High & Mighty 21

10.5K 367 6
                                    

"Mas magandang mahuli mismo si Terrado sa bibig nito."

Nasa harapan nila ngayon ang hepeng kaibigan ni Poseidon.

"You mean, this are not enough?" tukoy ni Poseidon sa mga ebidensya.

"You know people like him, pwede niyang baliktarin ang batas. But if we caught him with his own mouth wala na siyang kawala."

Dismayadong hinilot ni Poseidon ang ulo. Habang si Zion ay tahimik sa tabi ni Thea.

"We need a bait,"

Tumingin ang hepe kay Thea.

Agad na bumalik ang anyo ni Zion. "No." Mariing nitong tutol.

"Kailangan na nating siyang mahuli so that Thea can go back to her life."

Tama ang boss na si Poseidon, hanggat di siya nahuhuli nanganganib parin ang pamilya niya. She needs to do something.

"Sige, payag ako."

"No." madilim ang anyo ni Zion. "Swerte tayo, hindi pa nila nakikilala si Thea." Marahas itong tumayo. "Or it's a trap."

"Alam kong hindi niyo ako pababayaan. Kailanganan na nating tapusin ito." Pinal ng saad ni Thea.

Sana nga ay hindi pa siya nakikilala ni Terrado.

Padabog na umalis si Zion at nilisan nito ang conference room.

Hindi na kinibo ni Zion si Thea mula ng pumayag siya sa plano nila Poseidon.

"Thea,"

"Po, boss?"

Nandito ang pulis na ang makakasama mong pulis.

"Corpuz?"

Lumiwanag ang mukha ni Thea at sinalubong ng yakap ang bagong dating.

"Pulido," tuwang-tuwa si Thea na makita ang kaibigan. Utang niya dito ang lahat.

"Parang kailan lang ah," ani Pulido habang pinagmamasdan si Thea. "Gumanda ka."

Tumatawang hinampas ni Thea ang braso ni Pulido. "Hindi ka parin nagbabago, bolero ka parin."

Natigil ang biruan nila ng tumikhim si Poseidon. "Let's get back to work."

Galit na inihagis ni Zion ang boxing gloves kay Pablo at nagpatiuna sa ring. He need to release his anger. Baka makapatay siya ng pulis ng wala sa oras.

"Anong karapatan nitong yakapin si Sexy love niya?"

Gigil na sinugod ni Zion si Pablo ng makaakyat ng ring.

Makalipas ang ilang minuto ay hingal na hingal na humiga si Zion sa lapag ng ring. Maga ang mga labi niya pero hindi niya maramdaman ang hapdi.

Si Pablo sa tabi niya ay maga din ang pisngi. Kapareho ni Zion ay tila wala rin dito ang sakit. They had a good fight, no doubt magaling talaga si Pablo.

Sinuntok ni Zion ang braso ni Pablo bago tumayo. Paalis na si Zion ng magsalita si Pablo.

"Ayaw mo ba talagang sumama?" Tumayo na din si Pablo.

"Baka mawalan ka."

"Zion," tawag ni Thea sa binata. Dalawang araw na siyang hindi pinapansin nito.

Tila walang narinig si Zion, nilagpasan lang nito ang dalaga.

"Uy, huwag ka ng magalit."

Sumunod si Thea kay Zion at sinabayan ito sa paglalakad. "Gusto mong ipagluto kita?"

Mr High Meets Ms. MightyWhere stories live. Discover now