw ko mamatay dito sa isla na to. Lilibutin ko na lang muna ang dalampasigan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pagkatapos ng ilang oras na paglalakad sa dalampasigan.

May kung anong naanod sa dalampasigan.Agad akong nagpunta sa kinaroroonan ng kung ano man yun. Habang papalapit ako, parang hindi bagahe o kung ano mang bagay ang naanod na yun. Lumapit pa ng lumapit hanggang sa... tao! Tinakbo ko na upang tulungan sya. Nagulat ako sa nakita ko. Sya yung...

Joyce's POV

Nagsalita ang captain at may mechanical problem daw ang eroplano at kailangan ng emergency landing. Maya maya pa tumigil ang pagalog, pero hindi pantay ang eroplano, nakapasulong ito, sumilip ako sa bintana ko para tingnan ang nangyayari. Lumulubog ang eroplano. Hinanap ko sila Marian, walang malay ang mga kaibigan ko. Yung babaeng nakita ko kanina nagpapanic, gusto ko syang tulungan pero di ko pwedeng iwan tong mga to. Inaalog ko sila para magkamalay sila. Mabuti na lang at nagkamalay sila. Nagpapanic din sila, pero sabi ko lalangoy kami palabas ng eroplano. Mabuti at lahat kami marunong maglangoy. May bata sa isang seat na nagpapanic na, iyak sya ng iyak, walang tumutulong sakanya.

"Marian una na kayo, tutulungan ko yung bata"sabi ko

"Best magiingat ka! Magkikita pa tayo!"sabi ni Marian at lumangoy na sila palabas ng eroplano.

Lumangoy ako patungo sa kinaroroonan ng bata. Iyak pa rin sya ng iyak. Hindi na ako nagdalawang isip pa, kinuha ko agad yung bata at niyakap.

"Wag kang magalala lalabas tayo dito" sabi ko sa bata para kumalma sya.

"Hinga ka malalim ok? Lalangoy tayo" sabi ko at tumango lang sya.

"OK one two three, hinga malalim" at lumangoy kami palabas ng lumulubo ng eroplano. Mahigpit kong yakap ang bata at sya rin ay mahigpit ang yakap sa leeg ko. Maya maya pa nakarating na kami sa ibabaw ng tubig. Andun sila Marian sa isa sa mga floating boat ng eroplano. Iniabot ko na yung bata dun sa isa pang floating boat. Pero di pa ako nakakalapit sa floating boat na sinasakyan nila Marian sumabog ang eroplano. Pumailalim ulit ako sa tubig dahil sa impact ng pagsabog. Pagkatapos nun di ko na alam kung nasaaan ako. Di ko na alam kung anong nangyari sakin. Lord kayo na po ang bahala sakin.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now