High & Mighty 18

10.6K 344 11
                                    

Napawi ang pagtataka ng ina kung ano ang dahilan ng biglaan niyang paghatid sa mga ito sa Pangasinan ng makita ang mga kamag-anak.

"Tessy?"

"Wen, kumusta ngay kasinsin?" (Kumusta ka na pinsan?"

"Nasayaat met, naimbag man ta nakapasyar kayo ditoy." (Mabuti naman at nakapasyal kayo dito." Napalibutan ang ina ni Thea ng mga kamag-anak na nangungumusta nang magsi-datingan ang iba. Habang ang kapatid na si Andrew ay hindi maipinta ang mukha.

"Ate paano ang pag-aaral ko?" Yamot na kamot sa ulo ng kapatid niyang si Andrew.

"Ipapaalam nga kita sa Teacher mo." sinamaan ni Thea ang kapatid. "Kailanagan ni nanay ang preskong hangin."

"Dagita agidiay annak mon?" (Yan na ba ang mga anak mo?) "Ay apo nagpintas ken nagwapo da." (Maganda at Gwapo) Baling kina Thea at Andrew ng mga kamag anak.

"Anong sabi nila ate?"

"Pangit ka daw, ako maganda." Humalakhak nalang si Thea ng malukot ang mukha ng kapatid.

"Bangon, Thea!" sigaw ni Poseidon sa labas ng ring.

Matapos niyang ihatid sa Pangasinan ang ina at kapatid ay agad siyang bumalik sa Olympus.

Napaigik siya sa sakit ng likod sa pagbaksak. Napakagat siya sa labi habang nahihirapang gumapang papunta sa malapit na lubid ng ring sa kanya.

"Tandaan mo Thea, ang mga taong kagaya ni Terrado ay walang awa."

Nang makatayo ay sinenyasan niya si Pablo, mabilis itong sumugod sa kanya ng isang sipa. Naiwasan niya ito ngunit hindi niya inaasahan na pumaikot ito sa kanyang likod at idiniin nito ang siko sa kanyang leeg.

Gamit ang buong lakas ay pilit niya itong binabaklas ngunit tila walang nangyare. Konti nalang ay mauubusan na siya ng hangin sa dibdib.

"Enough."

Maagap na bumitaw sa kanya si Pablo at sinalo siya sa pagbagsak.

Naramdaman ni Thea ang pag angat. Pagtingala niya ay nasaksihan niya ang paggalaw ng mga panga ni Zion. Sa kabila ng sakit ng katawan na nararamdaman ay naakit siya dito.

"Aim for the head,"

Kinilabutan si Thea, head? Akala niya ay sapat na ang kalaman niya sa pagbaril ngunit hindi pa pala.

Bahagyang nanginig ang kamay niya sa pag-abot ng baril mula sa lalake.

"Those people are trained to kill. No conscience and no mercy. They kill, like killing ants. They ruined many innocent lives and may ruin more, Thea."

Kumuyom ang kamao ni Zion. "Next could be the people in the Island or your family."

Humigpit ang hawak sa baril ni Thea, Zion is right. Ibang usapan na kapag pamilya niya nakasalalay.

Ininutok niya ang baril sa target at inisip na mukha iyon ni Terrado. Sunod-sunod ang mga putok na pinakawalan niya sa mga target.

Isang hindi makapaniwalang mukha ni Zion ang sumalubong sa kanya matapos niyang tanggalin ang eye protection at ear protection niya.

Maging siya ay hindi makapaniwala. Walang naaksayang bala halos lahat sapul.

Lumapit si Zion sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang buhok. "Good job, love."

Palihim namang kinilig siya, sa tuwing pinupuri siya ni Zion ay napupuno ng galak ang puso niya.

Dumating na ang gabing pinaghandaan nila sa Olympus. Zion and Thea will go by the name Mr. and Mrs. Davis, a wellknown business Tycoon in North Amerika na may asawang Pilipina.

Mr High Meets Ms. MightyWhere stories live. Discover now