High & Mighty 1

43.8K 741 38
                                    

Napatigil si Althea sa pagkus-kos ng kilikili ng may kumalampag sa pintuan ng banyo.

"Althea nak, may tumatawag sa celpon mo." Palahaw ng kanyang ina mula sa labas.

Binuhusan muna niya ng isang tabong tubig ang mukhang may sabon bago sumagot sa ina.

"Sino po nay?"

"Boss Pogi nakalagay, nak."

Nanlaki ang kanyang mga mata, sunod-sunod siyang sumalok ng tubig at binuhusan ang sarili.

"Saglit lang, nay."

Hindi pa niya nababanlawanang maigi ang katawan ay hinablot na ni Althea ang tuwalyang nakasampay. Kinuskos niya ng tatlong beses ang buhok bago ito ibinalot sa katawan.

Paglabas ng banyo, nabungaran niya ang inang nagwawalis habang hawak sa kabilang kamay ang tumutunog niyang cellphone.

"Nay, akin na."

Maaagap naman nitong iniabot ang cellphone.

"Sir?"

"You have a mission." Tipid nitong salita.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso sa excitement.

Yes! "Okay, copy bossing."

Sa wakas at may misyon na siya, dalawang linggo na rin siyang nakatengga sa kanilang bahay.

Isa siyang agent sa Olympus Detective Agency.

Althea bakit sa Detective Agency?

Simple lang mga bro, mas gugustuhin ko pang maghabol ng mga magnanakaw kaysa rumapa sa stage kahit pwede akong pumasa sa Miss Universe ang beauty ko. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang lalo na ng aking ama noong nabubuhay pa ito ay kursong criminology ang kinuha ko.

Isang taon nalang ang gugululin ko para makapagtapos ngunit pinili kong huminto sa pag-aaral dahil sa dinami-rami ng pamilya sa mundo ay sa amin pa naisipang tumira ng mga problema.

Na-stroke ang aking ama, walang pambayad sa ospital kaya kinailangan naming isangla sa bangko ang aming hindi kalakihang bahay at lupa.

Ngunit hindi rin nagtagal ang buhay ng aking ama. Kalaunan ay namayapa ito. Sa kabila ng lahat ay wala kaming ni katiting na pagsisi. Bahay at lupa lang iyon, ang mahalaga ay ipinaglaban namin ang aking ama hanggang sa huli.

Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, pinilit kong magpakatatag. Ako nalang ngayon ang aasahan ng aking ina at mga kapatid.

Baon ang lakas ng loob at pangarap para sa pamilya ay naghanap ako ng trabaho. Kahit pang-audition sa reality show ang motto ko sa buhay ay sa isang mall ako nag-apply.

Salamat sa Diyos at natanggap naman ako bilang sales lady ng isang brand ng sapatos.

"Thea anong oras break mo?"

Mula sa ginagawa ay bumaling ako sa aking katrabahong si Jessica. Abala ito sa pag-aayos ng mga sapatos ayon sa size ng mga ito.

"Ala una. Ikaw?"

Tumayo ito at nag-unat. "Ala una din, sabay na tayo."

"May baon akong kanin, bibili nalang ako ng tusok tusok sa labas." Isang daan nalang ang pera sa aking wallet. Kailangan kong magtipid para sa pamasahe at ulam. Tatlong araw pa bago ang sahuran.

Hindi ko naman na problema ang baon ng aking mga kapatid dahil tuwing sahod, hinihiwalay at itinatabi ko na ang baon ng mga ito pati ang pambili ng bigas at sardinas pang ulam sa bahay.

Kaya ang natitira sa kinsenas kong sahod ay tinitipid ko para sa pamasahe at pagkain.

Tatlong piso isang kalamares, makakaraos na ang ulam ko sa tanghalian sa tatlong piraso nito. Nagpapa-dagdag nalang ako kay manong na nagtitinda ng sauce kaya solve na.

"May baon akong itlog na maalat, share nalang tayo, dalawa naman yun."

Mabuti nalang at nakatagpo ako ng mabait na katrabaho, kaya sino ba naman ako para tumanggi?

Pagpalain ito ni Lord.

Ngumiti ako ng buong pasasalamat. "Thank you ha, bawi ako sayo next time promise."

Kung kailan ang next time na sinabi ko ay hindi ko alam.

Pauwi na ako galing sa trabaho nang makasabay ko ang aking dating kaklase at kaibigan sa kolehiyo si Carlo Pulido.

Unipormado na ito, hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Kung naka-graduate siguro ako katulad din nito ang suot ko ngayon.

"Pulido" basa ko sa nameplate nito sa dibdib.

"Corpuz?" Lumiwanag ang mukha nito. "Kumusta?"

"O-kay lang."

Umiling ito at lumipat ng upuan sa tapat ko. "Hindi ka parin marunong magsinungaling."

Mapait akong tumawa, maya-maya pa ay pahapyaw na akong nag-kwento dito.

"Kaya mo yan tol."

"Minsan na-iisip ko na ngang pumasok sa club, mas maraming kita." Pabiro kong saad sa kaibigan

"Di ka bagay dun tol, bagay ka sa fashion show."

Lumarawan ang paghanga sa kanyang mukha ng pasadahan ako ng tingin. Marahil nanibago sa aking itsura. Nasanay ito noong nasa kolehiyo kami na panlalaki ang aking gupit at siga kung kumilos.

Ngayon ay nakasuot ako ng asul na blouse na may ternong itim na skirt. May bahid ng kolorete ang mukha, required kasi na mag make-up sa aking trabaho. Kailangan laging presentable ang aming itsurang humarap sa aming mga customer

Umiling ako bilang pagtutol. Ni sa panaginip ay hindi ako bagay doon.

Bago bumaba, kinuha ni Pulido ang aking numero. Magtatanong-tanong daw ito sa mga kakilala. Baka sakali daw ay may mairekomenda ito sa akin na trabahong mas mataas ang pasahod.

I thank him in advance, sana nga ay meron.

Makalipas ang dalawang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula dito. Nasagot ko agad ang tawag nito dahil nasaktong opening ako sa araw na iyon kaya maaga akong nakauwi.

Naghahanap daw ng tauhan ang kakilala ng Hepe nito.

"Tol,medyo delikado pero hindi ko naman irerekomenda sa iyo ang trabahong iyon kung hindi mo kaya."

Delikado?

Sa halip na matakot ako ay halos mabingi ako sa lakas nang kabog ng aking dibdib sa galak.

"May training naman tol, bago ka isabak sa misyon."

"Gu-sto ko tol." Halos mabulol ako sa pagsasalita. Dalawang beses akong suminghap upang makasagap ng hangin. Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Tumingala ako at pumikit.

Salamat, akala ko hindi mo naririnig ang panalangin ko.

Mabilis kong pinahid ang gilid ng aking mga mata. "Salamat tol." Pinigil ko pag-garalgal ng tinig.

"Walang anuman tol."



Mr High Meets Ms. MightyWhere stories live. Discover now