Chapter sixteen

4.1K 94 0
                                    

Alex's POV

Heto na, ipapakilala na ako ng best friend ko, kinakabahan ako, yung puso ko parang may mga kabayo na naghahabulan sa sobrang lakas ng kabog neto. Para akong natatae na ewan, pinagpapawisan din ako ng matindi.

Nagpalakpakan na ang mga tao, at narinig ko na ang pangalan ko. Eto na yun, kailangan ko ng lumabas dun, ayaw ko mapahiya si Leila at si tita.

Paglabas ko ng stage muling nagpalakpakan ang mga tao, at iniabot sakin ni Leila ang microphone at ngumit sakin.

"Good evening everyone, first of all I want to thank my best friend, my sister from another mother, Leila for giving me this huge opportunity to speak in front of you..."at binigay ko ang speech ko na ginawa namin ni Leila. After my speech nagthank you ako at nagpalakpakan ulit sila.

I bow down to them then the lights went out at nagsalita na yung mc ng event nila tita. Pagbaba ko sa stage niyakap ako ni tita at binati ako, "I'm so proud of you hija, halika at ipapakilala kita sakanila isa isa" sabi ni tita at nginitian ako ni Leila.

Isa isa namin nilibot yung mga tables at ipinakilala ako ni tita sa mga taong tinitingala ko. Hanggang sa ang huling mesa ay nakapangalan sa Montenegro. Bigla akong kinabahan, ang bilis ng tibok ng puso ko, parang hindi ako makahinga. Pinapawisan din ako kahit na nakaaircon naman dito.

"Hi Greg, how are you? I'm glad you came, I want you to meet Alexandra Sandoval, youngest CEO ng telecom company" pagpapakilala ni tita sakin, kinamayan ko naman si Mr. Montenegro, "nice to finally meet you Mr.Montenegro" sabi ko. At nagusap na sila ni tita, medyo awkward kasi wala pa akong maintindihan sa mga pinaguusapan nila about sa business.

"Miss Sandoval I think you should meet my daugther, CEO din sya sa isa sa company namin, and I know magkakasundo kayo"pagalok ni Mr.Montenegro sakin

"Salamat po, sana makilala ko din sya"sabi ko

Lumingon lingon si Mr.Montenegro at parang hinahanap yung anak nya.

"Best!" Sigaw ni Leila at sinenyasan ako na puntahan sya.

"Ah excuse me, tita at Mr.Montenegro"nagexcuse ako at pinuntahan ko si Leila.

"Oh bakit best?"tanong ko

"Buti nakita mo ako agad, alam ko naman na ayaw mo sa mga ganung usapan eh"sabi nya

"Hay best guardian angel talaga kita, grabe nameet ko na si Mr.Montenegro, ang isa sa mga pinakamalaking business tycoon dito sa Pinas, grabe ang impluwensya nyo best"

"Yeah best kaya nga pinilit kita dito sumama eh para maexpose ka sa business world"Sabi nya

"Best alam mo parang familiar sakin yang Montenegro na yan eh. Parang may kakilala ako na Montenegro din ang apelyido, pero di ko maalala kung sino"

"Baka naman best nabasa mo lang, lagi silang laman ng news eh, palaki ng palaki ang business nila"

Sabagay tama naman sya at tumango na lang ako sa sinabi nya sakin.

Marami pang nangyari sa party, may mga nagbigay din ng speech, at sinerve na ang pagkain, at natapos ang party bandang 11pm. Nagsi uwian na ang mga bisita at nagpaalam na ako kela tita, nagpasalamat ako at sabi na ipapahatid ako sa driver nila, tatanggi sana ako kaso wala akong nagawa kundi umoo na lang sa suhestyon ni tita. Sumama si Leila maghatid sa akin, hinatid nila ako hanggang sa bahay at nagpasalamat ako ulit sa paghatid nya sakin.

Pagkapasok ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto ni mama at nagmano sakanya. Nagising sya pero sabi ko ok lang ako at matulog na sya ulit.

Nagshower ako at nagsipilyo, humiga ako at di makatulog. Iniisip ko pa rin yung nangyari sa party, pamilyar masyado ang Montenegro. Pinilit ko matulog. Pumikit ako at nagantay makatulog.

"Alex!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Boses ng babae.

Hinanap ko kung saan nanggagaling yung boses. Lumingon ako sa kanan, lingon ako sa kaliwa, hanggang sa nagulat na lang ako at may yumakap sakin mula sa likod. Isang babae na humahalimuyak ang bango, ang tamis ng amoy ng pabango nya.

Isang halik ang natanggap ko sa taong yumapos sa akin. Hanggang ngayon wala akong ideya kung sino sya, humarap ako. Nagulat ako sa nakita ko, kinakabahan ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. Si Joyce, si Joyce Annabelle Montenegro na nakasama ko sa isla, si Joyce na simple, maganda ang ngiti, sya ang yumakap sakin. Napakaganda ng mga ngiti nya, ang mga mata nya nangungusap at kumikislap. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinalikan nya ito.

*ring

*ring

*ring

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Panaginip lang pala. Pero parang totoo, parang totoo na yakap yakap nya ako at nasa harapan ko sya. Di ko alam pero simula kagabi di na mawala sa isip ko kung sino nga ba si Joyce. Naisip ko na hanapin ang mga detalye tungkol sa pamilya nila sa internet, kilalang pamilya sila sa Pinas kaya hindi mahirap maghanap ng mga bagay tungkol sakanila.

*hanap

Business tycoon...

Top company of the year...

Top employer of the year...

Joyce Annabelle Montenegro...

Lincoln party...

*tumitingin ng mga litrato...

O.O

Nasa party sya?

---------------------------
Hey guys! Sorry to keep you waiting! Medyo busy lang sa career, hope you like the update. Salamat sa lahat ng matyaga na nagabang ng update sa story ko.

PS
I'll try to do updates on weekends :)

'Skyflakess now MsSky

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now