High & Mighty 14

11.2K 374 19
                                    

Matapos naming masabi kay tiyo Milo ang lahat, hinanda namin ang mga ebidensya. Dadalhin namin ito sa pagbabalik namin kay bossing my lab.

"Andrea?"

"Andrea? Nandiyan ka ba?"

Itinigil ko ang aking ginagawang pag-aayos sa aming gamit ni Zion. "Opo, saglit lang ho."

Mabilis na yumakap sa akin si aling Sonia nang makalabas ako ng pinto.

"Nasabi ni Kapitan Milo na babalik na daw kayo sa siyudad ineng?"

May lungkot akong naramdaman. Sa lagpas isang buwan na nanatili kami ni Zion dito sa isla ay napalapit na sa amin ang mga tao.

Marahan akong tumango. "Opo,"

Bumitaw ang matanda mula sa pagkakayakap sa akin. "Aba'y akala ko'y dito na kayo titirang mag-asawa. Nalungkot ako ng malaman ko ang balitang kailangan niyo ng bumalik sa siyudad."

Magiging maayos na ang lahat dito sa isla, tapos na ang aming misyon kaya kinakailangan na naming bumalik.

"Tumawag ho kasi ang boss ni Buboy, pinababalik na ho siya sa trabaho." Ito ang dahilang pinag-usapan namin ni Zion.

"Ganun ba?" bakas ang lungkot sa boses ng matanda.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni aling Sonia. "Huwag ho kayong mag-alala aling Sonia. Dadalaw-dalaw ho kami ni Buboy dito." Joke lang aling Sonia, mag-isa akong babalik dito.

Tumatango ang matanda habang humigpit ang hawak sa aking kamay. "Aasahan ko yan ha?"

"Oho."

Pinakawalan ni aling Sonia ang aking kamay. "Kailan na ulit kayo aalis?"

"Sa isang araw ho." Sa isang araw kasi ang biyahe sa bangka papuntang bayan.

"Mabuti naman iha, kakausapin ko si kapitan na magkaroon ng salu-salo bago kayo umalis na mag-asawa. Sige na iha, hahanapin ko pa si kapitan Milo." Nagmamadali niyang paalam.

"Para sa mag-asawa!" Itinaas ni tiyo Milo ang kanyang basong may lamang tuba.

Halos lahat ng taga isla ay nandito sa dalampasigan. Nakapabilog kami sa malaking apoy sa ming gitna na nagsisilbing liwanag sa gabing ito.

"Para sa mag-asawa!" Itinaas din ng mga taga isla ang kanilang mga baso. Pati tuloy ako at si Zion ay naitaas ang aming mga baso.

Para din itong kwatro kantos kaya hindi ako nanibago sa lasa. Tuloy-tuloy kong nilagok ang halos puno ng tuba kong baso. Katulad noong aming pagdating, napuno ng tawanan ang paligid.

Isa-isa ng nagsisi-alisan ang mga taga isla hanggang sa hindi ko namalayan na dalawa nalang pala kami ni Zion ang natitira.

Kumindat ako ng mapansin kong nakatingin siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Bakeet? Napapangitan ka sa akin?"

Pansin kong tinamaan na ako ng tuba. Makapal at mainit na ang aking pisngi. Hindi ko na rin mapigilan ang aking bibig sa pagsasalita.

Nagsalubong ang aking mga kilay ng bahagya siyang lumayo sa akin. Inamoy ko ang aking damit at hininga. Napanguso ako at muling lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat at idiniin ang sarili ko sa kanya.

"Mabaho ba ko?"

Marahil ay hindi niya ito inaasahan kaya napahiga siya sa buhanginan habang nasa ibabaw ako.

Hinawi ko ang aking buhok na nakatabing sa aking mukha at humalakhak.

Alam kung galit na siya base sa mariin niyang titig. Mas gusto ko tuloy siyang asarin.

Naagaw ng aking pansin ang kanyang mapupulang labi. Ngumisi ako, kailangang parusahan ang mga labing yan.

Pumikit ako at dahan-dahang inilapit ang aking mga labi sa kanya. Bago pa maglapat ang aming mga labi ay napatili ako. Umupo siya at buong lakas niya akong isinama sa pagtayo.

"No, stop, d*mn!"

Lasing na nga ata ako, ni hindi ako natakot sa english niyang pagmura at sa paghigpit ng hawak niya sa bewang ko.

"Stop this Thea, I'm afraid I'll lose control."

Kahit lasing ay malinaw ang paningin ko. Kita ko ang paglabas ng ugat sa kanyang leeg at panga.

Napakagat ako ng labi, tila may sariling isip ang aking kamay na haplusin ang mga ugat sa kanyang leeg at pisngi.

"Thea huwag!"

Sa kabila ng babala niya at ng utak ko ay hindi ako nag-paawat.

Nakakaintindi naman ako ng english no. At hindi maipagkakaila ng katawan ko ang init na nagmumula sa kanya at sa akin.

Wala ng atrasan, fighting na to mga kababayan.

I'm sorry bossing my lab. Marupok pala ako, gusto ko tong init na to. Gustong-gusto ko.

Sinalubong ko ang mapupungay niyang mga mata, hindi ko na kailangang magsalita dahil namalayan ko nalang ang mabibilis niyang hakbang patungo sa aming kubo habang buhat-buhat ako.

****


Jusmee, inosente na po ako. Hindi ko na ata kayang gumawa ng SPG hahaha

Charness. Next update po ulit.

-Shy

Mr High Meets Ms. MightyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu