Chapter Fourty-seven

2.3K 49 8
                                    

Alex's POV

I'm dying. Unti unti alam ko sa sarili ko na kakaunti na lang ang oras na natitira sa akin. Every moment na mumulat pa ang mga mata ko ay pinagpapasalamat ko sa Panginoon.

Andito pa rin kami sa ospital, magdadalawang linggo na kami dito. Palagi ang pagbisita ni Jessica sa akin upang imonitor ang lagay ko. Bawat bisita nya ay lagi ko syang kinukulit na pauwiin na ako ngunit never akong nagtagumpay.

Mula nung andito ako ay di ako masyadong sinusumpong ng sakit ng ulo ko, marahil ay dahil sa mga gamot na tinuturok sa suwero ko. Maganda din ang mga nagdaang araw para sa akin, pakiramdam ko malakas ako. Di ako nahihirapan kumain, pag babangon naman ako konting alalay lang at nakakaupo na ako sa kama. Di na rin ako madalas magsuka ngunit may mga oras na nahihilo ako at nawawalan ng gana kumain. Pero suma tutal ay pakiramdam ko wala na akong sakit.

Andito sa kwarto ko si Jessica, oras kasi ng bisita nya sa akin.

"Kamusta ka?" tanong nya habang nakatingin sa clipboard ko.

"Ayos naman, malakas na ako. Can I go home?" pagkukulit ko sakanya habang pinapakain ako ng mahal ko.

Ngumiti na naman sya sa akin at tiningnan si Joyce.

"Soon, Alex" yan na naman ang sagot nya sa akin

"Kalahating buwan na ako dito di pa ba ako magaling?" nakangiti kong tanong sakanya habang natatawa pa. Nakita ko naman na naiiling na lang si Joyce sa tanong ko. Binigyan ko naman sya ng What-did-I-say look

"You know my answer to your question Alex" straight na sagot nya at sumeryoso ang mukha nya.

Di na ako nagsalita pa at yumuko na lang. Hinawakan naman ni Joyce ang kamay ko at pinisil ito.

"Jessica pasensya ka na" sabi ni Joyce

Ngumiti si Jessica at nagpaalam na lalabas na ngunit tinawag ko sya, napalingon naman sya.

"Can we talk?" kunot noo naman na tumingi si Joyce sa akin.

Tumingin naman si Jessica kay Joyce, at si Joyce ay tumingin naman sa akin. Pakiramdam ko ay naintindihan naman nya ito, tumayo sya at humalik sa pisngi ko bago lumabas ng pinto.

"What is it Alex?" tanong nya sa akin

"Jessica, sorry" sagot ko sakanya

"Sorry kasi kinukulit kita na makauwi ako" dagdag ko pa

"Naiintindihan naman kita Alex, sana maintindihan mo rin ang trabaho ko" ngumiti sya

"Ilang araw na lang ang meron ako?" seryoso kong tanong sakanya

"I can't tell, sorry" naiiling na sagot nya sa akin. Tumango naman ako at tumingin sa bintana ng kwarto ko.

Tahimik lang. Walang nagsasalita sa amin.

Pumikit ako at naluha.

"Alex" malungkot nyang sabi sa akin

"I'm sorry" sabi nya pa at yumuko bago lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

Pagkalabas nya ay syang pasok naman ng mahal ko, si mama, at si Leila. Andito silang lahat ngayon.

May dalang pagkain sila mama, dinalhan nila ako ng paborito ko. Corned beef. Wala naman bawal kaya ayos lang, tsaka mamamatay na lang ako at lahat di pa ba nila ipapakain sa akin ang mga gusto ko? Hahaha dejoke lang.

Maya maya pa ay dumating yung nurse at sinabihan si mama na may mga lab tests na gagawin sa akin.

"Para saan ang lab test?" tanong ni mama dun sa nurse

100 days with the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon