High & Mighty - 3

16.6K 516 36
                                    

Pagdating ko sa Agency ay agad akong dumiretso sa opisina ni bossing my labs.

Sumilip ako sa bahagyang nakaawang na pintuan.

Seryoso ang mukha ngunit hindi ito nakabawas sa kagwapuhan nito.

Noong sinagot ng Diyos ang panalangin ko na matanggap sa Agency ay may advance pang bonus.

Ang kisig ng bossing ko.

Althea ang babaeng pinagpala.

Kinikilig kong itinirik ang mga mata.

Bago ako pumasok, pinasadahan ko muna ng kamay ang medyo nagusot kong damit. Tinanggal ko ang nakasuot na pony tail sa aking bisig at ipinusod ang aking buhok.

Hinayaan ko nalang ang ibang hibla ng bangs na kumawala mula sa pagkakaipit baka kapag inayos ko pa ay mas lalo lang gugumulo.

Tumuwid ako ng tayo at itinapat ang palad sa bibig. Hiningaan ko ito at inamoy, kailangang makasiguradong fresh breath ako bago kausapin ang boss.

"Syet, amoy gin."

Kinapa ko ang aking bulsa, baka sakaling magmilagro at magkaroon ng doublemint ngunit wala.

Bahala na.

Mahina akong kumatok sa pinto.

"Come in."

Kinilig ako nang marinig ang lalaking-lalakeng boses nito. Inihanda ko ang pa-cute na ngiti bago pumasok.

"Good morning po, bossing."

"Have a sit, miss Corpuz." Seryosong saad nito.

Tumalima ako, hindi parin nawawala ang ngiti sa aking mga labi.

"Syetnes, ang gwapo pramis."

Nagsalubong ang aming mga mata, hindi ko maiwasang mamula. Ilang beses pa ba ako muntik na himatayin sa tuwing nakikipag-eye to eye ako sa kanya.

"Juicekolord naman."

"Let's wait for Zion, bago ko i-discuss ang mission mo."

"Zion?"

The who?

Bumukas ang pinto bago ito makasagot. Wala man lang ka-manner manners ang pumasok. Walang katok at walang goodmorning.

"I'm here, a*shole." mayabang saad nung lalake. Basta nalang ito umupo at dumekwatro sa silyang nasa tapat ko.

Hindi ko tuloy maiwasang mainis, matalim ang tinging ibinigay ko dito.

His forhead knotted ng mapansin nitong masama ang tingin ko. "What?"

Ngumisi ito, "first time mo ba makakita ng ganito ka-gwapong mukha?" Hinawakan nito ang baba at hinaplos.

Nanlaki ang aking mga mata.

"Aba't ----- hindi lang mahangin ang isang ito. Hindi lang ito hangin, kundi bagyo."

Inirapan ko ito, taas ang isang kilay na pinagmasdan ko para laitin sa aking isip.

"Buset! Gwapo? San banda?"

Malago ang kilay nito at nasa ayos, mahaba at makapal ang pilik mata na bagay sa mga mata nitong sing-dilim gabi. Matangos ang ilong, mukha nga lang nakalimutan nitong mag-shave ng ilang araw dahil sa tumutubong balbas nito at bigote.

Nakaka-buset man ay bumagay sa mapupulang labi nito. Nagyayabang din matigas nitong braso, bakat ang mga monay sa itim na tshirt nitong suot.

Nalukot ang mukha ko, bigo akong may maipintas sa mayabang na lalake.

Mr High Meets Ms. MightyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon