Chapter six

5.8K 148 5
                                    

Alex's POV

Nagulat ako sa nakita ko, sya yung babaeng nakapukaw ng atensyon ko kanina sa eroplano. Walang malay, agad kong nilapitan at tinulungan. Tinitingnan ko kung may pulso pa sya. Bibigyan ko na sana sya ng CPR pero agad syang umubo at lumabas ang tubig mula sa bibig nya na syang ikinabalik ng malay nya.

"Miss? OK ka lang ba?" Tanong ko sakanya. Pero tuloy lang sya sa pagubo. Gusto kong himasin ang likod nya dahil grabe ang ubo nya, pero di ko magawa kasi baka tumakbo sya. Maya maya nilingon na nya ako. Pero patuloy pa rin sya sa pagubo at naniningkit ang mata nya.

"Who are you?" Sabi nya sakin

"I'm Alex, and you are?" Sagot ko

"You don't need to know, where am I? Are you a local here? Can I use a phone? I need to talk to my mom"sunod sunod na sabi nya.

"I don't know where we are"

"What do you mean you don't know?" Galit na sagot nya, at iminulat nya yung mga mata nya. Grabe ang ganda pala ng mga mata nya. Nangungusap, parang mata ng anghel na bumaba galing sa langit. Kahit na ang sungit nya ang ganda ganda pa rin ng mga mata nya.

"Why are you staring at me?" Pagsusungit pa nya. Lalo syang gumaganda pag nagsusungit sya.

"Ahh--ehh--wala naman, tinitingnan ko lang kung OK ka, sa pagkakatanda ko kasama kita sa eroplano kanina" sambit ko sakanya.

"Yeah I remember you, ikaw yung first timer na sumakay ng eroplano" sagot nya at tumango ako.

"Pano mo nalaman na first time ko?"pagtataka ko, ganun ba talaga kahalata na first time ko sumakay ng eroplano? Nakakahiya.

"Pssh"pagsusungit nya.

"Asan yung eroplano?"tanong nya at nagkibit balikat lang ako.

Tatayo na sya pero umaray sya at agad kong tiningnan kung bakit. May sugat sya sa paa nya.

"Miss teka wag ka muna tumayo, gamutin muna natin yang sugat mo"pagaalok ko ng tulong sakanya.

"Thanks but I'm fine"sagot nya, pero nahihirapan talaga sya tumayo, base sa dami ng dugo sa paa nya, mukhang malalim talaga ang sugat nya.

"Let me help you"pagalok ko

"I said I'm fine!"pagtataray nya, tss ang tigas ng ulo nya. Nakatayo sya pero natumba din. Gusto kong tumawa dahil para syang bata na inis na inis dahil di nabili ang gusto nyang laruan. Pero naaawa ako sakanya, bahala na kung sungitan nya ako basta aalalayan ko na sya.

"Miss halika na"bigla ko syang inalalayan tumayo pero nagpupumiglas sya, di ako nagpatalo at maingat na inakay sya sa kabilang parte ng isla kung saan ako nagising.

"Ano ba?!"singhal nya sakin pero di ko sya pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad "bitiwan mo nga ako!" Di na ako nakatiis, binuhat ko na sya, kahit na mas matangkad sya sakin binuhat ko sya para di na sya mahirapan.

"Ibaba mo nga ako!" Sigaw sya ng sigaw pero di ko sya pinapansin. Patuloy lang ako sa paglalakad kahit na halos malamog na ang braso ko sa kakasuntok sya. Masakit sya manuntok, pero ang cute nya pag naiinis sya.

Andito na kami kung saan ako nagising, may mga lumulutang na gamit sa dagat. Dahan dahan ko syang ibinaba.

"Miss dito ka muna, titingnan ko kung may magagamit tayo sa mga lumulutang na bagahe"di nya ako pinansin at tumingin palayo. Para talagang bata tong babae na to.

Lumusong ako sa dagat at isa isang kinuha yung mga bagahe na lumulutang. Karamihan ay damit, kailangan ko ng first aid kit, pero kahit meron akong makita mukhang di ko na mapapakinabanggan yun dahil babad na sa tubig. Kinuha ko na halos lahat ng mapapakinabanggan namin.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now