Chapter Twenty-eight

3.5K 101 8
                                    

Joyce's POV

Pagpasok namin, maraming kainan, mga stalls, tapos maraming lamesa sa gitna at may maliit na stage sa harapan.

Umupo na kami sa bakanteng upuan. Tinanong nya ako kung ano gusto kong kainin. Halos lahat daw ng pagkain ng buong mundo andito. So sabi ko sige western ang gusto ko. Burgers, fries, hotdogs at pizza ang meron sa western. Pinapili nya ako. Sabi ko burger na lang.

Tumayo na sya at umorder. Naiwan ako magisa dito sa lamesa. Maraming tao, magbabarkada, magkakaopisina, magkasintahan. Maganda yung lugar, di sya romantic, saktong chill lang ang ambiance.

Maya maya andito na sya ulit at walang bitbit na kahit ano at umupo na sya sa harap ko. Di ako makatingin sakanya ng diretso.

"Ah Joyce wait lang ha. Ihahatid na lang dito yung pagkain natin" nakangiti nyang sagot sakin

Tumango lang ako sakanya at ngumiti rin. Awkward silence. Walang nagsasalita sa amin. Maya maya dumating na yung pagkain namin. Tumayo sya, inayos yung kakainin ko. Pinunasan nya yung utensils, at binigay sakin. Nagsimula na kami kumain.

Tahimik na naman kami kumain. Infairness masarap naman yung burger, yung fries sakto lang din, yung shake masarap din, maraming nakalagay na mga kung ano ano. Stick-o, wafer, maliliit na kisses. Pwedeng iinstagram. Hahaha!

"Kamusta naman araw mo?" tanong nya habang kumakain kami.

"Ayos naman, busy sa work at sa business ko. Ikaw kamusta ka?"

"Ayun busy din sa work, buti nga at pumayag ka na lumabas tayo kasi na stress na talaga ako sa opisina" with matching gestures kung gano sya kastress. Haha! Nakakatuwa talaga sya. Di ko napigilan at napalakas yung tawa ko.

"Bakit?" nagtatakang tanong nya with matching kunot noo. Cute! Haha!

"Wala naman, ang cute mo kasi eh" bigla kong nasabi sakanya at natahimik ako. Halata naman na nagulat din sya sa sinabi ko.

"Ah. Eh. Para ka kasing bata na nagrereklamo" palusot ko na lang.

Ngumiti naman sya at nagpatuloy pa ang kwentuhan namin, nagaasaran na rin kami, at feeling ko mas nagiging close na kami. Nagjojoke din sya, minsan nakakatawa, madalas ang corny nya.

Maya maya pa eh nagaya na sya umuwi at gabi na daw. At baka hinahanap na daw ako sa amin. Di ko pa pala nasabi sakanya na di na ako nakatira sa parents ko.

Tumayo na kami at inalalayan nya ako. Pinagbuksan ng pinto ng sasakyan, nilagay ang seat belt sakin, at sumakay na rin sya. Pinaandar na nya yung kotse at umalis na kami.

"Ah di na ako kela mama nakatira. Nasa QC na ang bahay ko. Dun mo ako ihatid" tumango naman sya at ginamit nya si google map para maituro ang daan patungo sa bahay ko.

Nang makarating na kami sa bahay ko.

"Joyce thank you"

"Ha? Para saan?" pagtataka ko

"For this night" simpleng sagot nya

"Wala naman akong ginawa"

"You've done more than enough to make me happy, thank you" sabi nya and I answered with a big smile.

Bababa na ako ng sasakyan ng bigla nya akong tawagin. Lumingon ako

"Good night" sambit nya

"Good night din Alex" sagot ko naman at nakipagbeso sakanya.

Bumaba na ako at umalis na sya.

Pagkapasok ko ng bahay ko para akong baliw. Tulala. Naaalala ko yung maganda nyang ngiti. Yung mga mata nya na tumatawa din. Yung mga kwento nya na nakakatuwa.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now