High & Mighty 16

13.2K 397 38
                                    

"Ang gwapo!"

Nalukot ang mukha ko nang makarinig ng matinis na tiliian. Pahablot kong kinuha ang isang unan sa aking tabi at itinakip sa tenga. Pero hindi umubra dahil nangingibabaw pa din ang mga tilian ng kung sino mang mga haliparot sa labas. Bumangon ako para lamang muling mapahiga. Napangiwi ako.

Uminit ang aking pisngi ng maalala ang nangyari kagabi. Kinapa ko ang aking sarili, nakahinga ako ng nalaman kong nakasuot ako ng malaking tshirt na itim. Nang itaas ko ang laylayan ay nakasuot na ako ng bagong panty at shorts na pinangpapaloob ko sa mahahabang palda na sinusot ko dito sa isla.

"Pusang gala, ang hapdi ang pempem ko." Nakangiwi akong dahan-dahang bumangon. T*ngna, mas maigi pa atang gumapang na ako palabas kesa maglakad. Sino ba naman ang hindi mawawarak dun sa parang braso ng bata yun?

Nanlaki ang aking mga mata ng umangat ako sa ere.

"You okay? Bakit hindi mo ako tinawag?"

Napipi ako ng mapagmasdan ko ang kanyang mukha. Parang gusto ko ng mangarap na maging tatay siya ng magiging anak ko sa gandang lalaki niya. Imbes na magmukhang gangster ay mas naging makisig siya dahil sa balbas niya. Ngayon ko lang napansin na berde pala ang mga mata niya. Bakit parang mas magandang lalaki na siya sa paningin ko kaysa kay bossing? Natuyo ang lalamunan ko ng bumaba sa katawan niya ang mga mata ko. Wala siyang damit pang itaas, deym, eng serep serep ng abs niya pati ang mga pinong balahibo sa kanyang dibdib.

"Nagugutom ka na ba? hmmm" Magaan niya akong hinalikan sa noo. Syet, ang bango niya, namasa ata ang peym ko.

Nakabuka ang aking aking mga labi sa pagsagot ngunit parang ayaw lumabas ng salita sa bibig ko. "o-o-" tumikhim muna ako para mawala ang bara sa aking lalamunan.

"Tamang-tama, nakahanda na ako ng tanghalian." Binuhat niya ako hanggang sa aming hapag kainan. Pakiputol nga ng hair ko, ang haba haba hihi

Ha? Tanghalian? Anong oras na ba?

"It's almost 12 noon." Sabi niya ng marahil ay nabasa niya ang nasa isip ko.

Si Zion na mismo ang naglagay ng pagkain sa aking pinggan. Anong nangyari? Sweet-sweetan ang peg niya? Kinikilig na itinago ko ang aking ngiti.

Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ulit ang tilian. "Ano bang nangyayari sa labas?"

Humigop muna siya sa kanyang tasang may lamang kape bago sumagot. "Medical mission, nabanggit kagabi sa akin ni tiyo Milo."

Baka pwedeng magpagamot? Injured peym ko, dahil sayo.

Naudlot ang muli kong pagsubo ng bumukas ang pinto, at iniluwa nito si tiyo Milo.

"Buboy, Andrea," lumapit siya sa amin at mahinang nagsalita. "Andyan siya."

"Sino?" kunot noo kong tanong. Hindi ko maintindihan ang sinsasbi ng matanda.

Walang ingay na naglakad si Zion patungo sa bintana at maingat na iniawang ito. Naging blanko ang mukha ng humarap siya sa akin.

Sino ba? Dala ng kuryusidad ay lumapit din ako. Hindi pa ako nakakasilip nang hawakan niya ang dalawang balikat ko.

"Stay here, huwag kang lalabas." Mariin niyang utos.

Tumaas naman ang kilay ko "bakit?"

"Basta, huwag matigas ang ulo." Mabilis niya akong hinalikan sa labi. "Pinagod kita kagabi, kailangan mong magpahinga."

Hindi ko tuloy mapigilang mamula. Hala, nandito si tiyo Milo. Ene be, nahihiya akong lumingon kay tiyo Milo. Tila wala lang naman sa matanda ang nakita at narinig.

Mr High Meets Ms. MightyWhere stories live. Discover now